Chapter 3

137 4 0
                                    

"Sky, Skylar, Hoooyy Skylar Elise" sabi ni kuya

"Huh?" sabi ko naman

"Hatdog" sagot ni kuya sakin

"Kanina pa kita tinatawag tulala ka lang dyan ano ba iniisip mo?" tanong sakin ni kuya

"Wala" sagot ko naman

"Ano ba kasi yun bat mo ko tinatawag" tanong ko sa kanya

"Mag ready ka na daw pupunta tayo kila lola" sabi sakin ni kuya

Umakyat na ako ng kwarto para magready

Bwisit naman kasi tong utak ko ehh panay si Lucas na lang yung laman

Pagdating ko sa kwarto nagready na ako ng mga damit kong sosootin

Dumiretso na ako sa cr para maligo

Pag katapos nun nag check muna ako ng mga notifications sa cellphone ko

Pagkatapos bumaba na ako para maaga kami makaalis

"Wow ang ganda naman ng anak ko" sabi ni mama pag kababa ko

"Lika nga anak pisturan ko kayo ni kuya mo" sabi ni mama

"Ma wag na malelate na tayo"sabi ko naman

"Dali na minsan lang naman toh ehh" dahilan nya pa

Pumayag na lang ako kasi for sure di sya titigil sa pangungulit

Tumabi na lang ako kay kuya tas ngumiti sa camera

Nakailang shot pa si mama pagtapos nun lumabas na kami para makasakaya na sa sasakyan

Si kuya yung magdadrive at si mama naman naka upo sa frontseat

At as usual nasa likuran naman ako

Nagpatugtog na lang ako ng music sa cellphone ko para di masyadong boting sa byahe

Nakatulog narin ako sa sobrang tagal

"Sky anak gising na nandito na tayo" sabi ni mama habang mahina nya akong tinatapik

Agad akong lumabas ng kotse at nagunat

Pagkarating namin sa harap ng gate agad kaming sinalubong ni tita Susan

Agad kaming nag mano ni kuya sa kanya

"Ang pinka maganda at pinakapogi kong mga pamangkin" sabi ni tita sabay yakap samin ni kuya

"Ta kami lang naman mga pamangkin mo ehh" sabi ni kuya

"Ayy oo nga pala" sabi ni tita sabay tawa

"Lika na pasok na kayo kanina pa kayo hinihintay ni mama" sabi ni tita at nauna ng pumasok sa loob ng bahay

Pagpapasok namin agad namin naabutan si lola na nakaupo sa favourite nyang upuan habang nagbabasa ng libro

Pag ka lingon nya samin agad lumiwanag yung mukha nya

"Mga apo ko nako miss na miss ko kayo" agad syang tumayo para salubungin kami

Agad kaming nag mano ni kuya at yumakap sa kanya

"Nako panigurado gutom na kayo ang layo panaman ng binyahe nyo" sabi ni lola

"Sabay na tayo kumain nagluto si tita mo ng favourite mong kare kare Sky" sabi sakin ni lola

"At syempre naggawa din ako ng ube halaya na favourite mo Sylvester" sabi ni lola

"Akala ko nakalumutan nyo na po ako lola" sabi naman ni kuya

"Ano ka ba wala akong makakalimutan basta pagdating sa mga apo ko kahit matanda na ako basta mga para sa inyo na ukit na sa utak ko yun noh" sabi ni lola

Pag dating sa kusina agad kaming umupo para kumain

"Mga apo may mga kasintahan na ba kayo" tanong ni lola samin ni kuya

Sabay naman kaming naubo ni kuya

"Wala pa po lang aral lang po muna inuna ko" sabi kay lola

"Busy po ako sa studies ko lola" sabi ni kuya

"Ahh ganun ba wag kayo masyadong tutok sa pagaaral ahh, oo maganda yun pero maganda rin naman na nagliliwaliw kayo" sabi pa ni lola

"Ikaw Sky di ka pa nagkakajowa" sabi ni tita

"Wala pa po sa plano ko magjowa ehh" sabi ko naman

"Si kuya mo nakailan na yan, nagaalala ako sayo ehh gusto ireto kita sa mga anak ng mga kumare ko" sabi pa ni tita

"Nako wag na po tita" sabi ko naman

"Wag po kayo magalala promise ko po sa inyo ni lola, next time po sa bisita ko dito may kasama na po akong jowa" pabiro kong sabi

"Sige sabi mo ehh" sabi ni tita sabay tawa

Nagkwentuhan pa kami tungkol sa iba't ibang bagay

Pagtapos kumain lumipat naman kami sa sala para manood ng mga movies kasi yun hilig gawin ni lola

Habang nanood kami biglang sumingit si kuya

"Bat ganun di pala yung poging lalaki yung makakatuluyan nya yung best friend nya pala" sabi ni kuya

"Ganda nga ng ng ending ehh mas boto ko din yung best friend medyo red flag din kasi yung isa" sabi ko

Bagong movie naman pinanood namin and again may comment ulit si kuya

"Am bobo naman manuntok ng tao na yan" sabi ni kuya

"Makapanghusga ka kay Sky pa nga lang di ka na manalo ehh" sabi naman ni mama

"Mama naman walang ganyanan" sabi ni kuya at tinawanan namin sya

Nanood pa kami ng iba pang movies hanggang abutan na kami ng hapon

Nang matapos na yung last na movie tinulungan namin si tita mag ligpit

"Dito na kayo mag hapunan" sabi ni lola

"Nako lola tamang tama medyo bitin po kain ko kanina ehh" sabi ni kuya

Pumunta na kami sa kusina at kumain

Nung makatapos na kami nag paalam na kami kay lola at tita

"Maguwi kayo netong ube halaya oh" sabi ni lola sabay abot samin ng plastic bag na may laman na styrofaom food container

"Salamat po lola" sabi ni kuya sabay kuha ng plastic bag

Sumakay na kami sa sasakyan

Agad ng pinaandar ni kuya yung sasakyan

Bago kami makalayo binaba ko yung bintana at kumaway kila lola at tita

Tinaas ko ulit ng makalayo na kami

Nagcheck pa ako ng mga social media accounts ko para malibang ako sa byahe

Nung na nawa na ako natulog na lang ako kasi malayo pa naman kami

<3

SkylarWhere stories live. Discover now