Kabanata 2

76.6K 1.2K 26
                                    

Kabanata 2

"Good morning, Ma'am. Seat for?" salubong sa akin ng receptionist sa restaurant na napili ko. "Seat for two, but can I choose a seat?"

"Oh sure, Ma'am." Pinasamahan niya ako sa isang server, itinuro ko na ang pinakasulok na table ng restaurant. Nang makaupo na ako ay tinanong ako ng server na nag-assist sa akin kung oorder na ako. Humingi lang muna ako ng tubig at sinabing may hinihintay ako.

Napatingin ako sa wrist watch ko, I am twenty minutes ahead. Sinadya ko talaga 'yon, dahil ayoko ng nahuhuli sa appointments.

At isa pa ay kinakabahan ako. Parang gusto ko nang magback-out sa meeting na ito at huwag na lang ituloy ang plano ko. Pero isipin ko palang na mawawala ang bahay ay nalulungkot na naman ako.

Yes a week had passed at nakapagdesisyon na ako. Hindi na muna ako umuwi sa amin ngayong day-off ko. Yesterday, I called Mr. Zaragoza. Mabuti nga't pumayag siya na sa labas kami mag-usap at ako ang pipili ng lugar. Iyon ay dahil sa naiilang ako sa intimidating na personality ni Elliot Zaragoza, lalo na kapag kaming dalawa lang. I want our meeting to be on a public place—para hindi ako masyadong mailang sa kaniya.

Nang mag-angat ako ng mukha mula sa pagre-review ng hawak kong papel ay nakita ko agad si Elliot sa entrance ng restaurant. Now all eyes were on him. Sa porma niya palang—his looks and his towering height. Sinong hindi makakapansin sa kaniya. But, for me his personality was very intimidating.

Luminga-linga siya para hanapin ako. I waved a hand, for him to notice me. Tumango lang siya sa akin at nag-umpisa nang maglakad. Sa dalawang beses na nakita ko siya I noticed na madamot siyang ngumiti. As in masyado siyang seryoso.

Elliot has a black faded cut hair that fits his oval face, a clear brown eyes na nagpapatapang nang mukha niya, a prominent nose, his lips were thin—laging nakatikom. He have a cleft chin. A face near to perfection. Also a broad shoulders that suits his height. Kaya sa palagay ko ay maganda niyang madadala ang kahit na anong damit.

Today he was just wearing a light blue polo that is tucked on his gray slacks. "I'm sorry for keeping you waiting, matindi ang traffic on my way." Paghingi niya ng paumanhin bago umupo sa harapan ko.

"No, it's okay I am twenty minutes early. You are just on time."

"Okay, naka-order ka na ba?" Tanong niya noong mapatingin siya sa tubig na nasa harap ko.

"Let's eat first I'm starving." I don't know why? But, I like his authoritative voice.

"Sure." Tipid lang na sagot ko.

Kumaway siya sa waiter na agad na lumapit sa amin dala ang menu.

"Mam, Sir, here's the menu." Ito ang napili kong restaurant dahil nagse-serve sila ng iba't ibang cuisine, hindi ko naman kasi alam kung ano ang hilig niyang kainin.

So, I ordered my favorite creamy seafood carbonara while he ordered steak.

"So what will be your decision?" He asked on a business-like tone.

"Nasabi ko na sa iyo last week na hindi ko talaga kayang bayaran ang inutang ng Papa ko." Huminga muna ako ng malalim dahil pakiramdam ko ay nalulunod ako sa mga titig niya.

"What I said on your office about selling my body was unintentional, it was really a sarcasm. But, right now I think it's the only option I had, para hindi mawala sa 'min ang bahay." Umawang ang bibig niya sa sinabi ko. Then, he crossed his arms over his chest. I think it is his habbit, he then touched his chin using his right hand.

"I see." Tipid na sagot niya. Hindi ko alam pero hindi ko mabasa ang kilos niya. He was too serious. Parang laging may kaaway. Hindi naman siya mukhang may motibo, sinakyan niya lang siguro 'yong sinabi ko para lang makabayad ako. Hindi naman siya mukhang manyak na babastusin na lang ako anumang oras. Siguro isa iyon sa dahilan ng pagpayag ko, bukod sa gipit ako. Mali man ito, wala siguro ako sa tamang pag-iisip dahil magtitiwala ako sa kaniya.

Elliot's Bed Warmer : ZBS 2Where stories live. Discover now