Timeless II: 16 Part 02

1.2K 90 13
                                    

Kit’s Point Of View

“Yuki? Nasaan na ang Daddy mo?” nagtatakang tanong ko kay Kiru na ngayon ay inaayos ang mga upuan. “Ako na riyan. Umupo ka na lang muna.”

Ngumiti siya saka umupo at sinulyapan ang ibang bata na masasayang kasama ang mga magulang habang kumakain. “May pinuntahan po si Dad. Importante po ’yon.”

Inis ang sumibol sa puso ko. Importante? Mas importante pa ba ’yon sa Family Day ng anak niya?

Ang inis ay napalitan ng lungkot nang maalala kong wala ring kasama si Kiru ngayon. Bakit ba kasi magkasabay? Mabuti na lang at natawagan ko na si Paul. At sana ay matapos na ’to para makapunta pa ako kahit papaano.

Hindi ko namalayan na kanina pa pala siya nag-iisa. Naging busy kasi nang magsimula ang program at ngayon ko pa lang napansin nang nagsikain na ang lahat.

“Yuki, hindi ka pa kumakain, ’di ba?” Tumingin siya sa akin saka umiling.

Hinawakan ko ang kamay niya at tumungo kami sa lamesa kung saan nakalagay ang mga pagkain. Sabay kaming kumain. Marami rin kaming napag-usapan ngunit lahat ng iyon ay tungkol lang kay Yuki. Kung ano ang gusto niyang pagkain, movies, at iba pa. Hindi ko magawang magtanong tungkol sa mga magulang niya.

Ilang oras ang lumipas nang matapos ang program. Napabuntong hininga na lang ako nang matapos kong ligpitin lahat ng kalat at handa ng pumunta sa paaralan ni Kiru.

“Yuki?”

Nilingon niya ako. “Po?”

Ngumiti ako sa kaniya. Tutal siya lang naman mag-isa rito, isasama ko na lang siya.

“Gusto mo bang sumama sa akin sa paaralan ni Kiru?” Mabilis siyang napatayo at tumango.

Dahil hindi na ako makapaghintay na makita ang anak ko ay agad kaming nakarating. Agad kong hinanap ang pwesto ng section niya habang hawak-hawak ko si Yuki.

Nakita kong may isang batang tumatakbo papunta sa akin habang may laso pa sa ulo nito.

“Kiru! I’m so sorry,” hingi ng tawad ko sa anak kong pinapawisan pa. Agad kong kinuha ang panyo sa bag na dala saka mabilis siyang pinunasan.

He looks happy.

“Ok lang po, Mom. Dumating po si Dad,” nakangiting sagot niya saka tumingin ng gulat sa kasam ko. “Y-Yuki?”

Dad?

“Hi?”

Yumuko si Kiru. “I-I am so sorry. I didn’t think that—”

“You don’t have to apologize, Kiru. I’m happy that you’re happy.” Niyakap ni Yuki si Kiru.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin o sasabihin man lang.

Ito ba ang sinasabi ni Yuki na importante? Hindi ’to kailangan gawin ni Rui.

“Hey, Yuki! Kulang kami ng dalawa, sali kayo!” sigaw ni Rui na ngayon ay naliligo na sa sariling pawis habang nakangiti nang malapad.

“Sure! Tara, Kiru?” Nagdadalawang isip pa si Kiru pero kalaunan ay nagpatangay na kay Yuki.

Napangiti ako pero napangiwi rin nang hinigit din ako ni Rui.

“Let’s go, Kit!”

Maraming sinasabi ang host pero hindi ko na rin ito naintindihan.

“So, ang game natin ngayon ay paint me a picture!” sigaw ng host. “Okay. Ready?” Halos sabay-sabay silang tumango kaya ngumiti na ang host. “The two children will be pinching each other’s cheeks with their parents flirting—I mean smiling at each other at the back!”

Timeless [MPREG]✓Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα