Prologue

149K 1.7K 39
                                    

Prologue

Palabas na ako sa hospital nang mag-ring ang phone ko. Mabilis na hinalungkat ko iyon sa bag ko.

Agad na sumilay ang isang ngiti sa mga labi ko at sabik na sinagot ang tawag.

"Where are you? Are you home?" Bungad ng baritonong boses pagkasagot na pagkasagot ko ng tawag, wala man lang 'hello'.

Hay hindi pa ba ako nasanay?

Sa ilang buwan namin magkasama, hindi pa ba ako nasanay sa ugali niya? Parang minsan tuloy mas gusto ko kapag intimate kami sa isa't isa, kasi doon lang siya nagiging malambing.

"Bakit? Pasakay na ako ng taxi." Sagot ko na pinara ang unang taxi na nakita ko.

"Okay, I'll wait you at my office." Hindi pa man ako nakakasagot ay binaba na niya ang linya.

Sinabi ko sa driver ang address ng opisina niya. Wala pa yatang sampung minuto ay nakarating na ako—sa parking area ako nagpahatid. Binati ako ng guard bago ako lumulan sa private elevator. Kilala na nila ako dito, ewan ko lang kung anong tingin nila sa akin. Well, I don't care about that. Ginamit ko ang card ko at pinili ang 14th floor. Dalawang choice lang naman e, 14th at 15th floor.

Mabilis ang pagtibok ng puso ko nang mag-click ang elevator, hudyat iyon na nasa 14th floor na ako. Mabilis na hinanap ng mata ko ang pakay ko sa floor na iyon. There he was, standing with his towering height. A small awkward seductive smile was written all over his face.

I love the way he smiled at me. Minsan lang kasi niya iyon gawin. Hindi ko alam kung bakit parang sobrang lungkot niya. I do not know what he feels. Sa sex ko lang naman nararamdaman kung ano ang nararamdaman niya. Well—iyon lang naman ang role ko sa buhay niya, ang maging parausan.

Pinili ko ito, kahit binigyan niya ako ng pagkakataong umatras. Tumagal naman ako e, at isang buwan mahigit na lang ang natitira, pakiramdam ko tuloy, bumigat ang dibdib ko.

I smiled at him when he walked towards me. Hindi ko binitiwan ang shoulder bag na dala ko.

Mabilis ang sumunod na pangyayari ang alam ko na lang ay nasa labi ko na ang mga labi niya at mapusok na ang pinagsasaluhan naming halik. As if we missed each other. Kahit magkasama lang naman kami kanina.

"Oh god, baby. I don't know why I can't get off you." He whispered sexily. I love it when he says those things. I always felt special. It felt like, he was falling for me.

"Wait baby, let's do it up." Aniya na mabilis na kinuha ang telepono sa desk sa likod niya.

"Mike, ikaw na ang bahala, I'll be out early." Utos niya sa sekretarya niya. Buti nga at kaya niyang kontrolin ang sarili niya, kahit halos mangutyapit ako sa leeg niya habang hinahalikan ko ang kanyang dibdib. Nabuksan ko na kasi ang ilang butones ng suot niyang polo.

"Oh you, naughty girl." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Come on, I don't want it here today." Aniya na bigla akong binuhat. Our favorite position. Height difference problem.

Buti isang shoulder bag lang ang dala ko ngayon. I was still wearing my scrubs uniform. Nagmamadali akong umuwi noong tumawag siya.

"Bakit uuwi ka na agad?" I teased, I even bit his earlobe.

"Para makapagpahinga na tayo after." Sagot niya, at nag-umpisa nang halikan ako. Ang romantic pakinggan pero kung alam mo ang real score at kung kailan lang siya nagiging ganito ay aasa ka lang.

Actually ilang beses namin nagawa iyon dito sa office niya. Minsan umaga, minsan tanghali, depende kung kailan niya gustuhin.  Pero ngayon, okay na rin na umuwi siya dahil five  pm na rin naman. Inaga niya lang ng isang oras ang pag-uwi niya. The perks of being the boss of your own company.

Napaungol ako nang bigla niya akong halikan sa leeg. Hindi ko na rin namalayan na nakasakay na kami sa elevator. At wala pa yatang isang minuto ay nag-click na ang elevator, nasa 15th floor na kami. His nest.

He continued kissing me. Habang ang kamay ko ay hindi magkandaugaga sa pagpasada sa buhok niya, medyo makapal na pala iyon.

Mabilis na nakapasok kami sa loob ng bahay. Isinara niya agad ang pinto at inihiga ako sa couch sa tabi ng pinto. Kagandahan dito sa bahay niya ay walang ibang papasok. We can do it anywhere. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses namin ito nagawa at kung saan-saang sulok pa.

From his office to the elevator, in the pool, to every corner of his house.

We did it again, my body gave in. Ganun kalakas ang epekto niya sa akin. Sabi niya nga minsan.

'We are perfectly compatible in bed.'

Hindi ko nga alam kung saan ko nakukuha itong mga nagagawa ko. Knowing that he was the only man I had sex with. Masaydo na akong madaming natutunan sa kanya. He unlocked my desires.

"Oh, baby. Let's come together." Hinihingal na agaw niya sa atensiyon ko. We did this most of the time, we came together. I love it when I felt him filled me.

Matapos iyon ay hinihingal sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko. Matagal kami sa ganung posisyon, akala ko nga ay aalis na siya pero makalipas ang ilang minuto ay nakaramdam ako ng pagbigat at marahang paghinga sa may bandang leeg ko.

Napangiti ako. He fell asleep on my chest again. Hindi ko ininda ang bigat niya. In-adjust ko na lang ang higa namin, mabuti na lang at malaki ang couch niya, may purpose kasi.

Kumislot siya, akala ko ay magigising siya pero inayos niya lang ang higa niya. Mas kita ko tuloy ang makisig niyang mukha.

Mukhang pagod siya sa trabaho kaya isang round lang ay bumagsak na siya.

Tinitigan ko ang mukha niya. Hindi ko na talaga napigilan na mahulog sa kanya, kahit hindi dapat. Iyon ang bagay na nalimutan ko isulat sa agreement namin kaya nahulog ako ng tuluyan sa kanya.

Alam kong mali ito, kasi sa oras na matapos ang six months ay kailangan nang matapos ang kahibangan na ito. Tapos na ang pagsisilbi ko sa kanya, at isang buwan mahigit na lang ang natitira.

Hindi ko alam kung tama bang umasa ako na matapos ang anim na buwan na iyon, ay siya mismo ang kusang magsasabi na itigil na namin ito at mag-umpisang muli.

Hind ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya, matatapos na ba ang papel ko sa buhay niya? Parang ayaw ko, kung maaari nga lang na habang buhay na ito e. Kahit pa nga sabihing I was just...

Elliot's Bed Warmer.

~~~
Author's Note:

Again read at your own risk. Huwag po pasaway.

Hope you'll enjoy this story! Please be patient with my updates.

~Leyn 💙

Elliot's Bed Warmer : ZBS 2Where stories live. Discover now