Chapter 4

126 4 0
                                    

"Sky anak nandito si Claire sa baba" sabi ni mama galing sa baba

Nagising ako dahil sa sigaw ni mama

Wait nandito si Claire wala naman syang sinabi na pupunta sya dito

Pano ko naman sya haharapin

Di ko naman sya pwede paalisin baka isipin nya na galit ako sa kanya

Naisipin ko na lang na harapin sya at itry yung best ko na di mailang

Agad na akong bumangon at nag puntang cr para maghilamos

Pagkababa ko agad kong nakita si Claire na nakaupo dun sa sofa

"Nak kain muna kayo ni Claire" sabi samin ni mama

"Nako mommy Sinthy wag na po nakakain na po ako sa bahay" sabi ni Claire

"Ano ka bang bata ka sige na kahit onti lang" pangungulit pa ni mama

Wala ng nagawa si Claire kasi alam nya di sya titigilan ni mama

"Bat napabisita ka ata ngayon wala ba kayong lakad ni Lucas?" tanong ko kay Claire

"Ahh wala naman may family outing kasi sila ngayon" sagot nya

"Ikaw ahh saka ka lang makikipag bonding sakin pag di pwede si Lucas" sabi ng pabiro

"Uyy di ahh bumawi lang ako kay Lucas kasi nga nung bakasyon unting time ko lang sya nakasama" sabi nya

"Ahhh okay" sabi ko

"Nagtatampo ka ba?" tanong nya

"Hindi ahh sino ba naman ako best friend mo lang naman ako, ako lang naman si Skylar Elise Liscano" sabi ko pa ng pabiro

"Sorry na kasi" sabi nya at nag pout pa ng labi na parang nagpapacute

"Oo na pinapatawad na kita mahal na prinsesa" sabi ko pa sabay tawa

Tinapos na namin yung kinakain namin

Lumipat na kami sa kwarto ko para dun kami tumambay

Naglaro lang kami ng mga favourite naming online games since yun naman usual naming ginagawa since nung bata pa kami

Nung manawa na kami sa kakalaro nanood naman kami ng mga kdrama at animes

Sa kalagitnaan ng panonood namin biglang nag salita si Claire

"Gutom na ako" sabi nya

"Dito ka na kumain mamayang hapon ka na umuwi wala namang masyadong school works diba" sabi ko

"Okay" sabi nya at tumayo na kami dun at nagligpit ng mga gamit

Pagtapos nun bumaba na kami para magtanghalian

"Ma ano ulam?" tanong ko kay mama ng makapunta kaming kusina

"Sinigang na bangus" sagot ni mama

"Dito na daw kakain si Claire ng tanghalian" sabi ko kay mama

"Sige sabihan mo si kuya mo pag akyat mo sya kamo maghugas ng plato" sabi ni mama

"Opo" sabi ko lay mama

Umupo na kami ni Claire at kumain

"Sky punta tayo mamaya sa bagong bukas na milk tea shop malapit sa 7 11 libre ko" sabi nya

"Geh ba dat may libre din na fishball yun ahh" sabi ko

"Sige na nga since promise ko na babawi ako sayo" sabi nya

Napangisi ako kasi makakaburaot nanaman ako

Nangmakatapos kaming kumain umakyat na kami sa taas

Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni kuya

SkylarWhere stories live. Discover now