Chapter 18

74 2 0
                                    

Nagising ako bigla dahil sa ingay ng alarm ko

Pinatay ko kaagad yun at bumangon na sa higaan ko

Naginat muna ako ng unti at dumiretso na ako sa cr ko para maghilamos

Pagkababa ko nakita ko si mama at si kuya na kumakain

"Good Morning" bati ko sakanilang dalawa at umupo na ako sa usual na upuan ko

Nagsandok ako ng pagkain ko at nagsimula ng kumain

"Bibisita daw dito si tita Victoria nyo" sabi ni mama

Medyo nagulat naman ako dahil sa balita na yun

Si tita Victoria ay bestfriend ni mama at ng nanay ni Claire

Sa pag kakaalam ko may isa pa silang kaibigan pero nawala na lang daw bigla

Single si tita Vistoria kasi sabi nya daw sagabal lang sa buhay yung maganak at mga lalaki

Super model si tita sa paris yun din dahilan kung bakit sobrang yaman nya

Para bang sa sobrang yaman nya kaya nya bilhin yung malls na pinupuntahan namin pag uuwi sya dito sa pinas

Gustong gusto rin namin si tita kasi simula pagkabata sinospoil nya na kaming tatlo ni kuya at Claire

Para ba syang single rich ninang mo na lagi kang isospoil pag magkasama kayo

Sobrang bait nya rin samin parang sariling anak nya yung tingin nya samin

"Kailan daw po sya bibisita?" tanong ni kuya kay mama

"Baka next month kasi may inaasikaso sya na lupa sa Cavite" sabi ni mama

"Ahh so mahaba po pala yung bakasyon nya" sabi ko

"Ahh oo nastress daw sya lately kasi sunod sunod yung mga pinupuntahan nyang event" sabi ni mama

Napatango na lang kami ni kuya sa sinabi ni mama

Tinapos ko na yung pag kain ko at umakyat na ako sa kwarto ko para maligo

Pagkalabas ko ng cr isinakbit ko na yung bag ko at lumabas na ng bahay

Agad akong pumunta sa tapat ng gate nila Claire para sunduin sya

Pag kadoorbell ko sa ay bumungat sakin si Claire

Napangiti pa ako nung nakita ko sya pero pagkatingin ko sa dibdib nya nakita ko si Cloud na nakasabit na parang unggoy

"Anyare?" tanong ko kay Claire

"Ayaw nya bumitaw ehh" sabi ni Claire

Kinuha ko naman si Cloud at agad naman syang bumitaw kay Claire

Kaso nung ilalapag ko na sya agad syang kumapit sakin

"Hala pano na toh?" sabi ko habang sinusubukan parin na tanggalin si Cloud

"Dalhin kaya natin sya sa school wala naman may allergy sa pusa sa mga kaklase natin diba" sabi ni Claire

"Oo pero baka mahuli tayo tsaka san natin sya itatago" sabi ko

"Wait lang babalik rin ako" sabi ni Claire at bumalik sa loob ng bahay nila

Ilang minuto yung lumipas at lumabas din si Claire at may daladala syang paper bag

Kinuha nya sakin si Cloud at kumuha sya ng maliit na diaper at kinabit kay Cloud

"Oh tapos ano na?" ta ong ko

Nilagay naman nya si Cloud doon sa loob ng paper bag

Mukha naman syang okay dun since malaki yung paper bag at maliit naman si Claoud

SkylarOù les histoires vivent. Découvrez maintenant