Chapter 25

52 3 0
                                    

Nagising ako dahil nasilaw ako bigla sa liwanag ng araw

Nung dinilat ko yung mata ko nakita ko si Claire na nakatayo sa tapat ng bintana

"Good morning" sabi ni Claire napakuskos naman ako ng mata ko

Napansin ko na nakasoot sya ng puting sleeveless top at square shorts na blue

Kinuha ko kaagad yung phone ko at chineck yung oras at nakita ko na maaga pa pala

"Maaga pa bakit nandito ka na?" tanong ko sa kanya

"Bakit masama ba na pumunta ako dito?" tanong nya pabalik at tinaasan pa ako ng kilay

"Hindi po boss" sagot ko naman at bumangon na sa higaan ko

Lumapit ako sa kanya at umambang hahalikan ko sya sa pisngi

Pero agad sya umiwas sakin

"Magbrush ka muna ng ngipin mo"sabi nya at napasimangot naman ako

"Sige ganyan ka na pala ahh siguto di mo na talaga ako mahal" sabi ko

"Mag toothbtush ka na nga lang" sabi nya at tinulak ako papunta sa cr ko

Pumasok na ako sa loob para mag toothbrush at hilamos

Pagkatapos ay lumabas na ako ng cr ko at lumapit kay Claire

"Pwede na ba kumiss?" sabi ko at tumango naman sya

Agad kong nilapit yung mukha ko sa kanya at humalik sa pisngi nya

Niyaya ko na si Claire na bumaba sa kusina para kumain

Pagkababa nakita ko si Cloud na nanonood ng tv sa sala

"Ayos ng upo natin dyan bossing ahh" sabi ko kay Cloud at agad ko syang binuhat

Pumunta na kami sa kusina ay nakita namin dun si mama na naghahanda ng pag kain

"Oh kumain ka na kayong dalawa dito" sabi samin ni mama

Umupo na ako sa usual kong upuan at tumabi naman sakin si Claire

Nagsandok ako ng pagkain ko at nagsimula ng kumain

Habang kumakain ay sumampa si Cloud sa hita ko

Sinubuan ko sya ng maliliit na piraso ng ulam

Nung natapos kami kumain niligpit ko na yung pinagkainan namin

Tunulungan rin ako ni Claire sa paghahakot ng mga pinggan

Pagkatpos ay umakyat na ako sa kwarto ko para mag palit ng damit

Pinaghintay ko muna si Claire sa sala namin kasama si Cloud

Nagsoot lang ako ng puting oversized shirt at faded jeans

Pinonytail ko lang yung  buhok ko at nagsoot ng cap

Dinala ko lang yung phone at wallet ko since di naman kami pupunta sa malayo

Pumunta na ako sa baba at nakita ko si Claire na nanonood ng cartoons habang si Cloud ay nakakandong sa kanya

Pasimple kong silang pinicturan agad ko rin tinago yung phone ko kasi napatingin si Claire sakin

Lumapit ako sa kanya at niyaya ko na syang lumabas

Nagpaalam muna kami kay mama bago lumabas ng bahay

Pagdating sa gate naghintay kami ng trycicle

Nung nakakita kami ng isang padaan agad namin pinara yun at sumakay kami

Sinabi namin sa trycicle driver na huminto sa tapat nung park

Pagkababa nag bayad kami ni Claire dun sa driver at pumunta na kami sa loob ng park

SkylarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon