TIMELESS II: 18

1.2K 69 2
                                    

Kit’s Point Of View

Isang araw na ang lumipas matapos pumunta ang ama ni Rui sa bahay niya at hanggang ngayon ay nandito pa rin kami ni Kiru. Nagdala lang ako ng kaonting damit. Hindi natuloy ang marriage interview dahil bukas na ito gaganapin.

Nakahiga lang ako sa kama ni Rui habang nakalutang ang utak ko at hindi alam kung ano ang iisipin. Hapon na at hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi ang dalawang bata galing sa paglalaro kasama si Waks, ang kaibigan ni Rui.

“Live with us. Both of you.”

Napatayo ako galing sa pagkakahiga st nangangambang nakatingin kay Rui na ngayon ay nakatingin na rin sa akin pagkatapos isarado ang librong binabasa.

Ngumiti siya saka inayos ang salamin na suot. “Don’t worry, hindi ko hahayaang magkalayo ulit tayo.”

“Hindi naman ’yon ang inaalala ko. Paano kung itakwil ka ng iyong ama?” Humina ang boses ko at napayuko na lang saka mahigpit na napahawak sa unan na nasa lap ko. Alam kong hindi madali ang itakwil dahil naranasan ko na ’yon at ayoko kong maranasan ni Rui ’yon.

Kung pwede lang kausapin nang maayos ang ama niya, kinausap ko na pero... Napahawak ako bigla sa dibdib ko nang kumirot ito. Natatakot ako sa posibleng mangyari.

“Ayaw mo ba sa taong itinakwil ng magulang?” natatawang biro niya pero ni-ngiwi ay hindi ko magawang gawin kaya napahinto siya at sumeryoso na ulit.

Tumayo siya saka niyakap ako nang mahigpit. Napapapikit na lang ako sa nakakagaang amoy ni Rui. “Huwag mong alalahanin ang relasyon naming mag-ama.”

Ayoko namang maging dahilan para itakwil siya. Kung maaari ay gagawin ko ang lahat para matanggap niya kami.

Ilang minuto rin kaming nagyakapan ngunit agad akong napalayo nang dilian ni Rui ang leeg ko. Ramdam ko ang mukha kong nag-aapoy habang nakahawak sa leeg kong dinilaan niya. Inis ko siyang tiningnan pero isang ngisi ang isinukli niya.

He grinned then he remove his glasses before putting it in the table. “You’re really sensitive.”

“E-Ewan ko sa ’yo!” Inis kong tinapon ang unan sa kaniya pero agad niya rin itong sinalo.

Lumapit siya sa akin saka ngumiti. “I’m just telling the truth.” Ang tingin niyang mula sa mga mata ko ay nahulog papunta sa labi ko kaya agad akong napaiwas.

Too awkward.

“Can I... kiss you?”

Unti-unti akong lumingon at nakita ko kung gaano kapula ang mga tungki ng tainga ni Rui. Dahan-dahan akong tumango kaya unti-unti siyang lumalapit ngunit bago pa man niya ako mahalikan ay napahinto kami pareho sa kumatok.

“Sino ba ’tong istorbo?” inis na tanong ni Rui kaya napatawa na lang ako saka dinampian siya ng halik sa pisngi.

“Gusto ko sa labi.” Ngumuso pa siya pero agad ko siyang itinulak nang kaonti.

“Mamaya.”

Nakasimangot siyang napatayo at lumabas na sa kwarto habang ko ay nahihiyang nagpagulong-gulong sa kama. Hindi pa ako sanay!

Ilang minuto rin ang lumipas pero hindi nakabalik si Rui kaya agad akong pumunta sa sala pero walang tao kaya tumungo na ako sa sala pero wala pa ring tao kaya pumunta na ako sa pinto.

“Rui, sino—Kuya Rein?” gulat na tanong ko habang nakatingin si Kuya sa akin ng nakangiti.

“Kilala n’yo ang isa’t isa?”

Napatango ako sa tanong ni Rui. Kilala nila ang isa’t isa?

“Speak.”

“Huwag kang magalit, Rui. Ako ’yong tumulong kay Kit no’ng wala ka pero syempre lahat ng tulong na naibibigay ko ay dahil sa ’yo,” paliwanag ni Kuya saka kumindat sa akin. “I am Rui’s older brother.”

Timeless [MPREG]✓Where stories live. Discover now