Kabanata 14

27.4K 632 159
                                    

Kabanata 14

Excited ako ngayon kasi sabi ni Elliot mamasyal kami. Mayroon siyang big bike motorcycle.

"Are you ready Max?" Tanong niya sa akin habang sinusuotan ako ng helmet.

Tumango ako sa kanya. Sa gulat ko ay binuhat niya ako at isinakay sa likod. Grabe si Elliot minamaliit ako. Pero mahirap nga naman sumampa sa taas ng motor na ito.

May dala akong isang maliit na backpack kung saan nakalagay ang mga gamit ko at extrang damit namin ni Elliot, may pang-swimming pa siyang pinalagay kanina.

Kumapit ako sa balikat ni Elliot. Actually, this is my first time to ride a motor bike tapos ang taas pa nito.

Lumingon sa akin si Elliot tapos nilipat niya ang dalawang kamay ko payakap sa bewang niya.

"Better?" He asked.

"Yes." I said na inayos ang pagkakaupo at pagkakayakap sa bewang ni Elliot.

Paikot kami sa bundok. Ang lamig ng hangin.

"Do you like the view baby?" Malakas na sigaw ni Elliot. Nakaangat kasi yong salamit ng helmets namin.

"Yes, Elliot!" Sigaw ko rin.  Narinig ko siyang tumawa.

Tumigil kami sa isang parang garden na may magandang view ng city.

"Ellie. Picturan mo ko dito." Pakiusap
ko sa kanya at inabot ang hawak kong phone.

He took some pictures of me in some spots. Tapos naglakad-lakad kami. I'm taking selfies too. Yong iba pa-simpleng sinasama ko si Elliot.

"Ellie, tingin ka." Tumingin siya tapos nagcapture ako. Tawang-tawa ako kasi mukha siyang gulat na gulat sa picture.

"Look at your face, Ellie." I said still laughing. "You're so cute." Nilingon ko siya, pero nakasimangot siya. Kaya tumigil ako sa pagtawa at nag-iwas ng tingin. Na-badtrip ko yata.

"Max!" He said tapos pag lingon ko pinicturan niya ako mag-isa. Itsura ko doon.

"Ellie! Burahin mo 'yan." Ang panget ko sa kuhang iyon. As in.

Pero binilisan ni Elliot ang paglalakad at para akong timang na hinabol-habol siya, sa laki ba naman ng hakbang niya. Nang maabutan ko siya ay pinilit kong abutin ang phone niya.

"No!" Paulit-ulit niyang sabi na tumatawa. Nang mapagod ako kakatalon ay tumigil na ako.

"Okay, picturan mo na lang ako ng bago." Nagpacute ako sa harap niya. Pero hindi niya ako pinicturan.

"Come here." Lumapit naman ako kay Elliot. Umakbay siya sa akin and took a picture from us mula sa taas. Mga ilang shots din iyon. May nakangiti si Elliot merong seryoso lang. Pero ako, ngiting-ngiti.

Doon na rin kami naglunch. Nagulat ako na si Elliot pa ang nagyayang kumain sa isang karinderia roon. Sinugbang manok at baboy. Tapos pusô—kanin na nakabalot sa dahon ng niyog. Kuwentuhan at tawanan kami habang nasa byahe.

"Elliot, may tatanong ako sa 'yo." Curious na talaga ako kaya tinanong ko na. Bumaling siya sa akin kaya naglakas loob akong magtanong.

"'Yong babae sa phone mo, who is she?" Tanong ko sa kanya. Alam kong natigilan siya at tumingin sa phone niya. May notification kasi kaya naka-bukas ang ilaw nito.

Elliot's Bed Warmer : ZBS 2Where stories live. Discover now