CHAPTER 5- Falling Apart

72.2K 1.8K 147
                                    

CHAPTER 5- Falling Apart

HER POV

"Himala, hindi mo na ako pinagtataguan ngayon baby." sabi ni Matthew Torres pagka akbay niya sa akin. Papunta kaming canteen ngayon maglalunch na kami, nasa likod ko yung tatlo kong idiot friends.

"Sawa na kasi akong iwasan ka, wala rin namang nangyayari."

"So inamin mo ring iniiwasan mo nga ako? Bakit mo naman ako iniiwasan huh baby?"

"Kasi masakit ka sa ulo."

"Pero boyfriend mo ako ah!"

"Fake boyfriend, at malapit ng maging ex fake boyfriend dahil isang linggo na lang, malapit ng matapos yung one month deal natin."

"Isang linggo na lang? Oo nga no? Hindi ko namalayan."

"Kaya enjoy it while you can, kasi pag naka isang bwan na, hindi na ako required sumabay sayo tuwing-- what the? Hoy saan mo ko dadalhin?" Bigla nya akong hinigit, papasok na sana kami sa canteen eh, saan kami pupunta ngayon?

"Since may one week na lang ako bilang boyfriend mo, gagawin ko na lahat ng gusto kong gawin kasama ka."

"Anung ibig mong sabihin? Saan ba tayo pupunta huh? Gutom na ako!"

"Wag ka mag alala, kakain din naman tayo sa pupuntahan natin."

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Basta, malalaman mo din pag dating natin dun."

"Per--"

"Sabi mo ienjoy ko na while I can diba? Kaya hayaan mo na lang ako. Wala ka rin namang magagawa kaya sumunod ka na lang."

"Haay ewan ko sayo."

"Nandito na tayo baby!" -Matthew.

"Lake? Kinaladkad mo ako all the way from school para pumunta sa cheap na place na to?"

"Grabe ka naman! Hindi naman to cheap! Eh kasi nung dumaan kami minsan ni Charles dito, nakatikim ako ng masarap na fishball, ang sarap talaga nung sawsawan. Ikaw nga agad ang naalala ko nung makatikim kami nun eh."

"So ibig mong sabihin, pinagcutting mo ko para lang pakainin ng fishball?"

"Ganun na nga!"

"Haaaaay... ewan ko sayo."

"Sungit mo talaga. Tara na bilis, dun yun oh, nakita ko na si Manong tindero!" Hinigit na nya ako papunta dun kay manong at bumili kami ng tig isang stick ng fishballs.

Nung makaen ko, aba masarap nga ah?

"Anu? Hindi ka na makapag sabi ng reklamo no mahal kong Jannica? Sabi sayo masarap eh!"

"Dapat lang na masarap! Kung hindi, talagang hindi na kita kakausapin pa! Alam mo bang may quiz kami ngayon sa Calculus tapos--" natigil ako sa pagsasalita ng sinubuan nya ako ng fishball.

"Ang ingay mo baby, date to pero sinisigawan mo ko, wag gan.un. Tara dun upo tayo!" Hinigit nya ako papunta sa isang bench at naupo kaming dalawa dun

Tahimik lang kaming kumakaen dun ng bigla syang umimik...

"Jannica..."

"Anu yun?"

"Bakit ba lage kang galit sakin?"

"Diba sabi ko nga, masakit ka sa ulo!"

"Bakit naman ako masakit sa ulo?"

"Haay! Isang dahilan na to oh! Masyado kang matanong!"

The One that Got Away... [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon