CHAPTER 2- Let's Teach You How to FALL

104K 2.3K 325
                                    

CHAPTER 2- Let's Teach You How to FALL

HER POV

"Ok that's all for today. Class dismissed."

Yes tapos narin ang klase. Makakapag lunch narin ako. Gutom na gutom na ako eh. Hindi kasi ako nag almusal kanina.

"Hoy pakibilisan niyo naman! Ang babagal netong mga to oh!" sigaw ko dun sa mga kaklase ko na nasa may pintuan. Ang babagal maglakad gutom na yung tao eh.

"May period teh?" -Tracy.

"Broken?" -Roxy.

"Bitter?" -Jovz.

"None of the above! Gutom na ko mga gaga, kaya bilisan niyo na."

Dire diretso na akong naglakad palabas ng pinto kahit nauuna ako sa kanila. Gutom na gutom na kasi talaga ako. Tapos bigla na lang may kung sinong humigit sa akin kaya napatigil ako.

"Hoy anu bang problema m-- ikaw?! A-anung ginagawa mo dito?" Nakita ko lang naman si Matthew Torres. Sya yung humigit sakin.

"Anung ginagawa ko dito? Anu pa edi hinihintay ang GIRLFRIEND ko na makalabas mula sa klase nya para sabay kaming mag lunch." Inemphasize pa nya talaga yung girlfriend. Nakalimutan ko to ah.

And as expected dahil pinanganak na mga tsismosa ang mga kaibigan ko...

"Girlfriend? Kayo ni Matthew Jannica?" Hinigit ako bigla ni Tracy sa isang tabi. Syempre sumunod naman si Roxy at si Jovz.

"Kailan pa Jannica?" -Roxy.

"Eh kaya naman pala tinanggihan mo si Andrei! May Matthew ka pala!" -Jovz.

"Pwede mamaya na ako magpaliwanag? Kumukulo na kasi tyan ko eh, please? Please lang?"

"Basta magkukwento ka mamaya huh." sabi nilang tatlo. Tumango na lang ako.

"Hey baby, ang bilis mo maglakad sabay tayo!" sabi ni Matthew, naglalakad siya sa tabi ko. For some reason sila Tracy nasa likod ko lang, ayaw akong sabayan.

"Baby? ang sagwa. Wag mo nga akong tawagin nun."

"Bakit ang sungit mo? Aren't you supposed to be in love with me baby?" What the?Eeh akala ko ba suplado to? Bakit ganto to bigla? Ang landi ng potek.

"In love with you? Well I guess you're mistaken Mr. Torres. I have never been in love, for your information."

"No problem! I will make you fall in love soon baby."

"You wish baby--te-teka! Anu ba yan nahawa na ko sayo eh! Tigilan mo na nga kasi ang pagtawag nun sakin."

"No can do baby."

"No can do baby... Ulol!"

"Hahaha let's hold hands baby." Bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko.
 What the? Ang init tuloy bigla ng mukha ko.

"Ho-hoy! Bitawan mo nga yang kamay ko! Anu bang ginagawa mo?" Inaalis ko yung pagkakahawak niya.

"Boyfriend mo ako. Girlfriend na kita. Baka nakakalimutan mo Ms. Reyes, and couples are supposed to hold hands right? And that's exactly what I'm doing."

"What ever." Hindi na ako nakipagtalo pa.

Nyemas, nakakahiya naman to oh. Pinagtitinginan kami ng mga studyante! Naman oh! Ayoko ng ganto! Ayoko ng maraming atensyon! Ayoko ng spotlight! Ayokong maging attention catcher! Ayoko na ata nito! Anu ba tong pinasukan ko?!

Pag dating namin sa canteen...

"Baka gusto mo ng bitawan ang kamay ko?" sabi ko sa kanya.

"Ayoko pa baby, sabay tayong pumunta sa counter. Dun ko bibitawan ang kamay mo."

The One that Got Away... [Short Story]Where stories live. Discover now