Chapter 9

79 5 0
                                    

Dalawa lang kami ni mama kumakain ngayon kasi wala si kuya

Ginawa ko yung chance para tanungin si mama

"Ma okay lang po ba na jumowa ng babae sa babae at lalaki sa lalaki?" tanong ko bigla tuloy ako kinabahan dahil natatakot ako sa sagot nya

"Oo naman ako nga ehh nanligaw ako ng babae nung nasa highschool pa ako" sagot nya

"Weeeehhh talaga" sabi ko

"Oo nga bat mo naman natanong?" sabi nya

"Ano may nabasa lang po ako sa libro" dahilan ko

Napatango naman sya

Okay lang naman pala kay mama ehh pero di ko parin sasabihin na may gusto ako kay Claire baka asarin nya ako

So wala rin palang kwenta yung pagiwas ko sa kanya nagmukha lang akong tanga

Papatawatin naman nya ako kyng magsosorry ako diba

Pagtapos kumain mabilis akong naligo para maabutan ko si Claire at makapagsorry na ako sa kanya

Paglabas ng bahay tamang tama nakita ko sya sa tapat ng bahay namin

Babatiin ko sana sya ng bigla syang tumakbo papalayo

Ano meron dun babaeng yun?

Hindi ko na sya hinabol lasi alam ko naman na di ko sya maabutan

Pagdating sa harap ng gate nakita ko si Claire na may kausap na teacher

Nung makita nya ako nakita ko na may sinabi sya sa teacher at mabilis na tumakbo papalayo

Ginagantihan nya ba ako?

Kung oo gumagana at hindi ko yun gusto

Pagdating sa room nakita ko syang nakaupo sa upuan nya may binabasang libro

Nung makita nya akong papasok sa room nag busy busihan sya

Aba iba tong babaeng toh ahhh

Hahayaan ko na lang sya since kasalanan ko rin naman toh ehh

Upupo na lang ako at nakipagkwentuhan sa mag kaklase ko since matagal pa naman start ng klase

Nung dumating na yung teacher namin nag si balikan na kami sa mga kanya kanya naming upuan

Matapos ang ilang subject nagring na ang school bell hudyat na break time na

Nakita kong biglang lumabas ng room si Claire

San naman kaya pupunta yun hindi ko na lang yun masyado pinagisipan

Nilabas ko na lang yung lunch ko at kinain ng mabilis

Balak kong kausapin ngayong break
time si Claire since maraming time

Kasi kung mamaya pa baka may plano pala sya na gumala kasama yung isa sa mga manliligaw nya

Pagkatapos kumain agad na akong lumabas para hanapin si Claire

Nagtry akong maghanap sa gym pero wala sya dun

Nagtry naman ako mini parak ng school namin pero wala parin sya

Isa na lang yung naiisip ko for sure nandun sya

Pagkarating ko sa school garden namin nakita ko sya dun nakaupo sa tapat ng mga taniman ng mga bulaklak

Habang papunta na ako sa kanya napalingon sya sa gawi ko

Naramdaman nya siguro na may padating papunta sa kanya

Nung makalapit ako sa kanya nagsalita na agad ako

SkylarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon