Chapter 6

91 5 0
                                    

Nagising ako sa ingay na alarm clock ko pinilit kong bumangon kahit hirap ako

Puyat na puyat ako kakaisip dun sa kagagahang ginawa ko kahapon

Bakit ko kasi ginawa yun mamaya kung ano isipin ni Claire ehh

Dumiretso na lang ako sa cr ko para mag hilamos ng mukha

Bumaba na ako sa kusina namin para kumain

"Oh bat puyat ka ata" sabi ni amma ng mapansin nyang wala akong gana kumain

"Ma panigurado na puyat yan dahil sa jowa nya" sabi ni kuya

"Wala pa akong jowa manliligaw nga wala ehh" sabi ko naman

"Ehh bat mukha ka atang puyat?" tanong ni mama

"Medyo madami po kasing school works ngayon" palusot koat napatangon si mama

Agad kong unubos yung pagkain ko at baka kung ano pa matanong ni kuya

Maiissue panaman yung lokong yon

Umakyat na ako sa kwarto ko para maligo

Pagbaba ko napansin kong di naghihintay si Claire sa sala

Mas maganda na rin yun baka di ko rin alam gagawin ko kung magkasama kami pupuntang school

Agad na akong naglakad papuntang school at baka malate pa ako

Pagdating sa gate nakita kong kasama ni Claire si Lucas at Ace

Di ko na lang sila pinanasin pumunta muna ako sa library para ibalik yung librong hineram ko last week

Pagdating ko dun sa library dumuretso agad ako sa librarian para ibalik yung libro

Pagtapos nun mabilisan na akong pumunta sa room para di ako malate sa klase

Pagkapasok ko sa room napansin kong lumingon si Claire sa gawi ko

Makausapin nya sana ako kaso nag dalawang isip sya

Umupo na lang ako sa upuan ko dahil nakita kong dumating na ang teacher namin

Nagstart na ang klase pinilit ko na lang makinig kahit lutang parin ako kasi puyat ako

Pagdating ng break time napansin kong agad biglang tumayo si Claire

Napansin ko naman na di tumayo si Lucas baka sabay sila ni Ace kumain ngayon

Binuksan ko yung bag ko para kunin yung lunch

Hanap ako ng hanap pero wala sa bag ko

Pota naiwan ko ata sa bahay napasapo na lang ako sa noo ko

Naisipan ko na lang na bumili ng lunch ko

Pumunta na lang ako sa canteen para bumili ng carbonara

Pabalik na ako sa room ng makita ko na magkasama si Claire at Ace

Biglang sumikip yung pakiramdam ng dibdib ko

Agad na lang akong pumasok sa room baka pagod lang yun

Umupo na lang ako sa upuan at dun ko kinain yung pagkain ko

Pag tapos ko kumain tinapon ko na lang yun sa basurahan sa room namin

Napalingon ako sa pintuan ng room namin kasi may biglang pumasok

Si Claire lang pala hinatid sya ni Ace

Eto nanaman yung masikip na pakiramdam sa dibdib ko

Hindi ko ulit yun pinansin baka mawawal rin naman yun

SkylarWhere stories live. Discover now