CHAPTER 6- STUCK

63.3K 1.8K 198
                                    

CHAPTER 6- STUCK

HER POV

Habang naglalakad ako palayo sa kanya, hindi ko maintindihan kung bakit ang bigat ng mga hakbang ko. Gusto ng utak ko na lumakad ako ng mabilis para mawala na sya sa paningin ko, pero may kumokontra sa loob ko na gustong pabagalin yung paglalakad ko at umaasang hahabulin at pipigilan nya ako. Ganun ang nararamdaman ko habang lumalakad ako ngayon. Ang bigat ng pakiramdam ng dibdib ko. Sobrang sikip. Hinawakan ko na lang yun para maibsan yung sakit.

"Jannica! Jannica hintayin mo kami!" Narinig kong tawag nila Tracy, hinabol nila ako. Hindi ko sila nilingon at mas binilisan ko pa ang lakad, pero nakahabol sila sa akin at hinawakan ako, kaya natigil ako sa paglalakad.

"Jannica, nag effort yung tao oh. Alam mo bang excited na excited sya ngayong araw na to?" -Tracy.

"So?"

"Jannica, nakiusap pa syang tulungan namin sya para dun sa surprise nyang yun. Sobrang nag effort talaga si Matthew. Jannica, sincere talaga sya sayo." -Jovz.

"Wala akong pakialam."

"Jannica, alam mo--"

"Kahit ano pang sabihin nyo, hindi na magbabago ang desisyon ko. Kaya bitawan niyo na ako. Pagod ako, gusto ko ng umuwi." Tinanggal ko na ang kapit nila sa akin at sumakay na dun sa jeep na tumigil sa tapat namin. Iniwan ko na silang tatlo dun na nakatingin lang sa akin. Ang kukulit talaga nila. Lalo nilang ginugulo ang isip ko.

Pag dating ko sa bahay, agad akong nagkulong sa kwarto ko. Tinatry tawagan nila Tracy yung phone ko pero di ko sinasagot. Tinadtad narin nila ako ng texts, pero hindi ko binabasa. Dahil sa ang ingay ng cellphone ko, pinatay ko na lang yun tapos sumalampak na ako sa kama.

"Tama yung ginawa mo Jannica. Kung magpapadala ka sa nararamdaman mo, mas masasaktan ka lang. Yang sakit na nararamdaman mo ngayon, walang wala kumpara sa sakit na mararamdaman mo kung pinapasok mo ng tuluyan ang lalaking yun sa buhay mo. Kaya tama lang yan Jannica, tama lang yung ginawa mo." sabi ko na sa sarili ko.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako nung tinawag na ako nila tita para kumaen na ng hapunan.

"Jannica, bakit hindi mo ginagalaw ang pagkaen mo? May sakit ka ba?" sabi ni tita. Hinipo niya yung noo ko.

"Wala po tita, wala lang po talaga akong gana."

"Kumaen ka parin kahit konti ok? Mag-aalala ang mama mo pag nagkasakit ka."

"Opo." Pinilit ko na lang kumaen kahit na wala akong gana. Bakit ba ganto ako kadepress?

Pagkatapos naming kumaen pumasok na ulit ako sa kwarto. Pinipilit kong matulog, pero hindi ako makatulog. Binuksan ko yung fb, pero pinatay ko rin agad. Masyado na ata akong nasanay na kausap yung Matthew na yun sa Fb o Skype gabi gabi kaya parang gusto ko syang kausapin nung makita kong online sya, buti na lang napigilan ko yung sarili ko.

Tinanggal ko na sa buhok ko yung ponytail na heart na binigay nya sa akin kanina, pinagmasdan ko yun. Gusto kong itapon pero hindi ko magawa. Bakit hindi ko magawa?

Panalo ako sa deal. Natapakan ko na ang pride ng mayabang na Matthew na yun. Tapos na ang mga nakakabwisit na mga araw ko bilang girlfriend nya. I have always expected na isa to sa magiging pinaka masayang araw ng buhay ko pero nagkamali pala ako. Bakit ang lungkot lungkot ko na parang may gustong kumawalang luha mula sa mga mata ko ngayon?

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Kinabukasan...

Papasok na ako sa gate ng school pero napatigil ako dun sa may parte kung saan ako lageng hinihintay nung Matthew na yun tuwing umaga. Nasanay na siguro akong nakikita sya dun tuwing umaga kaya pakiramdam ko may mali nang madatnan kong bakante yun ngayon. Inalog ko na lang yung ulo ko at nagtuloy tuloy na ulit sa paglalakad.

The One that Got Away... [Short Story]Where stories live. Discover now