Kabanata 13

27K 734 132
                                    

Kabanata 13

Katakot-takot na pakiusap ang nangyaring pagpapaalam ko sa head nurse namin para lang payagan ako sa VL. Mabuti't maganda ang record ko kaya pumayag siya sa one week na hiningi ko. Hindi ko akalain na isang linggo pala ang gustong bakasyon ni Elliot, napasubo ako doon.

"Are you ready Max?" Tanong ni Elliot na nasa likuran ko na pala.

"Oo tapos na." Sagot ko na kinuha ang handbag ko. Nasa luggage ni Elliot ang mga gamit ko.

Magbabakasyon daw kami sa rest house niya sa Cebu. Na-eexcite ako kasi matagal-tagal na rin mula noong huli akong nagbakasyon. Sobrang nabusy kasi ako sa trabaho.

"Okay, the driver will arrive in a minute or two, so let's go."

***

Hintid kami ng driver sa airport, three hours pa bago ang flight namin kaya chineck-in na muna namin ang luggage namin tapos namili kami ni Elliot.

"Meron ka bang dalang swimsuits?" Baling niya sa akin noong mapadaan kami sa mga swimwear.

"Magsuswimming pa ba tayo doon?" Gulat na tanong ko.

"Yes, oh, I forgot to tell you that I own a beach house in Cebu." Sabi niya na nagpaawang sa bibig ko. Sobrang yaman ba talaga ni Elliot?

"Wow!" Yon na lang ang nasabi ko.

"So buy the sexiest piece you'll see." He said smiling sexily. "I wont mind." Kumindat pa siya sa akin. My heart skipped a beat.

I picked up some swimming wear na binayaran naman ni Elliot, using his card.

"Come on, I'm starving." Baling niya sa akin, pero bakit pakiramdam ko ay iba ang gusto niyang kainin? Ang lagkit ng tingin niya e.

Nagbreakfast kami sa isang cafe. Nagstay na rin muna kami doon. Nadelay kasi ang dating ng eroplanong sasakyan namin dahil medyo maulan sa Cebu.

"Where else do you like to go when we reached Cebu?" He asked as he sipped his espresso.

"Hmmm, the Magellan's cross?" I said laughing. Kasi parang iyon lang yata ang alam ko sa Cebu.

"Okay." He replied almost laughing.

"What is wrong with Magellan's cross." I asked him suppressing my laughter.

"None." He replied rubbing his chin.

"May isasuggest ka pa ba?" Tanong ko na lang.

"Well, my beach house will be fine with me. Pero if you want us to go places, at Magellan's cross why not?" He said, suppressung his laughter.

"Flight bound to Cebu is now ready for boarding on gate 7."

Nagkatinginan kami ni Elliot at sabay na tumayo. He grabbed my hand and started walking. Ang laki ng hakbang niya. Nakakahiya sa maiksi kong mga biyas.

***

Tanghali na nang makarating kami sa Mactan Airport. May inarkila pala si Elliot na private car.

Inutusan niya ang driver na idaan kami sa simbahan ng Santo Niño kung nasaan daw ang Magellan's Cross.

First time ko sa church kaya I grabbed the opporunity to wish and pray. Pinagdasal ko si Mama at kuya, si Elliot, kaming dalawa. Ano ba kami?

Matapos iyon ay naglunch kami sa isa sa mga restaurant around the church. Hindi na kami nakapagmass dahil aabutin daw ng mahigit dalawang oras bago kami makarating sa beach house niya.

***

Paradise!

That is how I will describe his place. Bungalow house ito na hindi naman kalakihan.

Elliot's Bed Warmer : ZBS 2Where stories live. Discover now