Chapter Four

6.6K 326 79
                                    

Chapter Four

Date

"Ano ba iyang ginagawa mo, Kaia?"

Pati ako hindi sigurado sa ginagawa ko. Ang alam ko lang kanina ko pa tinutusok at pinaglasog-lasog ang litrato ni Spencer Lagdameo gamit ang karayom. Ganito ako naabutan ni Tanya sa loob ng kwarto. Parang sawi at frustrated na mambabarang. I was relieved that no one gave me a voodoo doll and a black candle when I requested one. Mas magiging creepy at baliw sana ang labas ko pagnagkataon.

"Hindi pa rin ba kayo natatapos ni Spencer?"

"Hangga't hindi ko siya nakikitang bumabagsak at hangga't hindi ko napapasakamay ang mana na dapat sana ay akin, walang matatapos!" Marahas kong muling tinusok ang litratong pinanakaw ko sa katiwala doon sa kwarto ng demonyo. "Hindi kami matatapos!"

Tanya gave me a helpless look. "Okay. Tawagin mo na lang ako muli kapag tapos na kayo."

Pumasok ito sa closet pagkatapos kaya mabilis kong tinapon ang litrato at sinundan ito.

"Hoy! Anong ginagawa mo? Why are you here? Get out!"

"Huwag ka nga. Pahiram muna ng damit."

Natigilan ako at kumunot ang noo. "Anong damit? Aanhin mo ang damit? Ganyan ka kahampaslupa na pati damit kailangan mong manghiram?"

"Duh! Of course I have few. Pero mas maganda iyong sa'yo. Mga branded at lahat may taktak. Gusto ko iyong pink na Chanel na skirt at blouse mo. Iyong sinuot mo noong nagpunta tayo sa Paris Fashion week. Nasaan iyon dito?"

Pinataas ko ang kilay. "At bakit? Bakit kailangan mong magsuot ng Chanel? Saan ka pupunta?"

Tumigil si Tanya sa pagkalkal sa mga damit sa closet at hinarap ako nang nakangiti.

"May interview ako mamaya. Spencer refer me to your company. So ayon. Tinawagan ako kagabi. Ang bait ni Spencer, ano? Hindi kagaya mo."

"Gusto mong mamatay?"

How dare she compare my magnificent self to that despicable asshole!?

"What? Totoo naman. Mabait si Spencer. Tapos ikaw hindi. Maldita ka at matapobre. Si Spencer hindi. Yieh! Ang saya-saya ko, Kaia! Makakahalubilo na rin ako ng tunay na mga tao at my gad! Alam mo ba? Ang daming gwapo roon. Sobrang dami, Kaia! Excited na ako!"

Binato ko ang noo nito ng Chanel hair clip na nahila ko sa gilid.

"Aray! Ano ba? Bastos ka talaga. Pahiram na nga lang nito. Susuotin ko rin ito."

"Gaga ka ba? Kung naka-Chanel ka from hair to toe, sa tingin mo tatanggapin ka ng HR?" I snorted. "Tanga ka talaga. Hindi ka pupunta sa isang party o fashion show para magsuot ng mga ganyan. Tumabi ka nga riyan!"

Hinawi ko ito at ako ang naghanap ng damit. Mula sa salamin nakita kong napangiti ito kaya napaikot ako ng mga mata. Ayaw kong makitang natutuwa ito sa akin kaya binato ko rito ang damit na nahanap ko. Isang itim na skirt at puting long-sleeve.

"Ito ba ang susuotin ko? Hindi Chanel pero Ralph Lauren?"

"At least hindi masyadong mayabang. Hindi mapapansin kung hindi susuriin at hoy gaga ka. Hindi ka pwedeng magsuot ng pink sa isang interview."

"Ay, ganoon ba? Hihi. Salamat. Pahiram na rin pala ng sapatos tapos hair straightener, Kaia. Pati make up."

"Abusado kang, babae ka! Dalhin mo na lang kaya iyang buong closet ko! Bwusit ka!"

Humagikhik lang si Tanya. Mas lalo akong mabibwusit kapag pipigilan ko kaya hinayaan ko na lang na kumuha at manghalungkat ng mga gamit ko. Aanhin ko rin naman iyan? Ang dami-dami niyan. I am not an outfit repeater. Isang beses ko lang sinusuot ang mga damit ko pero ngayon mukhang kailangan ko na yatang matuto. Wala na ang matandang hukluban. Wala ng gagastos ng mga luho ko.

Blooming Rose in the Dusky NightWhere stories live. Discover now