Kabanata 3

72.7K 1.2K 42
                                    

Kabanata 3

"Saan ka ba kasi pupunta?" Tanong ni Kim nang makita niyang naglalagay ako ng ilang gamit sa maliit na travelling bag ko.

"Kim, I hope maintindihan mo ako, I cannot tell it to you right now, pero sasabihin ko din sa tamang panahon. May aasikasuhin lang akong importante, uuwi-uwi naman ako dito. Kahit once a week, then hati pa rin tayo sa upa ng bahay."

"Napaka-importante ba at kailangan mo pang lumayas dito sa apartment?" Pangungulit pa rin niya, nasabi ko na sa kaniya ang tungkol sa pansamantalang hindi ko pag-uwi sa apartment, pero hindi ko sinabi sa ang tunay na gagawin ko, dahil paniguradong pipigilan niya agad ako.

"Malaki ka na, Max. Desisyon mo 'yan, pero kung may problema ka, you can always talk to me." She said and clapped my shoulders.

Ganyan kalakas ang pakiramdam niyang si Kim, alam niya kung may pinoproblema ako, naramdaman niya siguro yung bigat ng kilos ko noong mga nakaraang mga linggo.

"Thank you, Kim. Sasabihin ko sa 'yo sa susunod. Just give me some time." Malambing na baling ko sa kanya. Tumango-tango naman siya. Sabay kasi kami ng duty ngayon, kaya sabay kaming umuwi, galing sa trabaho.

"O sige na kailangan ko nang umalis, kita na lang tayo sa ospital." Paalam ko na humalik na sa pisngi niya at yinakap siya ng mahigpit. Ewan ko, pero bigla na lang tumulo ang luha ko, siguro ay nagi-guilty akong pinaglihiman ko ang bestfriend ko.

Pinahid ko din agad iyon, bago niya pa mapansin. "Matulog ka na nga, ba-bye."

"Mag-ingat ka Max." Pahabol niya pa bago ako tuluyang makalabas ng apartment.

Maswerte akong naka-tyempo agad ako ng taxi, pagkalabas ko, kaysa maglakad pa ako hanggang kanto.

"Manong EZ Telecommunications po."

Mabuti na lang talaga at maunawain si Kim. Kung hindi, paniguradong katakot-takot na pagpapaliwanag ang aabutin ko. Daig pa naman niya minsan ang Kuya ko kung manermon.

***

"Mam nandito na po tayo." Nabalik ako sa ulirat dahil sa pagtawag sa akin ng driver. Masyado kasi akong natulala sa reyalisasyon ng pinasok ko.

"Manong puwede pong iikot niyo sa parking area?"

"Sige po Mam."

Bago kami makapasok sa parking ay hiningian muna kami ng ID o gate pass, "Ay, Sir. Sandali lang." Hinalungkat ko ang bag ko at kinuha ang gate pass na inabot sa akin ni Elliot bago kami naghiwalay noong huli naming pagkikita.

"Okay po, Mam." Nag-thumbs up pa si Manong Guard.

Nang makita ko ang employees entrance ay nagpababa ako. At itinanong sa guard kung nasaan ang service elevator, malapit lang din naman iyon sa employees entrance.

I used the card that Elliot gave me, para magamit ko ang elevator. Fourteenth and fifteenth floor lang ang availble dito. His office was on fourteenth, his house was in the fifteenth floor, I already texted him on my way here. Kaya alam niya na paparating ako.

Nag-reply siya at sinabing dumiretso na daw ako sa fifteenth floor, hapon pa raw matatapos ang meeting niya.

Nang makarating ako sa fifteenth floor ay namangha ako, para akong nakarating sa isang bahay, akala ko ay penthouse lang ang mapupuntahan ko. His house was like the house that you can found in the exclusive subdivisions but it was on a rooftop of a building. Bungalow style.

I texted him first.

Elliot Zaragoza

Nandito na ako.

Elliot's Bed Warmer : ZBS 2Where stories live. Discover now