Kabanata 17

18.5K 549 77
                                    

Kabanata 17

Birthday ko na kinabukasan kaya naman, nakaplano na ako na umuwi pag-end ng shift ko. Isasama ko na rin si Kim. Para sabay kaming uuwi bukas ng hapon para sa party.

"What took you so long?" Iritang tanong ni Kim.

"Alam mo namang marami akong inaasikaso bago mag-end shift." Kalmadonh sagot ko

Inirapan pa ako ng gaga. Pero tinawanan ko langb siya.

May mga dala na kaming damit pareho para sa overnight stay namin. Sumakay na kami sa bus pauwi nang Valenzuela. Bigla kong na-miss si Elliot. Ang sinabi niya sa aking two to three days at inabot na nang five days.

Ang huling sinabi niya sa akin ay nagkaroon lang ng problema sa deal nila ng business partner. He called me the other day. Pero hindi na muli siya nakapag-text. Hindi nga rin niya siguro alam na birthday ko na bukas.

Gabi kaya mabilis ang byahe. Sinaway ko si Kim na huwag nang matulog at baka lumagpas pa kami.

Mag-aalas dose nang nakarating kami sa bahay. Nagulat si Mama sa pagdating namin ni Kim.

"Happy Birthday, anak!" Iyan agad ang ibinungad sa akin ni Mama.

"Thank you po, Ma. I love you."  Niyakap at hinalikan ko si Mama sa pisngi.

"Matutulog na po kami ni Kim, Ma. Galing po kami sa trabaho. Goodnight po." Humalik kami pareho ni Kim kay Mama bago umakyat sa kwarto.

Nakapag-shower na kami pareho nang biglang nag-usisa si Kim.

"So kamusta pala kayo ni Mr. Millionaire?" Ewan ko ba dito kay Kim at Mr. Millionaire ang tawag kay Elliot. Kasalukuyan na kaming nakahiga sa kama ko.

"We're okay. Busy lang siya kaya hindi masyadong nagte-text at tumatawag," sagot ko.

"Ready ka na ba na matapos ang kontrata niyo?" Tanong niya sa akin. Natahimik ako roon at hindi agad nakasagot.

"Sobrang mahal mo na ano?" Tanong niya pang ulit sa akin.

"Ah, hindi ko alam," tanging sagot ko.

"Hindi kita masisi kung talagang hulog na hulog na ang loob mo sa kanya. You were in the same house, playing like couples." Mahabang pahayag ni Kim. "Don't worry, sasamahan kita sa mga panahon na kailangan mo mag-move on." Pagkasabi niya noon ay niyakap niya ako mula sa likod. Hindi na ako kumibo pero naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko. Tahimik na pinahid ko iyon.

Maya-maya ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko.

Sorry, I was too busy with work. I am okay. See you soon.

It was a reply from my text this morning. He was busy with work. Kaya wala siyang reply. Nagreply na lang din ako.

Okay, take some rest too, goodnight. See you soon too.

Nakatulog na ako pagkatapos noon.

***

Kinaumagahan ay nagising ako ng bandang alas nueve ng umaga. Wala na si Kim sa tabi ko.  Wala ring text mula kay Elliot. Kaya naisipan kong lumabas na lang sa kwarto.

Paglabas ko ng kwarto ay agad kong natanaw sa baba na naroroon si Mama, Kim, at ang mga pinsan ko at biglang nagkantahan ng birthday song.

Punong-puno ng pagkain ang malaki naming bilog na lamesa.

"Nakakagulat naman kayo! Hindi pa ako naghihilamos." Pero bumaba ako at dumiretso sa lababo.

Elliot's Bed Warmer : ZBS 2Where stories live. Discover now