Chapter 16

101 4 0
                                    

Nagising ako kasi may naramdaman akong gumalaw sa tabi ko

Pagdilat ko ng mata ko nakita ko si Claire na nakayakap sakin

Ilang sagundo pa akong napatingin sa mukha nya

Napansin ko na may nalaglag na hibla ng buhok sa mukha nya

Hinawi ko yun at sinabit sa tenga nya nagulat ako nung bigla syang gumalaw

Dinilat nya yung mata nya sabay tingin sakin para bang alam nya na agad kung nasan ako

"Good morning" sabi nya sabay ngiti sakin

Ano bayan aga aga pinapakilig ako ng babaeng toh

Pag di toh tumigil pakakaksalan ko toh

"Good morning my princess" sabi ko sa kanya tas bigla syang nagpout

"Bakit may princess?" tanong nya, halatang ayaw nya na tinatawag ko sya nun

"Gusto ko lang. Bakit masama ba?" sabi ko

"Oo" sabi nya at inangat na nya yung sarili nya at umupo sa higaan

Nag inat sya ng katawan nya at umupo na rin a ko sa kama

"Pano pag tinawag parin kita na princess?" tanong ko sa kanya ata napatingin sya sakin

"Eto makukuha mo" sabi sabay hamapas ng unan sa mukha ko

Agad naman akong kumuha ng isa pang unan at hinapas ko rin sya

Ilang minuto pa kami dun nag hampasan

Nung bigla syang huminto para magpahinga agad ko sya kiniliti sa tagiliran

Gumati naman sya kaya napatumba ako sa higaan

"Tama na po boss talo na ako oh" sabi ko habang pinipigilan ko yung kamay nya

"Talo ka pala ehh Skylar Elise" sabi nya sabay dinilaan nya ako

Inangat ko naman yung sarili ko at inilapit ko yung mukha ko sa mukha nya

Napaatras naman sya sa ginawa ko pero agad ko syang niyakap at mas nilapit ko pa yung mukha ko

Napakagat ako sa ibabang part ng labi ko habang tinitignan ko yung labi nya

Tumingin ako sa mata nya at mas nilapit ko yung mukha ko

Lumayo ako sa kanya at binitawan ko yung pagkakayakap ko sa kanya

Napangisi ako at umalis na dun sa kama ko

Binalik ko yung tingin ko sa kanya, napansin ko na nagulat parin sya sa ginawa ko

"Talo ka pala ehh Anathasia Claire" sabi ko at mas lumaki pa yung ngisi ko

"Kaainis ka kamo" sabi nya sabay bato sakin ng unan

Umalis na kami dun sa loob ng kwarto at bumaba na sa kusina para kumain

Nakita namin si kuya na nakaupo na dun sa kusina

Habang kumakain kami biglang hinarap ni Claire yung sarili nya sa gilid nya

Agad naman syang sunod sunod na bumahing sabay singhot

Napaubo naman ako ng sunod sunod at bigla akong nakaramdam ng hilo

Napatingin kami parehas ni Claire kay mama nung tumayo sya

Lumapit nya samin at kinapa nya yung noo at leeg namin

"Ayy nako mainit kayong dalawa" sabi nya

"Sige maligo pa kayo sa ulan ahh" sabi ni mama habang papunta sa isa dun sa mga cabinet

SkylarWhere stories live. Discover now