Chapter Three

6.3K 317 37
                                    

Chapter Three

Plans

I woke up to hazy voices inside my head on an unknown day and time. I had no idea where I was, but I could feel the comfort of the bed and the air conditioning room. Amoy Elizondo ang ibinubuga ng aircon at ang bango ng buong kwarto kaya sa hinuha ko, nakauwi at nakalabas kami ng buhay at buo sa kasukalan na iyon.

I blew a quick sharp of relief with the thought and rolled enthusiastically to the other side of the bed.

"I'm alive! Tuloy ang laban! Ang saya!"

"Ang saya-saya nga."

Dahan-dahan akong napamulat nang marinig ang boses ni Tanya. Pagmulat ko, ang kilay nitong nakataas ang unang bumungad sa akin.

"What are you doing here?" Tinaasan ko ito ng kilay pabalik. "Hindi ka pa ba umuuwi sa inyo?"

"Obviously, hindi pa."

"At bakit? Wala na ang matandang hukluban kaya wala ng aampon sa iyo rito. Umuwi ka na."

"So, pagkatapos mo akong pag-alalahanin, ipagtatabuyan mo ako ng ganito kadali? Wow, ha? Dapat kasi hindi na ako nag-alala sa iyo. Alam ko namang masamang damo ka kaya walang mangyayaring masama sa'yo."

I rolled my eyes. "Precisely. Ako nga hindi nag-aalala sa sarili ko tapos ikaw may lakas ng loob na mag-alala sa akin. Sino ka sa tingin mo para mag-alala sa akin?"

Dahan-dahan kong inalis ang kumot sa katawan saka bumangon.

"Nagugutom ako. Where's the food?"

Sanay ako na paggising ko may nakahanda nang pagkain sa harapan ko. Ngayon pa talaga walang bumungad sa akin kung saan gutom na gutom ako.

"Wala." Tanya replied, which drew a glare from me.

"Anong wala? Nagugutom ako! I need food!"

"Hindi kasama sa inutos ni Spencer na dalhan ka ng pagkain, e 'di hindi ka dinalhan ng mga katiwala."

Mabilis na nagkasalubong ang mga kilay ko sa narinig.

"What? And who the devil does he think he is to order that? Get out. Utusan mo ang mga katiwala na dalhan ako ng pagkain dito. Bilis."

Hinintay ko na kumilos si Tanya at lumabas pero sampung segundo na ang lumipas, hindi man lang ito kumilos kaya asar kong tinignan at sininghalan.

"Hoy, babae, ano ba? Sabi ko lumabas ka at utusan mo ang mga katiwala na dalhan ako ng pagkain dito! Bilis!"

Umiling ito saka nagkibit-balikat. "No."

My nostrils flared up with rage once more. "Damn you, what?"

"No. Sabi ni Spencer kapag nagugutom ka raw, bumaba ka at doon kumain."

"That son of a bitch!"

Marahas akong tumayo sa kama at naglakad papalabas ng kwarto kaya mabilis akong hinabol ni Tanya.

"Hoy, Kaia! Saan ka pupunta?"

"Nasaan ang gagong Spencer Lagdameo na iyan? Sabihin mo sa akin kung nasaan?"

"Turn around, señorita. I'm right behind you."

Mabilis akong napaikot nang marinig ang mayabang na boses ng letse. Kalalabas lang nito sa kwarto at para asarin ako, sumandal ng buong kayabangan sa ibaba ng malaki niyang portrait na hindi ko mapapansin na nakasabit pala katabi ng portrait nina Salvador at Selene Elizondo.

Iyong portrait ko nawala! Pinalitan niya ng panget niyang mukha!

But the truth was, hindi talaga pangit. Ang gwapo niya talaga riyan. But that wasn't the point of this! The point is that I am still an Elizondo! Wala lang akong mana pero Elizondo pa rin ako! I am legally adopted so technically I'm still part of this family! May karapatan pa rin na isabit ang portrait ko riyan!

Blooming Rose in the Dusky NightWhere stories live. Discover now