Timeless I: 01

5K 189 7
                                    

Kit’s Point Of View

“CLASS dismiss,” huling sabi ng guro namin saka umalis na kaya agad akong tumayo at mabilis na tumungo sa banyo dahil kanina ko pa pinipigilang lumabas ang ihi ko.

Nasa dulo ang classroom ko sa second floor samantalang ang banyo ay nasa kabilang dulo kaya mas lalo kong binilisan ang paglalakad. Marami na rin akong nababangga na estudyante pero hindi ko na lang ’yon pinansin. Mabilis silang nagsialisan dahil nag-iitim na ang kalangitan, gusto ko na ring umuwi pero wala akong magagawa dahil isa ako sa maglilinis ng classroom ngayon at hindi lang ngayon kundi lunes hanggang biyernes tapos lunes pa ngayon kaya napapagod ako bigla kapag naiisip ko ’yon.

Mabilis akong umihi saka mabilis na nakabalik sa classroom dahil iilan na lang din ang mga estudyante na nasa corridor.

Pagkapasok ko sa classroom ay isa lang ang nakikita kong tahimik na naglilinis kaya napakunot ang noo ko.

Lima dapat kaming maglilinis ngayon!

Napailing na lang ako saka inis na kumuha ng walis sa broombox. “Anong klaseng estudyante ang mga ’yon?”

Hindi ko lubos maisip kung ano ba ang masama sa pagiging cleaners e pantay-pantay lang naman ang lahat at may gana pang tumakas sa lininisin.

Napahinto naman si Rui sa pagwawalis habang nakatingin sa akin nang napakalamig kaya ningitian ko na lang siya nang matipid pero umiwas ito saka nagwalis na ulit kaya wala na akong nagawa kundi ang magwalis na rin.

Ang tanging maririnig mo lang ay ang ingay ng mga upuan. Natutuyo na ang lalamunan ko at nangangati na ito para kausapin ang kasama ko pero base sa mukha niya ay wala itong planong magsalita kaya napabuntong-hininga ako.

Ang hirap maging tahimik kapag sanay kang dumaldal.

Tinapunan ko naman siya ng tingin. Alam ko naman kung bakit walang tumutulong sa amin ngayon—hindi lang ngayon kundi noong nagdaang buwan, takot sila kay Rui dahil anak ito ng mafia, hindi naman ako takot sa kaniya bagkus ay naaawa pa ako dahil wala akong nakikitang kaibigan na nasa tabi niya.

Ang lonely niya masyado.

“Hoy, Rui!” tawag ko sa kaniya kaya agad siyang napatingin sa akin kaya ngumiti ako saka tinuro siya gamit ang walis na hawak ko. “Gusto kitang maging kaibigan!”

Agad namang napakunot ang noo ni Rui sa sinabi ko saka nagpatuloy na sa pagwawalis. “Hindi mo alam ang sinasabi mo.”

Napakamot naman ako sa ulo dahil sa sinabi niya saa nakayukong nagwalis ulit. “Alam ko ang sinasabi ko.”

Huminto siya sa pagdadakot saka tumingin sa akin nang malamig kaya napatayo ako nang matuwid dahil ang mga titig niya ay para bang sinusuri ang pagkatao ko, ’yong tipong nababasa niya ang pagkatao ko gamit ang tsokolate niyang mga mata dahilan para mapayuko ako at mangilabot.

“Ayoko ng kaibigan,” malamig na sabi ni Rui saka pinulot ang basurahan at lumabas na.

Ang lamig niya talaga!

Napabuntong-hininga na lang ako saka inayos na ang mga upuan, hindi ko na namalayan na tapos na pala ang pagwawalis.

Kahit na malamig ang mga titig niya hindi ko maiwasang hindi isipin ang mga mata niya na napakalungkot.

Bakit ko ba ’yon iniisip?

Mabilis kong inayos ang mga upuan dahil nagsisimula ng umambon. Tapos ko ng iayos at nabura ko na rin ang nakasulat sa pisara pero hindi pa rin bumabalik si Rui kaya wala na akong nagawa kundi ang umalis tutal kaya naman niya ang sarili niya. Hindi ko naman hawak ang mga paa niya at lalong-lalo na’t hindi kami magkaibigan.

Tama! Aalis na ako!

Mabilis akong naglakad dahil baka lumakas ang ulan at mababasa ako. May part-time job pa akong pupuntahan at magluluto pa ako ng hapunan. Habang nasa hagdan ako ay bigla napahinto nang may narinig akong nag-aaway kaya agad akong tumakbo kung saan ito nanggagaling at dinala ako nito sa compospit.

Hindi ko naman gustong makialam pero kilala ang paaralang ito dahil sa sobrang daming basagulerong estudyante, buwan-buwan ay hindi maiiwasan na may labanan. Okay lang sana kung suntukan lang, e minsan nga ay naoospital pa ang iba dahil sa mga basagulerong mararahas. Sabagay, basagulero nga.

Kitang-kita ko si Rui na nakikipagsuntukan sa tatlong lalaki habang ang basurahan na dala niya kanina ay nasa lupa na ito at kalat na kalat na ang mga laman. Napalaki ang mga mata ko nang makita kong dumukot ang isang lalaki ng gunting sa bulsa niya.

“Hoy! Papunta na si guard dito!” sigaw ko dahilan para halos mankandarapa na ang tatlo sa pag-uunahan sa pagtakbo na nagpatawa sa akin.

May pa-gunting-gunting pa kayong nalalaman e takot naman pala kayo sa guard!

Nakita kong mabilis na pinupulot ni Rui ang basurang nakakalat saka tinapon na ito at nilagpasan ako.

“Hindi ka man lang ba magpapasalamat?” tanong ko sa kaniya saka nilingon niya ako kaya ngumiti ako pero napawi ito dahil sa sinabi niya.

Pinunasan niya  ang dugo sa labi niya saka napamura nang masagi ang sugat. “Hindi ako humingi ng tulong.”

Napangiwi naman ako. Ang sama niya.

Timeless [MPREG]✓Where stories live. Discover now