Timeless II: 01

1.4K 97 9
                                    

Rui's POV

"Daddy!"

Agad akong napatakip sa mga tainga ko gamit ang unan na nasa gilid nang marinig ko ang matinis at nakakarinding boses ni Yuki. Halos araw-araw ay ganito ang gumigising sa akin kaya sanay na sanay na ako. Kahit anong saway ko sa kaniya ay ginagawa pa rin niya.

Naramdaman ko ang pagbaba ng gilid ng kama, at ang mabilis na pagtakbo niya papunta sa gawi ko saka inupuan ang tiyan ko kaya pinandilatan ko siya dahilan para mapanguso ang cute niyang bibig.

"Daddy, gusto kong ikaw ang maghatid sa akin ngayon, huwag ka ng maligo dahil ma-le-late na ako." Niyugyog ni Yuki magkabilang braso ko saka pinisil ang pisngi ko kaya agad akong napatayo sa kirot.

"Let's go!" masayang usal ni Yuki saka tumatkabong lumabas sa kuwarto namin. Wala na akong nagawa at tumayo na lang saka tumungo sa banyo upang manghilamos at magsipilyo.

Ilang  minuto ang lumipas at tinatahak na namin ang daan papunta sa paaralan niya, ang Caste Kindergarten.

"Huwag na huwag kang magpapasaway roon," paalala ko sa kaniya at narinig ko siyang umirap kaya sinulyapan ko siya saglit saka ibinalik sa daan ang paningin. "Anong klaseng sagot 'yan?"

"Hindi ka naman nagtatanong, Daddy, wala akong dapat sagutin," mahinang sabi ni Yuki ngunit rinig na rinig ko ito kaya agad kong inihinto ang kotse sa gate saka inis siyang tiningnan.

Buti na lang at nandito na kami.

"Watch your mouth, kid," malamig na wika ko at nakita ko namang napayuko at ang mukha niya ay parang iiyak na. Dahan-dahan naman siyang bumaba habang tahimik pa ring nakayuko.

Damn this brat!

Kinapa ko ang bulsa ko saka kinuha ang isang lollipop. Ibinaba ko ang salamin ng kotse at tinawag siya. Agad siyang napahinto pero hindi pa rin tumitingin sa akin.

"You don't want a lollipop?" Napangisi ako nang makitang lumiwanag ang mukha niya saka dali-daling bumalik at inilahad ang kamay niya.

I really need to buy lots of lollipops.

"Here." Inilagay ko sa kamay niya ang lollipop. "Magpakabait ka, susundiin ka ni Waks mamaya."

Agad siyang tumango at lumakad na. Sinundan ko naman siya ng tingin papasok sa gate pero napakunot ang noo ko nang makita ko ang principal ng paaralan na may kausap na isang lalaki. Nakatalikod silang dalawa sa gawi ko kaya hindi ko makita ang lalaki.

A new teacher?

"Ano ba ang pakialam ko?" iritang tanong ko sa sarili ko saka pinaandar na ang kotse.

Kit's POV

Nakangiti ako ngayon habang nakaharap sa isang paaralan. Ngayon ang unang araw ko na magiging ganap na guro kaya hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko.

Nakamit na ko, nakamit na ko ang matagal kong pinapangarap pero napahahawak na lang ako sa dibdib ko nang kumirot ito...

... may kulang pa rin.

Mahigit anim na taon na ang lumipas ngunit hindi ko maitatanggi na hindi ko pa rin siya nakakalimutan. Ang lalaking tinanggap ako ng buong-buo pero binitiwan pa rin ako.

Napangiti ako nang mapakla.

Kalimutan mo na 'yon, Kit. Mahigit anim na taon na 'yon. Marami ng nagbago.

Kahit anong gawin ko ang hindi ko pa rin siya makalimutan, naiinis na ako sa sarili ko.

Bakit ba lagi ko na lang siyang iniisip?!

"Let's go."

Napabalik ako sa huwisyo nang ayain ako ng principal ng paaralan na pumasok na.

Naglakad na kami papasok, hindi ko maiwasang hindi ngumiti nang malapad, ang daming bata. Ito talaga ang pangarap ko, ang magturo ng mga bata kaya kahit na maraming pagsubok na dumating sa akin sa mga nakaraang taon ay lumaban pa rin ako.

At heto ako, naglalakad patungo sa isang silid na puno ng mga bata na tuturuan ko simula ngayon.

Panibagong buhay ko na naman ito!

_________________________________________

Wah! Finally! Sa sobrang tagal may pumasok na sa isip ko! Pasensiya na kung natagalan at maikli lang ito. Sana magustuhan niyo!<3
-Fujoshi Ami

Timeless [MPREG]✓Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora