Chapter 8

6.6K 161 2
                                    

"Anong gusto mo?" tanong ni Aiden pagkatapos niyang kunin ang menu sa waiter.

Hindi ako tumingin sa menu. Nanatili ang tingin ko sa kanya. Napansin niya iyon kaya tumingin siya sa'kin.

"What?"

"Bakit mo sinabi 'yon?" tanong ko.

"Ang alin?"

Humalukipkip ako at tinaasan ko siya ng kilay. Napabuntong-hininga siya.

"Mas gusto mo bang hindi ko sabihin 'yon para hindi ka niya tigilan? Then, go back there and have fun with him," he said.

"May iba pa namang paraan para mapaalis siya, 'di ba? Hindi mo kailangang sabihin 'yon par—"

"Okay, okay. Fine. I get it. I'm sorry. Pasensya na kung niligtas kita doon. Hindi na dapat ako nakialam."

Napabuntong-hininga ako. "I'm sorry. Alam kong gusto mo lang tumulong. My point is hindi mo naman kailangang gawin 'yon. I can take care of myself."

Nagsalubong ang dalawang kilay niya at napansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa menu. Is he mad?

"Can we please just eat? I'm starving," sabi niya.

Itinuon ko na lang ang tingin ko sa menu. Teka sandali. Sa pagkakaalam ko, kasabay naming magla-lunch ngayon ang may-ari ng resort. Kung ganoon, nasaan siya?

"Wait, Aiden. Akala ko ba kasabay nating magla-lunch si Tristan Cruz? Bakit wala pa siya?" tanong ko.

"Nagkaroon ng emergency at kinailangan siya so he will not be joining us today but he will be joining us for dinner instead," sabi niya.

Tumango na lamang ako. Nang makapili na kami ng kakainin ay sinabi na namin iyon sa waiter. Nang mai-serve na ay kumain lang kami ng tahimik hanggang sa magsalita siya.

"Bakit hindi mo ako sinabihan kanina na lalabas ka pala?"

"I just realized na pagod ka sa pagda-drive kaya hindi na kita inistorbo," sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.

"Next time, tawagin mo ako. I don't care if I'm tired or sick or what. Just call me."

Napaangat ako ng tingin at napakunot-noo. "And why? I'm not your responsibility."

Uminom siya ng tubig bago tumingin sa'kin ng diretso at sumagot.

"You're right. You're not my responsibility. But let me tell you this. Starting today, you are my responsibility."

"Bakit nga?"

"Kasi gusto ko. Kasi ayokong may mangyaring masama sa'yo. Kasi pakiramdam ko magiging kasalanan ko kapag may nangyaring hindi natin inaasahan," sabi niya.

"Don't worry. Kapag may nangyari mang masama sa'kin, hindi kita sisisihin. Tutal naman, ako naman talaga ang dahilan kung bakit tayo nandito ngayon."

Bigla niyang binitawan ang mga kubyertos. Seryoso niya akong tinignan.

"Please?" May himig ng pagsusumamo sa boses niya.

Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa 'to. Hindi ko alam kung ano ba ang dahilan niya. Pero mukhang ayaw niyang magpatalo. Napabuntong-hininga ako at pumayag na lamang sa gusto niya.

"Okay."

Ipinagpatuloy na lang namin ang pagkain namin ng tahimik.

**

Nang matapos kaming kumain ng lunch ay bumalik na kami sa sarili naming kwarto at natulog. 3:30 PM na nang magising ako. Gusto ko sanang maligo sa dagat pero bigla akong tinamad dahil hapon na. Mas gusto kong sa umaga mag-swimming.

Finding The Right OneWhere stories live. Discover now