Chapter 13

82 4 0
                                    

Isang linggo na kaming away bati ni Claire hindi ko naman talaga ginusto toh ehh

Bakit ba ang hirap hirap mawalan ng feelings para sa isang tao

Hindi ba pwedeng papatayin ko na lang yung nararamdaman ko para di ko na kailangan gawin toh

Nakaupo ako ngayon sa classroom namin maaga akong umalis ngayong araw dahil umiiwas parin ako kay Claire

Napansin ko na may pumasok sa classroom namin kaya agad akong napatingin

Nakita kong kasama ni Calire si Lucas na daladala yung gamit nya

Nung palapit na sya sa upuan nya napansin ko na medyo namamaga yung mata nya

Halatang umiyak kasi medyo namumula yung mata nya

Dimuretso na sya sa upuan nya at nilapag naman ni Lucas yung gamit nya

Napalingon ako sa gawi nya nakita ko na tinatakpan yung mukha nya habang nagbabasa ng libro

Ayaw nya siguro na may makapansin na mukha syang umiyak

Napatingin sya sa gawi ko at nag eye contact kami

Agad sya umiwas ng tingin sakin at bumalik sa pagbabasa

Bumalik na lang yung tingin ko sa harap at inayos yung upo ko

Di katagalan dumating na yung teacher namin at nag start na yung klase

Habang nasa kalagitnaan ng klase napapalingon ako sa gawi ni Claire

Hindi ko talaga maiwasan na magalala para bang may bumabagabag sa dibdib ko

Teka dahil ba yun sakin? Nasasaktan ko na ba sya?

Malamang Sky ikaw ba naman hindi pansinin ng kaibigan mo tas sasabihin nila wala lang diba mababagabag ka

Hindi ako makapag focus ng ayos sa mga klase namin dahil sa sobrang pagalala kay Claire

Karma ko ba toh sabagay deserve ko naman toh

Tanga tanga kasi ako nahulog pa ako sa taong alam kong wala akong pag asa

Pagkatapos ng ilang klase nagring na yung school bell hudyat na break time na

Agad akong tumayo para kamustahin si Claire dahil panay iwas sya sakin kanina

Nung nakapunta ako sa harap ng upuan nya agad ko syang pinigilan nung mapansin ko na aalis sya

"Claire pwede ba tayo mag usap?" tanong ko sa kanya

"No sorry" sagot nya at umalis na ng Classroom

No sorry? Anong sagot yun pero sabagay kasalan ko toh

Bumalik na lang ako sa upuan ko at nilabas ko na yung lunch ko para kumain

Nung matapos ako ibinalik ko yun sa bag ko

Kinuha ako ng libro para basahin since may quiz kami mamaya sa isa sa mga subjects namin

Nung napansin ko na may paparating sa classroom namin agad akong napatingin sa pinto

Nakita ko si Claire at Lucas na naguusap habang papasok ng classroom

Nagkatinginan kami ni Claire pero agad syang umiwas

Bumalik na lang ako sa pagbabasa ko

Naramdaman ko na dumaan sya sa tabi ko

Nung natapos na ako magbasa binalik ko na yung libro ko sa bag

Pasimple rin akong tumingin kay Claire

Nakatingin lang sya sa labas ng bintana

Umayos na lang ako ng upo at ibinalik ko yung tingin ko sa harap

SkylarWhere stories live. Discover now