Timeless I: 07

1.8K 131 5
                                    

Kit’s Point Of View

TATLONG ARAW ko ng iniiwasan si Rui at sa tatlong araw na iyon ay lagi na lang nakakunot ang noo niya. Napabuntong-hininga na lang ako. Nandito ako ngayon sa isang upuan na nasa likod ng stage kasama si Haze na kumakain ng tanghalian. Naiinis ako sa sarili ko, hindi ko dapat siya magustuhan dahil magkaibigan kami saka bago pa lang tapos matatapos na dahil sa nararamdaman ko?

Ah! ’Di ko na talaga alam!

“Problema mo, Kit? Broken?”

Agad naman akong napatingin kay Haze saka malakas na bumuntong-hininga kaya tinaasan niya ako ng kilay.

“Kit, iluwa mo na ang problema mo,” ngumunguyang sabi ni Haze tapos napahinto. “Don’t tell me, mahal mo na ’yong anak ng mafia?”

Napayuko naman ako sa sinabi niya kaya isang malakas na batok ang natanggap ko.

“H-hindi mahal, nagsisimula pa lang.”

“Gano’n din ’yon.” Tumayo naman si Haze sa harapan ko habang nakacrossed-arms. “Bakla ka ba talaga?” Dahan-dahan naman akong tumango.

Lagi na lang siyang nagtatanong na animo’y hindi naniniwala.

“Seryoso?” Hinawakan naman niya ang baba ko at sinusuri ng mabuti ang mukha ko. “Guwapo ka naman at saka lalaki ka ring kumilos.”

Napatawa naman ako. “Naririnig mo ba kung babae ang tinitibok ng puso ko? Nakikita mo ba ang pagnanasa ko para kay Rui sa mga mata ko?”

“Magtapat ka.”

“Wow. Sa pagkakasabi mo parang ang dali lang.” Hindi talaga madali ang magtapat.

“Alam mo, Kit, kapag hindi mo ’yan maipalabas ay sasakit ’yan.”

“Bakit puro ’yan? Ano ba ’yong tinutukoy mong sasakit? Puso ko?”

Sabagay, puso naman talaga ang masasaktan sa huli.

“Hindi, puson mo!” sagot niya saka tinuro ang pang-ibabang parte ko kaya agad ko itong tinakpan.

Puson ba ’yon?

“Gaga!”

Mabilis kong tinungo ang bulletin board dahil maraming estudyante ang lumapit dito. Binasa ko ang nakadikit at bigla akong nanlumo.

Wala na naman akong pera.

Mabilis akong tumungo sa faculty room 2, kung saan nandoon ang office ng adviser namin. Ang nakapaskil sa bulletin board ay ang babayaran sa upcoming na field trip kaya pupuntahan ko ang adviser namin para sabihin na hindi ako sasama.

Sasama sana ako ngayon dahil last na ito, grade 12 na ako kaya gusto kong maka-experience ng field trip kahit papaano pero kapos ako sa pera. Ang hirap kapag mahirap pero dapat kayanin para sa kinabusan ko rin naman ang mga sakripisiyo ko.

Rui’s Point Of View

Three days na akong nilalayuan ni Kit at hindi ko alam kung bakit kaya naiinis ako. Hindi na niya ako binibigyan ng tanghalian at napupunta na ito sa babaeng lagi niyang kasama.

I sighed. Halos wala na akong ginawa kundi ang bumuntong-hininga.

“Anong klaseng buntong-hininga ’yan, Rui?” tanong ni Kuya Rein.

Nandito ako ngayon sa kuwarto ko at hindi ko alam kung bakit siya nakapasok ng walang pahintulot. Pareho sila ni Waks na pasok lang nang pasok. Bumabait na rin ito sa akin dahil kay Waks, sinusunod niya ito palagi. Hindi ko nga rin alam kung bakit sinusunod ni Kuya Rein si Waks.

“Kit? Sino ’yon?”

Agad ko namang tinakpan ang notebook ko. Fuck! Hindi ko namamalayan na naisusulat ko na ang pangalan ni Kit.

“Babae ba ’yan? Pakilala mo ’ko.”

“Rein! Nambabae ka na naman?” Waks yelled outside that made my brother run as fast as he could. He really loves Waks.

I just rest my head on the table. I can’t find a reason why Kit stays away from me.

“Mahal mo ba ’yang Kit na ’yan?” Agad naman akong napaangat sa ulo ko at nakita ko si Waks na nakangiti.

“N-no. He became my friend, he wasn’t scared of me when we first met even though I’m the son of a mafia.”

“Friend?” natatawang sabi niya. “Bakit ka nagkakaganyan? Halos akuin mo na ang lahat ng problema sa Pilipinas.”

I glared at Waks. “Siya ang kauna-unahang kaibigan ko tapos nanlamig na lang siya bigla? That bastard!”

Inis akong umupo ulit sa upuan saka ibinagsak ang ballpen sa lamesa.

“Miss mo?”

Naguguluhan akong napatingin kay Waks. “What the hell are you talking about? I-I just need a reason!” I angrily shout at him.

“Palusot ka pa. Para ka ngang boyfriend kung umasta riyan—”

“Shut up!”

Napatawa nang marahan si Waks. “Puntahan mo na lang siya, alam mo naman kung saan siya nagtatrabaho.”

Akala ba niya gano’n na lang ’yon kadali?

“Waks! Nasaan ka ba?” Kung kanina si Waks ang nagsisigaw, ngayon naman ay si Kuya Rein. Halos araw-araw ay magkasama sila. Nakakasawa kaya kapag gano’n.

“Hinahanap na ako ng boyfriend ko,” natatawang sabi niya kaya tinapunan ko siya ng reaksyon na nandidiri.

Ngumiti naman si Waks saka napailing. “Huwag kang mandiri, sige ka, mahuhulog ka sa kaibigan mo!” He emphasized the word kaibigan that made me scowled.

“Get lost, bastard!” galit na sigaw ko saka itinapon sa kaniya ang notebook pero nakatakbo na siya papalabas ng kuwarto.

Sa bilis ng oras ay hindi ko alam kung bakit ako nandito sa labas ng convenience store at nakatago.

Damn! Bakit ba ako nakatago?

Andaming customers na nakapila sa counter at halos mga babaeng nagpapa-cute kay Kit kaya patuloy lang si Kit sa pagngiti habang masaya silang nag-uusap-usap at ang iba ay tumatawa pa.

I gritted my teeth as I clenched my right fist. “That bastard!”

Parang wala siyang problema sa buhay. Akala ba niya hindi ko malalaman na iniiwasan niya ako. Parang ang dali lang sa kaniya ang iwasan ako kahit na siya ang nangulit.

“Pumasok ka na.”

Agad naman akong napalingon at nakita ko si Waks na ngayon ay kasama si Kuya Rein habang magkahawak ang mga kamay nila. “Pumasok ka na, Rui, baka maunahan ka—”

“Uuwi na ako!” Padabog akong lumakad papalayo habang rinig na rinig ko ang malakas na tawa ni Waks.

Panira!

Timeless [MPREG]✓Where stories live. Discover now