Chapter Thirteen

6.4K 365 60
                                    

Chapter Thirteen

Grateful

Hindi ako bumaba para kumain sa hapag kinaumagahan. Not when that old woman is around. Hindi na baleng mamatay ako sa gutom. Bakit naman ako bababa at kakain kasama ang matandang iyon kung alam ko naman na hindi ako gusto?

"Senyorita, bumaba na ho kayo. Hinihintay po kayo ng senyorito at ng senyora."

"Oh, please! Tell them to go to hell! Huwag nila akong pakialaman!" malakas kong sigaw sa kasambahay na nasa labas at kumakatok.

I was lying in my bed while hugging Senyorito and Pigtail. Hindi pa ako nakaligo na siyang sinadya ko para meron akong sapat na rason. I'm still wearing my pink night pajamas, magulo pa ang buhok ko, higit sa lahat, kumukulo pa rin ang dugo ko.

Hindi ko kasi maintindihan kung bakit narito ang matandang iyon. Ang kapal ng mukha niya! Hindi siya dapat pinapasok ng Spencer na iyon dito. Maghahasik lang siya ng lagim. At hindi ako makapapayag. Ako lang ang pwedeng maghasik ng lagim dito.

She was up for something. She's here for the money. That Spencer shouldn't have welcomed old woman in here.

"Senyorita, kapag hindi raw ho kayo bababa, pupuntahan kayo ng senyorito rito."

Mabilis akong napabangon at napatayo sa narinig. Tinakbo ko ang lounge at hinila ang malaking sofa para iharang sana sa pintuan pero bago ko pa man magawa, bumukas na ang pintuan at pumasok na ang magaling na senyorito.

His stares are intense. I thought he'd end up shouting at me again, but he just heaved a deep sigh.

"What are you doing, Kaia Isabelle?"

Hindi ko siya sinagot dahil naiinis ako sa kanya. I just crossed my arms and rolled my eyes.

"Ang aga-aga umiikot na iyang mga mata mo. Fix yourself, please. Join us for breakfast."

"Ayoko." matigas at mariin kong tanggi habang nakahalukipkip. "Hindi ako bababa at kakain kapag narito pa ang matandang iyon."

"That old woman is older than you, Kaia Isabelle."

Tumaas ang kilay ko. "Ano ngayon?"

"Please show some respect."

"Hindi siya karespe-respeto. Bakit ko siya rerespetuhin?"

He closed his eyes and loudly grunted with despair.

"I'm sorry for shutting you up last night. Ayaw ko lang ng gulo."

"Ayaw mo ng gulo pero pinapasok mo ang matandang iyon dito na amoy palang nagsusumigaw na ng lagim? Really? Looks like that I am not the only one who needs sorting out priorities in life. Ikaw ka rin. Bakit mo ba kasi iyon pinapasok dito?"

Lumabi siya saka umupo sa couch nang nakakrus ang mga binti at nakapasok ang isang kamay sa bulsa ng pantalon.

"Kahihilamos mo lang, senyorita. Umiinit na kaagad ang ulo mo."

"Hindi pa ako nakapaghilamos at umiinit na kaagad ang ulo ko. Ito ang epekto ng matandang iyon sa akin."

"Really?" he asked while tilting his head and scrutinizing me with his look. "Hindi ka pa nakipaghilamos niyan? I must say, you are gorgeous."

Pinataas ko ang kilay. "Ngayon mo pa alam?"

Tumawa siya nang mahina sa isinagot ko. "But seriously, hindi ka ba talaga bababa?"

Mariin akong umiling saka nakahalukipkip na umupo sa pang-isahang couch.

"I don't like that old woman."

Blooming Rose in the Dusky NightOnde histórias criam vida. Descubra agora