Kabanata 29

13.6K 413 192
                                    

Kabanata 29

"Anak, h'wag mo pahirapan si Mommy, okay?" Papasok ako ngayon sa duty. Madalas na akong sumasakay sa grab kapag papasok, para hindi ako matagtag, nagtatyaga naman ako sa bus kapag uwian at hindi rush hour.

Magastos pero kaya pa naman. Minsan binabawasan na ni Kim ang expenses ko sa apartment. May natipid naman ako at naipon noong anim na buwan na nasa kaniya ako. Kaya iyon ang ginagamit kong extra allowance ngayon kapag kinakapos.

Habang lulan ng sasakyan papasok ay iniisip ko ang mga pinagdaanan ko sa nakalipas na mga araw at linggo.

Fourteen weeks na si Potato. I called this bump my potato. Sobra ang struggle ko sa nakalipas na mga linggo, ilang beses kong nagamit ang sick leave ko noong seven to ten weeks ng pagbubuntis ko.

Ngayon ay medyo bumuti-buti na. Nabawasan na ang mga morning sickness at pag-iinarte ko sa pagkain.

Napapansin pa rin nila sa ospital ang pagpayat ko. Lumuwag daw sa akin ang mga damit ko. Ang totoo ay bukod sa nangayayat ako ng kaunti ay kumuha ako ng medyo maluwag ng isang sukat sa katawan ko. Naitatago pa ng damit ko ang baby bump. Totoo pala na nagtatago ang mga baby kapag hindi pa sila nire-reveal. Pansin ko rin na maliit nga ako magbuntis. Lalo na't petite ako.

Noong mga nakaraang linggo puro suka ako sa tuwing bago ako matulog. Parang sinusuka ni Potato ang pagod namin sa maghapon.

Sa mga panahong iyon ko naisip ang hirap ng pagbubuntis ng mag-isa. Ang hirap ng pagtataguyod ng sarili habang ang roommate ko lang ang nakakaalam ng sitwasyon ko. I was lucky enough to have a best friend whom I can always lean on. Oo, nakatikim ako ng malutong na sermon pero sinuportahan ako ng kaibigan ko.

Sa nakalipas na mga linggo. Hindi ko naramdamang mag-isa ako dahil kay Kim. Pero hindi pa rin maiwasan ang minsang pag-asam ko pa ring magpaparamdam siya.

Isang buntong hininga ang binitawan ko. Sinilip ko ang relong pambisig ko. Maaga pa para sa duty ko. Laking pasalamat ko at nakayanan ko. Si Mama hindi ko na muna nabibisita. Kinukumusta ko lang ng madalas. I always felt the guilt of not telling her my situation.

Natatakot lang ako, nahihiya ako na isa akong disgrasyada. Mauunahan ko pang magka-apo kay Mama si Kuya.

Two months na mula nang magpakasal ang kuya ko sa abroad. Nagpo-focus pa sila sa pinagagawang bahay doon, kaya siguro hindi pa sila nagbe-baby.

"Ma'am, dito na po tayo." Nabalik ako sa sarili ko nang marinig ko ang sinabi ng drayber ng grab.

Nasa harap na pala ako ng ospital. "Salamat po." Palabas na ako ng para akong biglang nakaramdam ng hilo.

It is as if, some thunder strike through my head and gave me an instant headache.

"Ma'am okay lang po kayo?" Napadilat ako mula sa matagal na pagkakapikit sa tanong na iyon ng drayber.

"Ah, opo. Okay lang ako." I took a deep breath and find my composure. Inabot ko ang bayad at bumaba na sa sasakyan. Maingat ang mga hakbang na lumakad na akong papasok sa employee's entrance.

"Max!" Napabaling ako sa tumawag sa akin. Sa biglang lingon ay nakaramdam ako ng matinding pagsakit ng ulo. Nahilo ako at parang nanlabo ang mata ko.

Si Doc Patrick sa harap ko ang huli kong nakita, bago ako tuluyang nawalan ng malay.

~~~

Nasa loob ako ng private room hindi bilang nurse kundi pasyente nang magising ako.

My first instinct was to check on my Potato. I caress my belly. Doon lang ako nakahinga ng maluwag.

Elliot's Bed Warmer : ZBS 2حيث تعيش القصص. اكتشف الآن