Chapter Twenty-Seven

10.6K 369 238
                                    

Chapter Twenty-Seven

Fight

"Bakit ganyan ka makatingin?"

Tinaasan ko siya ng kilay habang tahimik siyang nakaupo sa kama at nakamasid sa akin. Kalalabas ko lang mula sa shower dahil nang gumising ako, wala na siya sa tabi ko. Ang akala ko iniwan ako at tinakbuhan. Good thing, he came back. May mauutusan na akong bumili ng pagkain.

"Where have you been by the way? Buti bumalik ka pa?"

Tinalikuran ko na siya para kumuha ng lotion. Muli ko naman siyang hinarap at kinausap pagkatapos habang nagpapahid ng lotion sa braso.

"May sasabihin ako sa'yo." Hindi pa siya sumagot nagpatuloy na ako. "Nagugutom ako. Gusto kong kumain ng mangga na may bagoong."

Sinabi ko lang ang bagay na iyon para pagsalitain siya at hindi ako nabigo.

"Mangga na may bagoong?" He wiggled his brows impishly. "Buntis ka na kaagad?"

Pero hindi ganoon salita ang inaasahan ko na marinig. Natigil ako sa ginagawang pagpahid ng lotion at napalunok.

Buntis? He meant pregnant and getting a child? In other words, he meant pain. Excruciating pain.

Ibinalang ko ang tingin sa kanya at tinignan siya ng seryoso.

"You... you used protection, didn't you?"

His brow rutted into frowns.

"Protection? Of course not."

"What?!" Binato ko sahig ang bote ng lotion. "Bakit hindi ka gumamit? Are you crazy? Paano kung mabuntis ako, ha?"

"E 'di magkakaanak tayo." kaswal niyang sagot na para bang hindi ako nagwala sa harapan niya. "Magiging Mommy ka at magiging Daddy ako. I'm excited."

My mouth set in a grim line upon hearing his reply. Ang galing ng sagot na parang siya talaga ang magdadala at mag-iere.

"You don't understand, do you? You don't understand that I don't wanna get pregnant."

"Alam ko. Sinabi mo na iyan sa akin noon." pagkibit-balikat niya sabay tumayo at naglakad papalapit sa akin para kunin ang bote ng lotion.

Tumayo siya at naglagay ng lotion sa palad niya tapos pinahid sa braso ko.

"Ang hindi ko alam na hanggang ngayon, iyon pa rin pala ang gusto mo. Dapat pinaalalahanan mo ako kagabi." Tumigil siya sa ginawa at tinignan ako ng nakataas-baba ang kilay. "Para hindi ko sana pinasok."

Pakiramdam ko namula ako sa narinig. Naalala ko ang ginawa namin buong magdamag kaya asar ko siyang sinapak sa dibdib.

"Ouch." he mumbled chuckling. "Ang bigat pa rin ng kamay natin, senyorita."

"At bastos ka pa rin, senyorito." balik kong saad nang nakalabi.

He softly chuckled as his lips brushed the top of my hand lightly. "I love you." He then stared at me affectionately. "Na-miss kita."

Umakto akong nasuka sa kakornihan niya. Na-miss ako kaagad, 'e dalawang oras lang naman yata siya nawala.

"Ang OA, senyorito."

"Hindi iyon pagmamalabis. Totoo iyon, senyorita. I miss you." Masuyo niyang inilibot ang mga braso sa beywang ko tapos hinila ako papalapit sa kanya para haplusin ang mukha ko. "Damn much."

His finger left my jaw and softly followed the curve of my neck using his lips. "How's your morning?"

Tinanong niya ang bagay na iyon habang patuloy akong hinahalikan sa leeg kaya hindi ko magawang sumagot.

Blooming Rose in the Dusky Nightحيث تعيش القصص. اكتشف الآن