Timeless I: 03

2.2K 161 5
                                    

Kit’s Point Of View

ISANG LINGGO na ang nakakalipas simula nung sinigaw ni Rui sa mukha ko ang tatlong salita, I hate you.

Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil hindi ko alam kung bakit niya ako kinaiinisan. Dahil ba sa pangungulit ko sa kaniya? Kahit na sinigawan niya ako ay hindi ko pa rin siya tinitigilan sa pangungulit. Hinding-hindi ko siya titigilan hanggat hindi niya ako magiging kaibigan.

“Rui! Sabay tayong kumain ng tanghalian!” masayang sigaw ko habang kinakaway ang dalawang lunch box na hawak ko sa kaniya pero kinunutan niya lang ako ng noo.

“You’re too loud!” reklamong sabi niya na nakapagpangiti sa akin dahil sumasagot na ito sa akin ng hindi malamig ang pagkakabigkas.

Ang laki ng improvement ko!

Inilapag ko naman ang lunch boxes sa armchair niya. Wala akong pakialam sa mga estudyanteng nakasubaybay sa amin. Kalat na sa paaralan na lagi kong kinukulit ang anak ng isang mafia at hindi ko alam na big deal ’yon para sa kanila.

Handa kong harapin si kamatayan basta maging kaibigan ko si Rui!

Ang misyon ko, ang kaibiganin si Rui pero mas mahirap pa sa isang sinulid na ipapasok sa karayom!

“Sinabihan na kita, hindi ako kumakain ng mga pagkaing nasa labas.” Iyan ang lagi niyang rason kung bakit ayaw niyang kumain sa mga pagkaing dinadala ko para sa kaniya except kapag snacks dahil kinakain niya ito pero kapag luto, ayaw niyang kainin!

“Pero—”

Narinig ko naman ang malakas na buntong-hininga niya saka matalim na tumingin sa akin kaya agad akong napatayo at walang nagawa kundi ang kunin ang mga lunch box na dinala ko at lumabas na ng room.

Ano bang masama sa fried rice? Pasalamat siya at ako ang nagluto. Hindi ko naman nilagyan ng lason saka malinis kaya ’to!

Napabuntong-hininga na lang ako. Ambigat sa pakiramdam na ayaw man lang niyang tingman kahit isang beses lang, nakayuko akong naglalakad sa corridor. Mas masakit pa ang pag-re-reject sa niluto kaysa ang bumagsak sa isang subject!

“Kit, bakit dalawa ang lunch box na dala mo?” Agad naman ang napaangat ng tingin at nakita ko ang nakangiting mukha ni Haze. “Saka, anong nangyari sa noo mo? Mukha ka ng matanda dahil sa pagkakunot nito,” natatawang sabi niya kaya ibinigay ko sa kaniya ang isang lunch box.

“Kainin mo ’yan,” matamlay na sabi ko at agad naman niya akong niyakap.

“The best ka talaga, Kit! Ikaw ang pinakagwapong kaibigan ko!” masayang sabi niya saka binuksan ang lunch box na nagpalaki sa mga mata niya. “Fired rice!”

Napatawa naman ako. “Fried!” pag-co-correct ko pero ngumiwi lang siya. “Kailangan mo bang i-fired ang rice? You’re fired, rice!” natatawang sabi ko.

“Tao lang po ako, nagkakamali rin minsan pero kadalasan maganda,” nakangiting sabi niya sabay tingin sa lunch box. “Makaka-save ako ng pera. Salamat!”

Sana ganyan din si Rui, ngumingiti at nagpapasalamat.

Pero iyong ugali ni Rui ay yelo!

Rui’s Point Of View

Nakaupo lang ako ng tahimik sa upuan ko at hinihintay ang pagkaing ihahatid sa akin. It’s a rule not to eat someone’s food.

“Binigyan ka na naman ng lunch box?” sigaw ni Trio, isa sa mga kaklase ko.

“Sinabi ko na sa iyo, hindi para sa akin ’yon!” sagot pabalik ni Astro.

Napangiwi na lang ako. Nabalitaan ko kasing sila na, lalaki at lalaki. Hindi ko maintindihan kung paano at bakit naging sila pero wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ay katahimikan pero mali ako, araw-araw nagseselos si Trio.

Kung gusto nilang mag-away, pumunta sila sa labas!

Simula nang lumabas si Kit dala-dala ang mga lunch box ay nagsimula na ring umingay itong dalawa. Nagpapasalamat nga ako at nawala si Kit, nandito naman ang dalawa at patuloy na nagsasagutan dahil sa lunch box.

“At kung may magbibigay sa akin ng lunch box, I will accept it. Nag-effort ’yong nagbigay!”

Nagulat naman ako sa malakas na sigaw ni Astro na tumama sa kaluluwa ko pero wala akong magagawa dahil batas ’yon na sinusunod ko. Hindi naman ako nagpagawa kay Kit ng tanghalian kaya okay lang ’yon.

“Kung gusto mo ng pagkain, sabihan mo na lang ako para maipagluto kita,” sigaw din pabalik ni Trio.

Umiling si Astro. “Noong pinagluto mo ako ay halos dalhin mo na ako sa ospital dahil sa pagkakaluto mo.”

Seriously? Nagbabangayan sila sa loob!
I sighed. I want to taste his food but it’s a rule! Rule is rule! I can’t break it.

It’s been one week since he clungs at sticks to me. Noong una ay naiirita ako pero ngayon, I’m used to it.

Damn! This is bad! Napakagat-labi na lang ako.

I want to eat what’s on that fucking lunch box!

Tumayo na ako at agad na naglakad ng nakayuko, alam ko kasing walang magtangkang banggain ako.

They say that I’m lucky, but they didn’t know the truth behind the word lucky. I don't want to be lucky, I just want to make some friends but no one dares to approach me except him...

... Kit Perez.

Wala naman sigurong masama kung magiging kaibigan ko ang madaldal na si Kit.

Napasilip naman ako sa baba ng hagdanan nang may narinig akong nagtatawanan at nakita ko si Kit na ngayon ay tumatawa sa kaharap niyang babae na ngayon ay may hawak na lunch box.

So, binigay na niya sa iba?

I don’t want to watch that lovey-dovey scene. That fucking bastard, Kit!

Umasa ako sa wala.

Timeless [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon