TIMELESS II: 20

1.1K 75 4
                                    

Kit’s Point Of View

“Hindi rin ako magpapakasal kapag ganyan ang plano n’yo,” rinig ko ring tutol ni Rui.

Nakayuko pa rin ako ngayon habang nakatingin sa kamay kong mahigpit na hinawakan ni Rui. Pinisil niya ito kaya napaangat ang mukha ko sa kaniya.

“I love you.”

I smiled when I read his lips.

“Anong mali sa plano ko?”

Napatingin agad ako sa ama ni Rui. Hindi ko alam kung tama ba ang pagtutol ko. Paano kung bawiin niya? Paano kung tututol na naman siya?

“Sa mga dadalo pa lang ay mali ka na.” Rui crossed his arms on his broad chest. “Hindi ito isang business party o kahit anong related sa business. So, please don’t keep your brain running like a business man.”

Ramdam ko ang inis sa bawat bigkas na ginagawa ni Rui kaya nang makita kong bubuksan na naman niya ang bibig niya’y hinigit ko na ang braso niya. “Rui, ano ka ba naman.”

His expression became soft that made me smile. Napatingin ako sa ama ni Rui na ngayon ay nag-aalalang nakatingin na sa akin. “I am sorry, Kit. I didn’t know that it will be uncomfortable to you—”

“Hindi lang sa kaniya kundi pati na rin sa akin,” pang-aagaw ni Rui kaya napatawa na lang ang mga magulang ko pati na rin sila Kuya Rein.

“Yeah,” balewalang saad ng ama niya saka bumaling na naman sa akin. Nakangiti na siya ngayon. “So, you don’t mind to celebrate your wedding in my island as long as the only visitors are those important to you?”

“Of course.” Bago pa ako makasagot ay inunahan na ako ni Rui.

“Hindi ikaw ang tinatanong ko,” inis na saway nito saka tumingin na naman sa akin. “Kit.”

Para silang mga bata.

Ngumiti na lang ako. “Wala rin pong problema sa akin.”

“Then it’s settled. Next week na ang kasal n’yo.”

“M-Masyado naman yatang biglaan? Hindi ba pwedeng sina Kuya Rein at Waks na lang ang mauuna?” Tinuro ko pa silang dalawa na tahimik lang pero agad na napailing si Waks nang paulit-ulit.

“No. Tayo ang unang magpapakasal sa kanila,” reklamo naman ni Rui sa akin kaya nag-aalinlangan akong ngumiti.

Hindi pa handa ang puso kong magpakasal nang biglaan.

“Kagaya ng sinabi ni Kit, kami ang mauuna,” nakangising pangungutya ni Kuya Rein kay Rui.

“No—”

“Rui.”

“Fine,” sabay nilang usal ni Kuya Rein. “Kayo na ang mauuna.”

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Ang mga palitan ng tingin nilang dalawa ay halos magdala na ng apoy.

“Sabay na lang kaya kayo?” suhestiyon ng ama nila.

Mabilis na umiling ang tatay ko. “Hindi ako sasang-ayon diyan. Hindi pwede ang magsabay.”

Hindi talaga.

“Their wedding will be held first. We’ll follow after a month,” huling saad ni Rui saka ngumiti na.

“So, kailan ang kasal n’yo? Next month?” Tanong ng ama ni Rui.

Mabilis na namula ang mukha ni Waks. “M-Masyado namang maaga—”

“Here.” May inilapag na envelope si Kuya Rein sa lamesa saka malawak na ngumiti. “Next week.”

“What?!” sigaw ni Waks saka tumingin sa ama ni Rui. “D-Dad—”

“Then it’s settled!” masayang saad nito kaya sabay na pumalakpak sina Yuki at Kiru.

Mahina akong napatawa. Nakalimutan kong nandito pa pala sila.

Wala ng nagawa si Waks kaya nahihiya na lang itong tumango. Masaya kaming nagkukwentuhan hanggang sa napagdesisyunan na naming umuwi. Una kaming nakalabas ni Waks sa restaurant habang ang iba ay nakasunod sa amin sa hindi rin naman kalayuan na distansya.

“Congrats ulit, Waks,” bati na wika ko sa kaniya habang nakangiti pero napawi ito nang magsimulang manubig ang mga mata niya.

Wait... Ano ang gagawin ko?

Nabigla ako nang mahigpit niya akong niyakap. Ilang segundo rin bago ako yumakap pabalik. I just patted his back softly. Ilang minuto rin ang tumagal ng paghikbi niya at nanatili siyang nakayakap sa akin. Hindi ko rin magawang bumitiw dahil komportable ako. Too comfortable. Kahit na hindi kami close.

“Kit, alagaan mo si Rui. Parang kapatid ko na rin ’yon. Congrats sa inyo. Nakasubaybay ako sa istorya n’yo.”

Uminit bigla ang ilalim ng mga mata ko sa binulong niya. Mahigpit ko siyang niyakap.

“I will. Thank you.”

“Iyakin ka rin pala?” bulong niya na nakapagpangiwi sa akin.

“Nagsalita ang hindi.”

I heard his soft laugh before letting me go. He smiled at me once again. “I’m happy for the both of you.”

“Parang nangangamoy pangangaliwa ah?”

Sabay kaming napalingon ni Waks at kitang-kita namin sina Rui at Kuya Rein na ngayon ay nakakunot ang mga noo.

Magkapatid talaga.

Mabilis akong inakbayan ni Waks. “Well, he’s cute and lovely. Mind sharing him?” Halos manginig ang katawan ko sa pagkakasabi ni Waks. Nang-aakit siya!

Inis akong hinigit ni Rui saka hilakan ako bigla kaya agad akong napaatras. Nahihiya akong tumingin kina Waks. Itong si Rui talaga, hindi inaalala ang paligid.

He suddenly grabbed my waist and I felt his lips on my hair. “He’s mine.”

Timeless [MPREG]✓Where stories live. Discover now