Timeless I: 02

2.8K 174 12
                                    

Kit’s Point Of View

“RUI!” sigaw ko sa corridor nang makita ko si Rui na naglalakad papunta sa akin kaya ningitian ko siya pero nilagpasan niya lang ako at tuluyan ng pumasok sa classroom kaya agad ko siyang sinundan at umupo sa harapan niya.

“Good morning, Rui!” nakangiting bati ko sa kaniya pero malamig niya lang akong tiningnan at wala akong pakialam.

Narinig ko naman na nagbubulungan ang mga kaklase ko pero hinayaan ko na lang ’yon. Ako lang kasi ang kauna-unahang nagtangkang kumausap kay Rui.

“Get lost,” malamig na usal ni Rui habang ang mga tingin ay nakapokus lang sa librong binabasa niya kaya kinuha ko ito dahilan para kumunot ang noo niya at pagtaasan ako ng kilay.

“Huwag ka na munang mag-aral! Batiin mo muna ako,” nakangiting sabi ko pero inismiran niya lang ako saka kinuha ang libro.

“Mr. Perez? Go back to your seat,” utos ng guro pagkapasok niya kaya napanguso na lang ako saka tumingin kay Rui at ngumiti bago tuluyan na akong pumunta sa upuan ko.

Hindi ko alam pero gusto ko siyang maging kaibigan. Naawa lang kasi ako dahil wala itong kaibigan saka parang napapanis na ang laway niya dahil hindi ito nagsasalita masyado. Gusto ko siyang tanungin kung bakit ayaw niya akong maging kaibigan, masayahin naman ako! Ang problema nga lang ay ang daldal ko baka ayaw niya sa madaldal?

“Anong tinatango-tango mo, Mr. Perez?” Napatingin agad ako sa guro namin saka ngumiti nang pagkalaki-laki saka umiling ng dahan-dahan kaya bumalik siya sa pagtuturo.

First time kong naging lutang sa klase!

Rui’s Point Of View

Ang mukha ko ay nakatingin sa teacher naming nag-di-discuss pero ang mga mata ko ay nakatingin sa classmate kong madaldal.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa panggugulo nito sa akin, it’s been 3 days! Three fucking days!

He dares to mess the son of a mafia!
Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko, hindi ko magawang magalit sa kaniya pero naiinis ako sa pangungulit ni Kit. Alam kong hindi rin siya magtatagal pero may konting saya ang puso ko dahil walang takot niya akong kinausap.

It’s like a task.

“Wow! Ngumingiti ka rin pala!”

Napaangat naman ang tingin ko sa nagsalita at nakita ko si Kit na nakangiti sa akin kaya napatingin ako sa buong classroom at kami lang ang tao.

Nasaan sila?

“Tara? Sabay tayong pumunta sa science laboratory!” masiglang yaya nito sa akin pero hindi ko siya sinagot at tumayo na lanh habang dala-dala ko ang isang notebook at ballpen saka iniwan siya sa classroom.

Damn! Hindi ko namalayaan na natapos na ang first subject.

“Sabay tayo, Rui!” he said happily as he walked beside me so I stared at him—at his bright smile.

I salute him. He could smile and laugh effortlessly. He looked at me then smiled so I immediately turned my gaze away and walked quickly.

“Gusto kitang maging kaibigan, Rui Tero!” sigaw niya saka yumuko sa harapan ko kaya napaatras ako bigla dahil sa gulat.

Damn this idiot!

We were still in the corridor so he got all the attention of the students and the teachers because of his shout that disturbed the classes.

“Mr. Perez? Why are you shouting in the corridor?” nakataas ang kilay na tanong ng guro namin sa Gen. Math pero ngumiti lang si Kit.

He even managed to smile! I just left him and then quickly went down the stairs. I really don't know if he’s serious about becoming my friend or what but does he not know who I really am?

Damn!

Sa bilis ng oras ay recess na at nandito ako sa classroom at nasa harapan ko na naman itong madaldal na ito, hindi na nauubusan ng sasabihin kahit na hindi ako nakikinig sa mga sinasabi niya.

Nakakatamad at nakakapagod na siyang sawayin at pagsabihan dahil kusang bumabalik-balik parin ito.

“Kumain ka na!” nakangiting sabi niya sa akin habang pinapalo nang mahina ang dalawang biskwit sa armchair ko.

Kanina niya pa akong pinipilit na kainin ito pero hindi ko tinanggap.

Ilang araw ng ganito si Kit at pabalik-balik lang din ang biskwit na inaalok niya sa akin.

“I don’t want to eat,” tipid na sabi ko saka ibinalik ang paningin ko sa librong binabasa.

Ang mga mata ko ay nakatuon sa librong binabasa ngunit ang isip ko ay nakatuon kay Kit. Nag-iisip ako kung ano ang kailangan kong gawin para lumayo siya sa akin at hindi na niya ako guguluhin kahit kailan.

Hinawi niya ang libro saka ngumiti nang pagkalaki-laki.

That smile again!

“Say ah—” Bago niya paaisubo ang isang piraso ay isang malakas na tunog ang nagawa ko sa pagtampal sa kamay niya kaya nahulog ito.

“Get lost!” I angrily shouted at him then I left the classroom.

Siya dapat ang umalis! Bakit ako ang lumabas?
Hindi siya nakagalaw sa pagsigaw ko at halatang-halata na nagulat ito. He deserved it. Ayokong magkaroon ng kaibigan. Iiwan ka rin naman nila sa huli, ang iba ay hindi nang-iiwan kundi tumatraydor.

Sa sobrang bilis ng takbo ng oras ay uwian na. Patuloy lang ako sa pagnanakaw ng tingin kay Kit na ngayon ay mag-isang naglilinis. Tahimik lang akong nakasandal sa gilid at sumusulyap sa kaniya.

Alam kong maagang nagsialisan ang mga kaklase namin lalo na kapag cleaners, wala ring tumutulong sa amin lagi dahil sa akin.Hindi ako mapakali, nakayuko ako ngayon tapos bigla na lang akong susulyap kay Kit.

Napatitig lang ako sa kamay na ginamit ko sa pagtampal sa kamay ni Kit. Nakokonsensya ako dahil namumula pa rin ito hanggang ngayon.

Napasandal na lang ako sa pader. Gusto kong tumulong pero wala akong lakas ng loob. Napabuntong-hininga na lang ako. “Galit kaya siya?”

“Sinong galit?” Napalundag naman ako sa gulat. Nakangiti ngayon si Kit na nakatingin sa akin at hindi ko magawang ibukas ang bibig ko. “Sinong galit? May nagalit ba sa ’yo?”

Damn! Say something Rui! Say something!

“Gusto mo bang tumulong?” nakangiting tanong ni Kit sa akin habang iwinagayway ang walis na hawak.

“I…”

Halatang-halata sa mukha niya na naghihintay siya sa sasabihin ko pero pasensiya na lang siya dahil walang lumalabas sa bibig ko.

“I... h-hate you!” I shouted on his face then I run away.

I hate his smile!

Timeless [MPREG]✓Where stories live. Discover now