The One that Got Away... [ PROLOGUE ]

301K 4.3K 541
                                    

The One that Got Away...

~PROLOGUE~

 

True Love...

Halos lahat ng tao sa paligid ko, yan ang hinahanap.

May pailan ilang nahanap na "daw" nila yun.

Maraming naghahanap parin.

At meron namang sumuko na sa paghahanap.

Bakit nga ba naghahanap ang mga tao ng TRUE LOVE? Anu bang dahilan nila?

Para sa HAPPINESS?

 Eh marami namang bagay na pwedeng magbigay sayo ng happiness ah? Without the risk of getting hurt.

 Katulad ng pagkaen, masaya ka na, busog ka pa, at siguradong di ka pa masasaktan.

Para KILIGIN?

Eh pwede ka namang umihi, kikiligin ka na. Pwede kang magbasa ng romantic novels, o kaya manood ng anime, effortless pa diba?

Para may MAKASAMA SA BUHAY?

Eh para saan ang mga kaibigan mo? Para saan ang pamilya mo? Anu bang tawag mo sa kanila? Hindi ba sila makakasama sa buhay?

O diba?

Wala talaga akong makitang dahilan kung bakit ko dapat hanapin yang TRUE LOVE na yan.

Bakit ko yun hahanapin kung alam kong lahat ng naghanap dun at one point nasaktan? At one point umiyak?

Bakit ko hahanapin ang isang bagay na alam kong sasaktan at paiiyakin lang ako at one point?

I'm not stupid enough to welcome something that I know will hurt me one way or another.

 

I'm not stupid enough to fall in love.

.

.

.

.

.

.

UNTIL...

"You're not stupid enough, or you're just too scared to try? Matalino ka ba o duwag? Paano kung true love na mismo ang maghanap sayo? Paano kung pilitin nung baguhin ang pananaw mo? Masasabi mo parin bang hindi ka interesado dun? Masasabi mo bang ayaw mo parin dun?"

Isang lalaking walang magawa sa buhay ang nagsabi sa akin nyan.

At dahil wala rin akong magawa sa buhay, sinagot ko naman sya ng ganito...

 

"Oo naman no, paninindigan ko ang sinabi ko. Kasi kung sakaling mahanap ako ng TRUE LOVE na yan, tatanggihan ko na sya bago pa sya tuluyang makapasok sa buhay ko."

At dahil wala nga syang magawa sa buhay, hinamon pa ako ng loko...

 

"Oh talaga? paano kung magawa kong baguhin ang pananaw mo? Anung gagawin mo?"

 

"Mabago mo na lang." sagot ko

 

"Ok sige ganito, how about maging tayo for a month? Tingnan natin kung hanggang saan ang itatagal nyang pananaw mo. Tingnan natin kung hanggang kelan mo maaayawan ang true love na lumalapit sayo." -sya

At dahil isa rin akong nilalang na walang magawa sa buhay tulad nya...

Isang nilalang na gustong mapatunayan ang sarili ko sa walang magawang lalaking to...

Eh pinatulan ko ang trip nya.

 

"Oh sige, let's try to be a couple for one month. From now on boyfriend na kita." sagot ko.

 

"Let's bring it on, girlfriend ko." sagot niya.

Pero ang hindi ko pala alam...

 

Sa pag sang ayon ko sa  walang kwentang usapan naming yun...

Isang usapan ng dalwang taong walang magawa sa buhay...

 

Sa pag sang ayon ko pala dun...

 

Wala akong kamalay malay...

Na simula pala nun...

 

Hinayaan ko ng makapasok ang TRUE LOVE na yan sa buhay ko.

 

Ang bagay na sinasabi kong tatanggihan ko, once na mahanap ako...

 

PINAPASOK KO NA PALA NG HINDI KO NAMAMALAYAN.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

This is the story of how I accidentally found true love.

A story that will tell you how I found "THE ONE".

And how that 'one'...

became the same one ...THAT GOT AWAY.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N: This is a short story.. Will consist of only 10 chapters. First time kong magsusulat ng medyo seryosong theme na story, puro kasi maloko yung plot nung iba kong story xD

The One that Got Away... [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon