TIMELESS II: 19

1.1K 75 2
                                    

Rui’s Point Of View

Inis akong naghihintay sa isang VIP room ng isang restaurant kung saan kami magkikita ng mapapangasawa ko raw. Simple lang ang pinasukan naming restaurant kaya nakapagtataka pero hindi ko na lang ito pinansin. It’s already seven in the evening at ang masasabi ko lang ay late na siya ng tatlumpung minuto.

Tumayo na ako pero ang maawtoridad na boses ni Dad ang nagpahinto sa akin. “Where are you going, Rui? Umupo ka na. Papunta na rito ang mga magulang niya.”

I sighed before facing him. “I’ll reject her.”

Umasim ang mukha ng ama ko. “You can’t.”

“Wala na akong pakialam kung itakwil mo man ako.” Tumalikod na ako.

“Rui.”

“I am going to the restroom.”

“Damn that old man,” bulong ko habang naglalakad papunta sa restroom. “Oh, sorry—Kit? Why are you here?” Hihingi na sana ako ng tawad sa nakabangga ngunit ang mukhang gulat ni Kit ang nakita ko.

Taranta siyang napaiwas ng tingin saka sinulyapan ako at ngumiti nang pilit. “W-Wala. Ikaw? Dito ba ’yong—”

“Yeah, but I will definitely reject her.” I really don’t want Kit to misunderstand this thing. “Can you wait for me? Mabilis—”

Mabilis siyang umiling at pilit na ngumiti. “I’m sorry but I will be attending a meeting that’s why I’m here.”

“Then, just text me. Okay? Sabay tayong uuwi.”

Nagdadalawang-isip pa siya bago sumagot, “S-Sure.”

I just smiled at him when he walked away. Napasandal na lang ako nang ilang segundo sa pader.

Ayoko ng pumunta sa banyo...

Kahit gustuhin ko mang umalis ay wala na akong magagawa. Mas mabuti na ’yong tatanggi talaga ako nang personal.

Nakayuko lang akong naglalakad pabalik pero napahinto ako nang makita ko si Kit na nakahawak sa dibdib at pinapawisan.

“Why are you here, Kit?”

Gulat siyang napatingin sa akin. Ilang segundo din ang lumipas bago siya sumagot ng may pag-aalinlangan. “I am... I am also attending a marriage interview. My parents settled it a few months ago.” Nangungusap ang mga mata niyang nakatingin sa akin. “I’m so sorry. Hindi ko na—”

What? Don’t tell me...

Ibang kasiyahan ang nabubuo sa puso. Fuck! Kung totoo... Hindi ko na alam.

“Pumasok na tayo?”

Many questions are running on my mind but I can’t help to hope that Kit...

Nang tumingin ako sa kaniya ay nagtataka lang siya. “B-Bakit ka kasama?” bulong niya ngunit ngumiti lang ako.

“Explain,” saad ko pagkapasok namin.

Lahat sila ay napatingin pati na rin si Waks na ngayon ay napapangiti na. May kinalaman siya rito?

May mga pagkain na ring nakahanda sa mahabang lamesa.

“We already settled this marriage interview a few months ago but both of you didn’t want it.”

“What?”

“I’m repenting about my decisions way back then.” Seryosong tumayo si Dad saka yumuko sa akin. “I’m sorry, Rui.” Pagkatapos ay doon naman kay Kit. “And I am sorry, Kit.”

Timeless [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon