Chapter 8

91 4 0
                                    

Nasa klase ako ngayon nakikinig lang ako sa teacher

Ang problema ehh may babaeng kanina pa na ngangalabit sakin

Edi sino pa si Anathasia Claire Gomez na sobrang kulit

Mamatay ata toh pag di ko pinapansin ehh

It's been 3 days nung sinimulan kong di pansinin si Claire

At tatlong araw nya na rin akong kinukulit

Sa umaga paagahan kami ng gising kung ako ang mauuna edi maganda di ko sya makikita

Pag naman sya ang una tinatry na parin ako samahan pero hindi ko sya masyado pinapansin

Pag nasa room naman panay kalabit at bato sya sakin ng papel

Ang pinaka malala pag break time iniinggit nya ako ng mga pag kain nya

Minsan panga nagpapanggap sya na parang nasa comercial sya ehh

Nagulat ako ng may biglang namatok sakin

Pag lingon ko sa likod nakita ko sya na umiwas ng tingin

Aba at nakukuha pa nyang ngumisi tinatakpan nya yung bibig nya ng kamay nya

Pero kahit nakatakip yun alam ko na abot tenga yung ngiti nya

Bumalik na lang ako sa pakikinig sa klase

"PUTANGINAAAA AAAARAAYYYYY!!!" napasigaw ako sa sakit ng bigla nya akong kurutin

"MISS LISCANO!!!!" tawag sakin ni Ma'am

"Sorry po Ma'am eto po kasi si Claire biglang nangungurot" sabi ko

"Miss Liscano and Miss Gomez lumabas kayo ng klase ko ngayon na" sabi pa ni Ma'am

Napakamot na lang ako ng tagiliran ng ulo ko

Lumabas na rin ako ng room naramdaman ko na sumunod sakin si Claire

Since bawal naman lumabas ng school at matagal pa yung next class namin naisipan ko muna na pumunta sa Library

"Papansinin mo na ba ako?" tanong nya sakin habang naglalakad kami

Di ko lang sya pinansin at binilisan ko pa ang lakad ko para di sya makaahabol

"Uyy teka lang hintayin moko" sabi nya habang palayo na ako ng palayo sa kanya

Bigla nya akong niyakap galing sa likod sinubukan kong kumawala aba dinaig pa nya ang linta sa sobrang pagkapit nya sakin

Naramdama ko naman na agad naginit yung mukha ko

Wala na akong choice nagpatuloy na lang ako maglakad habang sya nakayakap parin sakin

"Hehe talo ka noh" sabi nya aba tuwang tuwa ang babaita

Nungmakarating kami sa Library kumuha na lang ako ng ilang libro

Pumunta na lang ako sa isang sulok para dun umupo

Akala ko lulubayan nya na ako pero hanggang akala ko lang pala yun

Pag kaupo na pagkaupo ko umupo sya sa tabi ko tas pinalupot yung braso nya sa bewang

Guess what theres more sinandal nya yung baba nya sa balikat ko

Dinaldal nya ako ng dinaldal pero wala parin akong respond sa kanya ni isa

Di ko namamalayan lumipas na pala ang oras at malapit na mag start yung next class namin

Naramdaman ko na lumuwag yung kapit nya sakin kaya ginawa ko yung chance para makalaya sa kanya

SkylarOnde as histórias ganham vida. Descobre agora