Kabanata 28

28.2K 779 339
                                    

Kabanata 28

Kahit nanlalamig ako sa tensiyon ay kumuha ako ng tatlong iba't ibang brand ng kits sa supplies cabinet at tinago iyon sa bulsa ng scrub suit ko.

Bumalik ako sa lounge para magpahinga. Sinilid ko sa bag ang tatlong kit. Ayaw kong gawin iyon dito.

Samo't saring emosyon ang nararamdaman ko. Hindi ko malaman kung anong nangingibabaw.

Hindi nga naman malabo. Noon nga ay inakala ko ring buntis ako.

Sa dami nang iniisip ko hindi ko namalayang nakatulog na ako.

Pa-end shift na nang magising ako. Naalala ko bigla ang tungkol sa pregnancy kit at sa suspentiya kong buntis ako.

Mapait na napangiti ako. Masaya sana kung buntis ako at kami pa ni Elliot. But I suddenly doubt that he will not be happy about it. Mas lalo akong nalungkot. Hindi nga siya masaya sa akin. Dagdagan ko pa siya ng responsibilidad.

Inayos ko ang sarili ko at lumabas sa lounge, sinadya ko sa opisina niya si Mam Tess.

"Ma'am napasarap ang tulog ko." Nginitian niya ako.

"Mabuti nga 'yon at nakabawi ka, kung may iba lang na available hindi naman kita ire-recall." Kagandahan sa head nurse namin ay may care talaga sa mga tao niya. Pamilya kami rito sa pedia. Kaya hindi rin sa akin mahirap na tumagal dito.

"E patapos na ang shift, umuwi ka at magbawi ng pahinga, h'wag kang masyadong magpagod. Ayos lang magsipag pero h'wag sobra-sobra." Habilin pa niya.

"At, naka-straight off ka this weekends." Napabaling ako sa kaniya.

"Bakit po? May duty po ako sa Sunday." Angal ko sa kaniya.

"Inayos ko ang sched mo. Pahinga ka muna." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Look at you, ang putla mo." Kitang-kita ang sinseridad sa mga mata niya.

"Please, take care of yourself, walang magandang dulot sa 'yo ang pagpapagod ng sobra. Ang laki na ng pinayat mo Maxene." Malumanay ang pagkakasabi niya.

"Promise me you will use these three days for rest." Paniniguro niya pa.

"Promise, I will take a rest." Ginawaran ko siya ng isang malaking ngiti.

Kung totoong buntis nga ako kailangan ko talaga ng pahinga.

Ewan ko kung bakit parang kaswal na bagay lang na nasa isip kong buntis ako. Nawala na ang tensiyon na naramdaman ko kanina noong kumuha ako ng PT.

Ano man ang maging resulta, kailangan kong manindigan at tumayo sa mga paa ko. A baby is always a blessing whether it is planned or not.

As for me, I would be happy to be a mother.

"Oh, siya. Umuwi ka na, tapos na ang shift mo, ayusin ko lang ang mga ite-turn over na patients at mag-a-out na rin ako."

"Thank you po, Ma'am. Mauna na po ako sa inyo." Isang sinserong ngiti ang ibigay ko sa kaniya.

"Gamitin mo ang long weekend mo sa pahinga. Ayaw kong makita kang maputla sa susunod na duty mo." Ngumiti pa siya sa pabirong sinabi niya.

"I will, Ma'am." Kumaway na ako at bumalik sa lounge.

Niligpit ko ang mga gamit ko. Sa pagliligpit ay nakita ko ang tatlong test kits na kinuha ko kanina. Biglang umahon ang kaba at umalsa ang takot sa dibdib ko. Parang nanginginig pa ako noong naiayos ko ang bag ko at tumayo. For a second akala ko ay babagsak ako, medyo umikot ang paningin ko pero may nasandalan akong mainit na katawan.

"Hey? Are you okay?" Napatingin ako sa tao sa likod ko. It was Doc Patrick with a worried face.

Mabilis akong tumayo ng ayos pero kumapit ako sa braso niya. The last thing I wanted to happen was to land on the floor.

Elliot's Bed Warmer : ZBS 2Where stories live. Discover now