Kabanata 1

106K 1.4K 29
                                    

Kabanata 1

Umiiyak si Mama pagdating ko sa bahay. Ayoko pa naman na umiiyak si Mama, dahil masasaktan ako. She've had enough nung mga panahon na iwan kami ni Papa para sa ibang babae. Saksi ako sa pagsa-suffer ni Mama, but my mother is a strong woman, dahil kinaya niya 'yon, kahit halos araw-araw ko siya nakikita noon na umiiyak.

"Ma, ano na naman?" Alalang tanong ko sa kanya. "May dumating na sulat anak." Sabay abot niya sa 'kin ng puting sobre. Binuksan ko naman 'yon kahit totoong kabang-kaba na ako.

It was a letter from an attorney, a demand letter from a certain Elliot Zaragoza asking for the collateral ng inutang ni Papa sa kanya nung nabubuhay pa siya.

"Bakit tayo ang kailangang singilin ng taong ito? Papa died two years ago, at hindi natin ito utang." Pampakalma ko kay Mama. Ayun lang kasi ang naisip kong paraan para hindi na mamroblema si Mama.

"Teka Ma, tumahan ka na diyan at magpapalit lang ako ng pambahay." Paalam ko kay Mama, na inabutan ko ng tubig. At umakyat na ako sa kwarto ko.

Napabuntong hininga ako pagkasarado ng pinto. Ano na naman ba kasi itong problemang iniwan ni Papa? Sobrang dami na naming sakripisyo sa kanya.

Ipinikit ko ng mariin ang mata ko para hindi tuluyang bumagsak ang luha ko. As much as possible ay iniiwasan kong magpakita ng kahinaan kay Mama dahil mas lalo lang 'yon mawawalan ng lakas ng loob.

Pagod na pagod na napasalampak ako sa kama ko. I cannot imagine losing this house, parte na ito ng pagkatao ko beautiful and bitter memories.

Kaya hindi ako papayag. I will do everything to save this house.

***

"What? Paanong nangyari 'yon?" Di makapaniwalang tanong sa akin ni Kuya Marion. I was talking to him on the phone. Two weeks na mula nung matanggap namin ang demand letter at ngayon ko palang siya nakausap.

"Hindi ko din alam, pero susubukan kong puntahan ang taong ito para malaman ko kung anong pwedeng gawin. Kuya, you know how much I love this house, and I cannot afford to lose it.

"I know, I know. Hindi ko kayo matutulungan ngayon, you know I'm saving for my wedding."

"Yes Kuya I know that, ako na munang bahala dito. Don't stress yourself okay? Malulusutan din natin ito. Okay na Kuya, matulog ka na goodnight."

"Good morning Max."

Ibinababa ko na rin ang tawag. Kuya is in America, limang taon na siya doon, and he is planning to settle at the age of 30, and that would be in two years. Ayun ang pinag-ipunan niya ngayon at ang bahay na nabili niya roon.

Hay, malulusutan din namin ang problemang ito.

I checked the time, it's already 10am. Kailangan ko nang maligo dahil babyahe pa ako pa Manila. Four pm pa naman ang duty ko, so I still have time para makausap ang taong pinagkakautangan ni Papa.

Hanggang ngayon kasi ay wala pa akong nakikitang paraan para mabayaran ang isang milyon. Maybe the least I can do is to talk to that man.

Kaya kahapon nga pauwi ay sinubukan kong kontakin ang abogado. He told me to contact his client. Kaya nagdirect call na ako sa opisina ni Mister Zaragoza. At na-set na ng secretary niya ang appointment ko at 2pm.

***

"Ma, una na po ako, wag mo nang istressin ang sarili mo, gagawa kami ng paraaan ni Kuya. Okay?" Nagkiss na ako at nagpaalam kay Mama, one week na naman bago ako makakauwi. Mag-isa lang si Mama, pero madalas siyang dinadalaw dito ng mga pinsan ko na nakatira lang din malapit sa amin. Binibilinan ko 'yong mga 'yon na pasyalan si Mama para hindi ma-bored.

Elliot's Bed Warmer : ZBS 2Where stories live. Discover now