Chapter Twenty-One

7.1K 339 96
                                    

Chapter Twenty-One

Fairy Tale

"We're not running away, aren't we, señorita?"

Pinigilan ko ang sarili na huwag paikutin ang mga mata kahit iyon talaga ang una kong gustong gawin nang makita ang mukha niya. Hindi ko talaga kung ano ang trip ng lalaking ito? Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang mangyari? Hindi ko alam kung ano ang pinaglalaban niya?

"I thought that you change for good. Turned out not." He gave an once over as he shook his head helplessly. "Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin sa'yo."

"Feeling mo naman alam ko rin ang gagawin ko sa'yo." Umismid ako saka pinagkrus ang mga braso. "I don't understand why are you doing this? Bakit mo nga ba ginagawa ito? Why lock me up in here? Are you bored with your life? Wala kang magawa sa buhay mo? Gusto mong magpakasal tayo?"

"Huwag kang magsalita na parang hindi ka kakaripas ng takbo kapag dinala kita sa simbahan ngayon para pakasalan."

"Hindi. Magpakasal tayo. Bored din ako sa buhay ko."

I delivered my sentence nicely hoping that he would answer me nicely, too. Gusto ko talagang malaman kung ano ang gusto niyang mangyari para maintindihan ko siya. Pero hindi pinatos ang offer ko.

"Pumasok ka sa loob at huwag ka ng magtangkang tumakas muli. Ipapahamak mo lang ang sarili mo."

"Are you serious about this, Lagdameo? Tinatanggihan mo ako?"

He nodded proudly. "Yes."

"How dare you?"

Ang kapal ng mukha niya. Kahit ayaw kong magpakasal sa kanya, hindi niya pa rin ako dapat tinanggihan ng harap-harapan!

"Sabihin mo muna sa akin bakit dapat kitang pakasalan?"

"Why not? I'm rich. Talo mo pa ang naka-jackpot sa lotto kapag ako napangasawa mo."

"Iyan ba ang itinuro sa'yo?" Umayos siya ng tayo at tinignan ako nang seryoso. "Ang magpakasal dahil sa pera?"

I let out a short scornful kind of laugh. "Bakit? Hindi ba pumayag ka naman na maging fiancé ko dahil sa pera?"

"Pumayag ako hindi dahil sa pera. Huwag kang mag-alala nagbago na rin ang isip ko."

"Why?"

"Why not? Ayaw mong makasal sa akin, 'di ba? Dahil manloloko ako, mukhang pera, mahirap at hindi nararapat sa'yo?"

His look becomes dreary. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating sa sinabi niyang iyon? Pinakokonsensya yata ako at diyan siya pumalpak dahil wala naman akong ganyan.

"Glad to know. Hindi na ako mahihirapan sa'yo. Nabawasan ang mga tinik ko sa buhay. Ngayon, pwede na ba akong umuwi ng mansion?"

Naglakad ako at pasimple siyang nilampasan sa pagkakaalala na makakalusot ako pero asa pa ako. Hindi ko pa man siya tuluyang nalampasan, nahawakan niya na ang braso ko.

"I told you, huwag ka nang magtangkang tumakas." He lowered down his gaze to meet mine. "Pasok."

A twitched my lips and rolled my eyes. "Sino bang maysabi na tatakas ako? Humingi nga ako ng pahintulot. Nag-iisip ka ba, senyorito?"

"What did you say?"

"Wala. Sabi ko, bingi ka." mabilis kong tugon na may kasamang pag-ikot ng mga mata.

"I mean did you just call me 'senyorito'?"

"Why" I grinned. "Do you love it when I call you señorito?"

"Why? Do you also love it when I call you 'señorita'? You wish you could pretend you didn't need me-a. But every touch is ooh la la la. It's true, la la la?"

Blooming Rose in the Dusky NightWhere stories live. Discover now