Timeless I: 10

2.1K 105 4
                                    

Rui’s Point Of View

“SIMULA sa lunes, sa likod na tayo ng stage kakain, ang init sa classroom,” nakangiting sabi ni Kit kaya napakunot ang noo ko.

Naglalakad kami ngayon palabas ng campus dahil uwian na. Gusto ko siyang ihatid sa apartment niya pero napagalitan lang ako ni Kit at ang masaklap pa ay sa harap ng mga kaklase ko. Hindi raw kami pwedeng magsama ng matagal lalo na kapag may maraming tao dahil baka may mag-report sa Daddy ko but I don’t care.

“Gusto mo bang palagyan ko ng aircon?” I jokingly said to him.

Napatawa naman siya. “Magsasayang ka lang ng pera saka Saturday na bukas, wala ka bang lakad?”

“Wala. Why?” nakasimangot na tanong ko kaya napatawa siya at hinila ang nguso ko.

“Mag-de-date tayo!”

Napahinto naman ako sa paglalakad. “D-date?”

“Oo, wala rin kasi akong trabaho. Ano? Okay lang ba?”

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya agad akong tumango.

“Kita na lang tayo sa East Street, 9:00AM!” paalam niya habang kumakaway kaya kumaway na rin ako.

Nakangiti akong naglalakad. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nang inaya ako ni Kit na makipag-date. Ito ang kauna-unahang nagmahal ako kaya lahat ay bago para sa akin.

“Layuan mo na si Kit.”

Nabaling ang atensiyon ko sa isang lalaki na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. I raised a brow and I coldly stare at him.

“Kung sino ka man sa buhay niya ngayon, gusto ko lang sabihin na hanggat maaga pa ay umalis ka na.”

Tinitigan ko si Paul at saka napangisi. “Sorry but you have no rights to command me.” Nilagpasan ko na lang siya. Nagsasayang lang ako ng oras kapag kausap siya.

“Lalayuan mo rin si Kit o hindi kaya ay si Kit na talaga ang kusang lalayo dahil sa akin.”

Inis akong napalingon sa kaniya. “You have no rights on Kit due to that fact you’re not his boyfriend anymore.” Nilapitan ko siya at nakipagtitigan. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya pero wala akong pakialam.

“Mahirap akong banggain lalong-lalo na’t may karapatan na ako kay Kit.”

Iniwan ko na siyang nakatulala sa sinabi ko. Napahawak ako sa puso ko. Damn! Ang lakas ng kabog. Ang sarap sa pakiramdam na isigaw sa pagmumukha ng lalaking ’yon na ako ang may karapatan kay Kit. Napahinto ako sa paglalakad habang sapo-sapo ko ang noo ko.

Sobrang saya ko!

Gusto kong sumigaw sa sobrang saya pero nahihiya ako dahil nasa kalsada pa ako.

“Puwede mo namang isigaw ’yang kilig na pinipigilan mo.”

Astro?

“A-anong kilig ang sinasabi mo?” Hindi ko kayang ituwid ang pananalita ko. Hindi ko akalaing may makakakita sa akin—at higit sa lahat ay kaklase ko pa talaga.

Sabay kaming naglalakad nang tahimik. I am still embarrassed because of what he saw.

“Kayo na ni Kit?”

“Y-yes.” Gusto ko sanang isigaw ang sagot ko ngunit nahihiya ako.

“Marami kayong pagdadaanan dahil sa katayuan n’yo pero isa lang ang ipapayo ko sa iyo.”

Napalunok ako sa sobrang seryoso na si Astro na nakatingin sa akin.

Inayos niya ang salamin na suot. “Huwag na huwag mo siyang bibitiwan kahit anong mangyari.”

Timeless [MPREG]✓Where stories live. Discover now