CHAPTER 7- Misunderstanding

65.5K 1.8K 223
                                    

CHAPTER 7- Misunderstanding

HER POV

Dalawang araw narin ang nakaraan matapos nung eksena namin ni Matthew Torres sa study table, at hanggang ngayon hindi parin nawawala yung bigat sa dibdib ko. Hindi parin ako kinakausap nila Tracy hanggang ngayon.

Walang pasok ngayon, Sabado. Tuwing Sabado nag oon line si mama para mag Skype kami, nasa ibang bansa nga kasi sya. Kaya ngayon, nagsskype kaming dalawa. Nahihirapan nga akong magpanggap sa harap nya na ok lang ako. Mahirap man pero, ayokong mag alala pa sya sakin, lalo na't alam ko naman ang sitwasyon nya dun, kaya pinilit ko na lang ngumiti. Pero tama nga siguro ang sabi nila, alam ng magulang pag nasasaktan ang kanyang anak.

"Jannica anong problema?"

"Huh? Wala naman akong problema ah ma?"

"Jannica..."

"Wala nga ma, promise."

"Mamatay man ako?"

"Ma naman!"

"So meron nga?"

Tumango na lang ako kasi mukhang nabasa na nya yung nararamdaman ko. Kinwento ko sa kanya na nag away kami nila Tracy at hanggang ngayon hindi parin nila ako kinaka usap.

"Anak mali naman kasi yung sinabi mo sa mga kaibigan mo."

"Alam ko naman yun ma eh, kaya nga araw araw akong lumalapit sa kanila para humingi ng pasensya. Kaso ma, hanggang ngayon, hindi parin nila ako mapatawad. Ngayon lang kami nag away ng ganito kaya talagang nalulungkot ako ma. Pero wag mo kong alalahanin, ok lang ako."

"Alam kong kaya mo yan anak, pero sila Tracy lang ba talaga ang pinoproblema mo? Bakit pakiramdam ko, hindi lang yun? Does it have something to do with the boy na pinipilit nila Tracy para sayo?" Sapul, kilalang kilala talaga ako ni mama. Wala na lang akong nagawa kung hindi tumango. Wala talaga akong naitatago sa kanya eh. Close kami ni mama, para na kaming mag best friend, though di ko nga sya lage nakakasama kasi malayo sya.

"Gusto mo ba yung lalaki?"

"Hi-hindi ko alam mama."

"Paanong hindi mo alam? Hindi mo alam o alam mo ang sagot pero ayaw mong tanggapin?"

"Ma... bakit ganun? I thought... pag hindi ko pinapasok yung love na yun sa buhay ko, makaka iwas ako sa sakit. I thought hindi ako iiyak, I thought hindi ako masasaktan. Ma, I tried really hard to not let that love thing in, I tried hard to push that guy away... pero bakit ganun ma? Bakit nasaktan parin ako? Bakit umiyak parin ako? I thought I made the right decision... but then, why am I not happy ma? Bakit ganun?" 

"Anak... love always comes with pain. Pain is part of loving. Pain is a sign that you're alive. Normal lang masaktan anak. Kahit anong pilit mong iwasan, masasaktan at masasaktan ka at one point in your life. If you know you will be hurting one way or another, isn't it wise if you choose to hurt for something that's worth hurting for?"

"Anong ibig mong sabihin ma?"

"I know your perspective about love has something to do with what happened between me at ng papa mo. Yes I was really hurt and I must admit that until now the pain isn't gone pero... I never regretted falling in love with your father. Bakit? Kasi it's worth it. Nasaktan man ako, sumaya naman ako at one point eh. And also, he gave me you. I have survived the pain because of the happy memories I had when I was still with your father. I have survived the pain because of you. Kaya anak wag mong pigilan ang sarili mo. Wag kang matakot. Sundin mo kung anu mang nararamdaman nyang puso mo."

"Pero ma, paano kung--"

"Jannica, kung yang mga doubts at what ifs mo ang paiiralin mo lage, you'll just end up full of regrets. Yang mga doubts mo and what ifs, masasagot lang yan once you have tried to find the answer yourself. Wag mo isipin agad kung anung pwedeng mangyari kinabukasan. Isipin mo kung anung nangyayari ngayon. Anak, anu bang sinasabi ng puso mo sayo ngayon? Clear the doubts and what ifs, just state what your heart says to you right now."

The One that Got Away... [Short Story]Where stories live. Discover now