Chapter 22

57 2 0
                                    

Nasa sala ako ngayon at hinihintay si mama at kuya na mag ready

Hindi na kami nagagahan kasi plano namin na mag brunch kasama sila Claire

"Oyy aalis na daw tayo" sabi ni kuya pagkadating nya sa sala

Tumayo na ako at kinuha yung phone ko

Nagsuot lang ako ng croptop na may simple design at shorts na hanggang above the knee yung haba

Di ko na masyado ginarbohan yung soot ko since sa kapit bahay lang naman kami pupunta

Ganun din si kuya nakasoot lang sya na simpleng pants at hoodie

On the other hand yung nanay namin akala mo pupunta sa 5 star restaurant

Nakasoot sya ng blouse at slacks na medyo loose sa babang part

"Ano ba yan anak ko ba talaga kayo ang papangit nyo pumorma" sabi ni mama at sinoot nya yung shades nya

"Ma sa kapit bahay lang tayo pupunta ehh bat ikaw para may bussiness meeting" sabu ni kuya

"Ehh bakit ba ikaw nga nag hoodie kahit maiinit ehh" sabi ni mama at lumabas na sya ng bahay

Sinundan naman namin sya ni kuya

Nilock ko na yung pintuan ng bahay at yung gate tsaka dumiretso kila Claire

Pagkapasok namin sa loob binati kami ng mga helpers nila Claire

"Nandun na po sila sa likod" sabi nung isa sakanila at pumunta na kami sa likod

Pagkarating sa likod nakita ko na may malaking bilog na table dun

Nakita ko si Claire na nagaayos ng mga pagkain sa table

"Looking good Sinthy" sabi ni tita at nakipagbeso kay mama

"Ikaw din pabata ng pabata yung itsura mo" sabi ni mama

"Mano po" sabay na pagkakasabi samin ni kuya at bag mano kami kay tito at tita

"Oh umupo na kayo dun may hinihintay na lang kaming order na puto" sabi ni tito

Lumapit na kami sa table at umupo na kami dun, umupo ako sa kaliwa ni mama at si kuya naman sa kanan

Napasin ko na papunta sa direksyon namin si Claire

Lumapit sya kay mama at nag mano

Lumapit sya sa tabing upuan ko at umupo dun

"Good morning" bati sakin ni Calire at kinuha yung kamay ko

"Good morning" sabi ko at nginitian ko sya

Napatingin ako sa soot nya na dress at mga alahas

Nakasoot lang sya ng simple light yellow dress kaya mas napansin mo yung pagkamorena nya

Nakasoot rin sy ng necklace na may white na diamond na desing sa gitna

Soot nya rin yun singsing na binigay sa kanya ng tatay nya nung nakaraang birthday nya

Napatingin naman ako sa mukha nya simple lang yung make up na nilagay nya

"May dumi ba mukha ko?" tanong bigla ni Claire

"Ahh hindi ganda mo lang kasi" sabi ko

Hinampas nya naman yung braso ko

"Ouch aray ang sakit" sabi ko at nagkukunwaring nasaktan

"Uyy di naman malakas pagkakahampas ko ahh" sabi nya

"Oo kaya kiss moko para di na masakit" sabi at sabay turo sa pasngi ko

SkylarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon