Rise 36

11.2K 955 171
                                    

Rise 36
Academy of Gods

“When the sun set once more, I’ll come and  see you. So wait for me, I’ll come to meet you.”
- WhisperoftheNight, by S.Harper

Isang magarbong palasyo.

Yan ang unang impresyon ni Leona sa Academy of Gods.

Ito ang unang araw nya sa paaralan.

Matapos syang samahan magparegister at mag-enrol, ay hindi nya alam kung saan na nagtungo si Audrina.

Mukang abala ito sa pagreport ng resulta ng misyon nya sa Mortal Plane.

Mayroong nakatalagang silid sa dormitoryo ang bawat mag-aaral.

At sa kabila ng lawak at laki ng lugar, iilan lamang ang mga mag-aaral dito.

Hindi madali maabot ang Semideus Realm.

Ilang beses sya naligaw sa lugar. At dahil kakaunti lamang ang mga mag-aaral na mapagtatanungan ng direksyon, ay nahirapan syang hanapin ang Breakfast Hall kung saan nagtitipon ang lahat tuwing umaga.

Pumasok si Leona sa pintuan ng Breakfast Hall. Isa itong chamber ng palasyo kung saan nagtitipon ang lahat ng mga mag-aaral upang makapag-almusal. Mataas ang kisame at mayroong mga chandelier. Mukang napakamahiwaga ng lugar.

Mayroong apat na mahabang lamesa sa gitna ng silid, puno ng ibat-ibang masasarap na pagkain ang mga ito.

“Nasa Hogwarts ba ko?” hindi napigilang magkomento ni Leona

Naramdaman nya ang tingin na ibinibigay sa kanya ng ibang mga mag-aaral pero pinili nyang wag bigyang pansin ang mga ito.

“Ngayon ko lang sya nakita. Is she a new student?” rinig nyang tanong ng isang estudyante

“Maybe she is. It’s also my first time seeing her.”

“Hindi nyo ba nabalitaan? That’s her! The rumoured ‘New Goddess Dawn’.”

“The newly ascended goddess?”

“That’s her? She doesn’t look strong at all.”

Ngayon lang ba sila nakakita ng bagong estudyante?

Pinili na lang ni Leona na wag sila bigyang pansin. May mas importanteng bagay na naglalaro sa isipan nya ngayon.

'So alin sa apat na mesa ang para sa Gryffindor?' sa isip ni Leona

“Hey, you’re late.” Narinig ni Leona ang pamilyar na tinig ni Audrina at nakita itong kumakaway sa kanya.

Agad namang natahimik ang mga estudyante.

“Hindi mo ba sya ininform na may nakatakdang oras ang Breakfast? Why is she late?” iritableng tanong ni Altair kay Audrina

“Baka naligaw sya.” Sabat ni Skyla

“Kung nahuli pa sya ng ilang minuto ay hindi na sya makakapagbreakfast.” Reign

“Ang importante nandito na sya.” Atreus

“Dawn, come here and join us.” Aya ni Roxanna

Muling nabaling ang atensyon ng lahat kay Leona.

“Sino ba talaga sya?” curious na tanong ng isang tsismosa

“Bakit sya kinakausap ng mga Elites?”

So popular kids pala sa school ang mga disciple ng mga Great Gods. Well that’s not really surprising.’ Sa isip ni Leona

Tinatawag na mga Elites ang mga disciple ng mga Great Gods dahil sila ang pinakamagagaling at pinakamahuhusay sa paaralan. Sila ang susunod sa yapak ng ten Great Gods.

Rise of DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon