CHAPTER 9- Cliche

67.8K 1.7K 148
                                    

CHAPTER 9- Cliche

HER POV

Halos mag iisang buwan na matapos ang J.S. Prom namin. Halos mag-iisang buwan na ring kami ni Matthew Torres. Legal kami ni Matthew sa bahay, alam na ni Mama na boyfriend ko s'ya, nameet ko narin ang pamilya ni Matthew, okay naman yung nanay n'ya mabait. Tapos nameet ko na rin yung special child n'yang kapatid na si Marvina. Wala namang problema sa mga pamilya namin, ang may problema madalas ay kami. Gusto kong kwentuhan kayo ng mga nakakakilig na mga eksena, gusto kong sabihin sa inyo na everything went well after that and then we lived happily ever after at nagmahalan kami to infinity and beyond ganun... pero hindi. Wala pa kaming isang buwan mag on pero ilang beses na kaming nag away at muntik magbreak. Sa totoo lang, mas lumala yung pag aaway naming dalawa ngayong totoo na kaming magkasintahan kaysa noon na deal lang. Si Matthew Torres naman kasi eh, masyadong demanding, akala mo s'ya ang babae sa aming dalawa, masyadong mareklamo at maraming kaartehang nalalaman, parang ganito...

"Good morning baby." bati sa akin ni Matthew. Katulad ng dati, hinihintay nya ako lage sa harapan ng gate ng school namin para sabay kaming pumasok sa loob.

"Good morning." bati ko. Nag improve na ako, hindi ko na s'ya nilalampasan na lang na parang hangin katulad ng dati.

Hinawakan nya yung kamay ko tapos, "Goodmorning parin?" tanong n'ya habang naglalakad na kami papasok ng gate.

"Ano bang dapat pang sabihin?"

"Kailan mo ba ako tatawaging baby? Tayo na diba? Totoong tayo na! Mag iisang bwan na nga eh pero ni minsan hindi mo pa ako tinawag ng baby!"

"Napag usapan na natin to nung isang araw ah? I said not gonna happen, that's never gonna happen Matthew! Kaya tigilan mo na ako nyang kaartehan mong yan, para kang bading."

"Fine, edi wag." sagot n'ya. Fine daw pero galit naman yung tono at bigla pang binitawan ang kamay ko at naglakad na papunta ng classroom n'ya.

"Ugh!" sigaw ko naman at super irritated akong pumasok sa room namin.

Hindi kami sabay ni Matthew na maglunch ng araw na yun, so mukhang galit parin s'ya, pero hindi ako magsosorry at magsusurrender dahil ayoko talaga nung pinuputok ng butse n'ya.

Uwian narin finally, hindi ako hinintay ni Matthew para sabay kaming umuwi. That pissed me off bigtime. I'm throwing tantrums habang naglalakad ako pauwi papunta sa bahay namin nang madatnan ko s'ya, si Matthew Torres, sa harap ng gate ng bahay namin.

Ibubuka ko palang ang bibig ko pero nagsalita na s'ya.

"'Sorry kung hindi kita sinabayan maglunch. Sorry kung hindi kita hinintay pauwi. I was mad, yes. Pero nung maisip kong baka mamaya hindi ka makauwi ng ayos at biglang may mangyari sayo kasi hindi kita sinabayan, I regretted what I did, at ito nilamon na lang ng sobrang pag-aalala yung galit ko. So I'm sor--"

Hindi ko na s'ya pinatapos sa speech n'ya kasi baka maiyak lang ako kaya niyakap ko na lang s'ya bigla.

"Gusto mong pumasok sa loob? Movie trip tayo, gusto mo?" sabi ko pagkabitaw ko sa kanya. Ngumiti s'ya, hinawakan ang kamay ko at saka tumango. Habang naglalakad kami papasok ng bahay, hindi maalis ang ngiti ko.

XXXXXXXXXXXX

Okay na kami tungkol dun sa endearment thing, pero ito naman ang pinag awayan namin ni Matthew Torres, pagkatapos nun...

"Sa tuwing magpopost ako sa wall mo ng I love you hindi ka nagrereply. Samantalang dun sa mga post nila Tracy nagrereply ka, bakit ganun Jannica? Boyfriend mo ko diba?"

"Alam mo Matthew, minsan talaga iniisip ko, bading ka."

"Ano?" pikon na yung tono n'ya dyan.

"Yung mga bagay na pinoproblema mo, mga bagay na pinoproblema yan ng isang demanding na girlfriend."

The One that Got Away... [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon