CHAPTER 4- FALLEN

74.9K 2K 149
                                    

CHAPTER 4- FALLEN

HER POV

Simula nung Acquaintance Party, simula nung pag hilig effect ng Matthew na yun sa balikat ko, simula nung muntik ko ng sabihin sa kanyang-- nevermind, basta simula nun, pilit ko na syang iniwasan. Ewan ko ba, naiilang na ako pag malapit sya. Idagdag mo pa yung frustration ko sa tuwing lalapitan nya ako at lolokohin ako ng tatlo kong idiot na kaibigan. Seriously, nabibwisit ako. Tapos sya, tamang tawa lang, nakikisakay pa sya sa pagloloko sakin nila Tracy! Urgh, nakaka inis na talaga! Ilang araw ko na syang iniiwasan pero hindi pa makahalata ang loko, lage parin nya akong kinukulit.

"Baby, sabay na tayong umuwi. Ilang araw na tayong hindi sabay umuwi eh, lage ka na lang may pupuntahan." sabi niya.

"Eh sa may pupuntahan ulit ako ngayon eh. Umuwi ka na lang mag isa mo."

"Saan ka ba pupunta? Sasamahan na lang kita bilis!"

"Hindi kita pwedeng isama dun."

"Bakit hindi?"

"Basta hindi!"

"Baby naman, iniiwasan mo ba ako huh? Simula nung acquaintance party, pakiramdam ko ang layo na ng loob mo sakin."

"Kailan ba naging malapit ang loob ko sayo Mr. Torres?"

"Well... akala ko kasi--"

"Puro ka akala! Wag mo sayangin ang oras ko, kailangan ko na talagang umalis bye." Bilis bilis na akong sumakay ng jeep at iniwan sya, nasa may school gate kasi kami kanina.

Pagkasakay ko ng jeep, nakahinga ako ng maluwag. Ewan ko ba naman kasi kung bakit ang hirap huminga pag nandyan sya. Kahit simpleng sound lang ng boses nya may kakaiba na akong nararamdaman. Isang pakiramdam na hindi ko nagugustuhan. Kaya naman talagang dapat ko na syang iwasan.

Tama, ito na lang ang plano ko, iwasan sya hanggang matapos ang deal namin. Madali lang naman matapos ang isang buwan, kayang kaya ko syang iwasan hanggang matapos yun. Well, yan ang akala ko.

Gabi na, nakatunganga lang ako sa ceiling fan sa kwarto ko. Hindi kasi ako makatulog. Si tito kasi pinagtimpla ako ng kape kanina, yun nagtimpla na rin tuloy ako ng akin, at ayan ang epekto, dilat parin ako.

Maya maya may nagtext sa cellphone ko. Sino na naman kaya to? Yung Matthew na yun kanina pa nagtetext eh, iniignore ko na lang. Baka sya na naman to?

Pag tingin ko, si Tracy lang pala. Gm na naman siguro?

Pag bukas ko nung message, nanlaki na lang ang mata ko tapos nagulo ko na lang yung buhok ko. Bakit naman ngayong oras pa? T__T

Chain message na naman. Oo, nagsend sakin ng chain message si Tracy! Gustong gusto ko na syang murahin pero di ko naman sya mamura kasi wala naman akong load. Gusto ko lang iignore yung chain message kaso sabi dun bigla na lang may tatabi sa aking babaeng pugot ang ulo.  Ayoko nun! Mag isa pa naman ako sa kwarto! T__T. Ayoko namang gisingin sila tito, nakakahiya. Kaya ayun, nag online na lang ako sa fb pampakalma.

Hinahanap ko kung on line yung tatlo kong idiot na kaibigan pero hindi sila on line. At ang on line lang na medyo ka close ko (medyo lang huh) ay si... tsk, Matthew Torres.

Niclick ko yung pangalan nya sa chatbox, magtatype na sana ako, pero hindi ko tinuloy.

"Ayoko na. Hindi na kita ichachat . Iniiwasan nga kita diba?" sabi ko na lang at niclose ko na yung name nya sa chatbox.

Binasa ko ulit yung chain message at... uwaaaaah. Ayoko talagang tabihan ng babaeng pugot kaya naman...

JANNICA REYES: Matthew Torres, Skype tayo.

The One that Got Away... [Short Story]Where stories live. Discover now