Rise 44

11.3K 902 394
                                    

Rise 44
Gone with the Passage of Time


Even if others don’t, always do what’s right."
-LiesoftheBlessed by A. Sterling

Puno ng buhay ang pamilyar na daan na palaging tinatahak ni Leona kasama ang mga kaibigan sa tuwing sasapit ang Araw ng Solstice.

Ito ang panahon kung saan nagsasama-sama ang bawat pamilya sa hapagkainan upang ipagpasalamat ang isa nanamang masaganang taon.

Noong bata pa sila, madalas pumupuslit si Leona mula sa palasyo kasama ang mga kaibigan para mamasyal sa bayan sa araw na ito.

Isa itong masayang pagdiriwang.

Nakangiti ang bawat isa.

Subalit, kahit saan lumingon si Leona, wala syang matagpuang pamilyar na muka sa paligid nya.

Lumapit si Leona sa isang pamilyar na panaderya para magtanong, “Hindi ba ito ang bakery ni Ginoong Gilbert? Hindi na ba sya gumagawa ng tinapay ngayon?”

Sa naaalala ni Leona, nasa midtwenties lamang ang may-ari ng panaderya. Nawala lamang sya ng mahigit dalawampung taon, nasaan na ang mga taong naaalala nya?

Pinagmasdan sya ng middle-age na lalaki na syang nagtitinda sa bakery, “Ija, are you talking about my grandfather? He already passed fifteen years ago.”

Nabigla si Leona sa narinig.. Grandfather? And he died fifteen years ago?

What's happening?

“Is there a problem?” tanong ng lalaki

Pinilit ni Leona ngumiti, “It’s nothing.”

Then she continued on her way.

May masamang kutob si Leona. Pero pinili nyang ituloy ang paglalakad sa pamilyar na daan patungo sa palasyo.

She was about to enter through the palace gates but two soldiers stopped her.

“What business do you have here?” matigas na tanong ng mga kawal

Pinagmasdan ni Leona ang dalawa.. Hindi ba sya kilala ng mga ito?

“I’m here to visit my brothers.” Tugon ni Leona

“Are your brothers palace officials?” tanong ng isa sa dalawang kawal

Umiling si Leona, “No, I’m here to visit the king and his advisor.”

“State your business properly. Are you here for your brothers, or are you here for the king?”

“The king is my brother.” Leona

Nagkatinginan ang dalawang kawal. Hindi nagustuhan ni Leona ang tingin na ibinibigay ng dalawa sa kanya, tila ba nahihibang na sya.

“We don’t have time to entertain your nonsense Lady, get lost.”

Bago pa man makasagot si Leona, isang tinig ang narinig nila.

“What’s happening here?”

Nabaling ang mga mata ni Leona sa isang matangkad na binata. Napangiti sya nang makita ito.

His doting older brother.

“Brother Levinus.” Bati ni Leona dito

Napalingon sa kanya ang lahat.

“Lady, you must be mistaking me for someone. My name is Lowel.” Saad ng lalaki

Sandali lang, is he Levinus’ son?

Rise of DawnOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz