Kabanata 11

42.1K 917 98
                                    

Kabanata 11

Madaling araw na kami umalis ng bahay ni Casi. Nakipag-bonding pa kasi si Elliot sa mga kapatid niya. Naiilang nga ako kanina. Kaharap ko kasi lahat ng kapatid niya. E puro lalaki sila. Buti naroon si Rima. Uminom din kami ng punch. Tama si Elliot na magkakasundo kami mg kapatid niya.

Maganda rin si Rima siya kasi ang muse ng pamilya nila. Pero insecure talaga ako sa height niya. Ako ba naman ay 5 flat lang! Nakakahiya naman sa 5'7" na height ni Rima. Napansin ko na hati ang itsura nilang anim, tatlo sa kanila ang moreno si Elliot, Caleb at si Rod, samantalang nakuha naman nila Casi, Miles at Rima ang pagiging mestisa ng ina.

"How was tonight?" Nabalik ang attention ko nang marinig ko ang tanong na iyon ni Elliot. He is driving at ako naman ay nakatanaw sa bintana. Ang ganda kasi ng mga bituin.

Sumulyap ako sa kanya. "It was great. Your family were awesome. Lumaki kasi ako sa maliit na pamilya. Kaya di ko na-experience 'yang ganyan. I have cousins pero iba pa rin kapag mga kapatid."

"Really? Ang kulit ni Mamita, I'm so sorry about her. Matagal na kasi kami noon pinagtutulakan magsipag-asawa." Sabi niya na nakafocus pa din sa pagdadrive.

"It's okay, she's a cool grandma, lumaki din akong walang grandparents kaya ang swerte n'yo na may lola kayo." Ang saya siguro ma-spoil ng lola. 'Yong matatakbuhan mo kapag nalulungkot ka. Ganun.

"Yeah. Eversince sobrang hands-on sa'min ang grandparents namin. Specially Mamita." Sagot ni Elliot na alam kong nakangiti habang nagsasalita.

Di na ako nakasagot kasi masyado nang okupado ang isip ko sa pagtanaw sa mga bituin. Ewan ko kung bakit, pero bigla akong nakaramdam ng pagkalungkot.

"Ang ganda ng mga bituin ngayon 'no?" Basag ko sa katahimikan. "Ang sarap tuloy mag stargaze." Nilabas ko pa ang ulo ko sa bintanang bukas tapos sumulyap kay Elliot, a small smile crept on his handsome face. Binalik ko na lang ang tingin ko sa labas bago ko pa maisipang sunggaban na lang siya.

"Let's stargaze then" naka-ngising sagot niya. Napatingin ako sa kanya kung seryoso siya. At itinigil nga niya sa tabi ng kalsada ang sasakyan niya. Wala masyadong nagagawing sasakyan ngayon dahil madaling araw na rin pero okay lang naman ang tinigilan namin, may malaking streetlights na isang dipa ang pagitan sa bawat isa. Hinayaan ni Elliot ang headlights ng Strada na nakabukas tapos bumaba siya, kaya bumaba na din ako, he opened the back of his Strada.

"Come" aya niya sa akin at iniabot ang kamay niya sa akin

Hindi ko mapigilan ang mapangiti "You're serious huh?" Natatawang sabi ko, habang lumalapit sa kanya.

"Mukha ba akong nagbibiro" natatawang tanong niya, hanggang ngayon ay naaaliw pa rin ako sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti ng ganyan lalo siyang guma-gwapo, paano naman kasi noong unang kilala ko sa kanya madamot siyang ngumiti.

Lumapit na lang din ako, at inalalayan niya akong sumampa sa likod ng pick-up niya, hinawakan niya ako sa hips at iniangat, minsan nga ay nako-conscious na ako sa timbang ko, pero parang sisiw lang ang bigat ko sa kanya. Biglang namula ang pisngi ko nang maalala ang madalas niyang pagbuhat sa akin sa tuwing... Gosh!

Pinanood ko na lang siya habang umaakyat para madivert ang atensyon ko, kitang-kita ang pag flex ng muscle niya dahil short sleeves naman ang suot niyang polo shirt.

Kasalukuyan akong nakaupo habang nakatanaw sa mga bituin nang umupo siya sa likod ko, bale nasa pagitan ako ng hita niya, tapos naramdaman ko ang kamay at braso niya na hinila ako palapit sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasan ang pagtama ng likod ko sa pagkalalaki niya. Inihilig ko naman ang ulo ko sa dibdib niya, ewan ko pero sa loob ng tatlong buwan naming magkasama pakiramdam ko'y ang gaan na ng loob ko sa kanya. Paano naman kasi, lagi ko na siyang kasama, at hindi na lang naman talaga sa sex lang umiikot ang lahat, actually every time we do it, I called it making love, not sex, not fucking. Basta I found it special.

Elliot's Bed Warmer : ZBS 2Where stories live. Discover now