Chapter 13

6.4K 149 0
                                    

Awkward.

Iyan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito pagkatapos niya akong halikan kanina. Siguro iyon din ang nararamdaman niya since kanina pa siya tahimik at kanina ko pa rin napapansing lihim siyang sumusulyap sa'kin. Para siyang may gustong sabihin dahil kanina pa siya tumitikhim pero hindi naman niya sinasabi kung ano iyon.

Naglalakad kami ngayon sa gilid ng kalsada papunta sa bahay ni Tristan Cruz. Pagkatapos ng nangyari kanina, napagpasyahan naming hanapin na si Tristan at nakapagtanong na kami kung saan nga ba ang bahay niya.

Narinig ko ulit ang pagtikhim niya at hindi na ako nakatiis kaya ako na mismo ang nagbasag ng katahimikan.

"Do you have something to say?"

Tumingin siya sa'kin pero ibinalik din niya ang tingin sa nilalakaran namin. "About... that. Uhh..."

"Let's just forget about it," sabi ko bago pa man niya maituloy ang sasabihin niya.

Napahinto siya sa paglalakad. Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang pagkakakunot ng noo niya.

"What?" he asked.

"I said, let's just forget about it."

"Why?"

Nagkibit-balikat ako. "Hindi naman na mahalaga 'yon, 'di ba? It was just a kiss."

"But I don't want to forget that kiss," sabi niya at saka nagpatuloy sa paglalakad.

Kinilabutan ako nang banggitin niya ang word na 'kiss'. Seriously? At mas lalo akong kinilabutan dahil sa sinabi niya. Sa totoo lang, ayoko rin namang kalimutan 'yon. I admit. I liked that kiss. I don't even know why but I certainly liked it.

Pero mas mabuting kalimutan na lang namin para mawala na ang awkward atmosphere sa mga oras na ito.

"Can we please not talk about it?" I asked.

He sighed. "Fine. Let's not talk about it. But I'm not going to forget that kiss."

Kinilabutan na naman ako sa sinabi niya pero hinayaan ko na lang. If he won't forget that kiss, then fine. I'm not going to forget it, too.

Ewan. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. At hindi rin nakakatulong ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa mga oras na ito.

Maya-maya ay may nakita kaming bahay na tingin namin ay ang bahay ni Tristan Cruz dahil sa itsura nito. Ang itsura ng bahay ay sakto sa description na ibinigay kanina ng napagtanungan namin.

"Here it is," sabi ni Aiden. "Tao po!" tawag niya sa labas ng gate. Inulit niya iyon nang walang lumabas.

Ilang sandali pa ay wala pa ring lumalabas. Hindi kaya walang tao ngayon sa kanila?

"Wala yatang tao," sabi ko kay Aiden.

Biglang may lumapit sa'min na babae na galing sa katabing bahay. May hawak siyang walis at mukhang kakawalis lang niya sa bakuran nila.

"Ay hijo, walang tao diyan. Umalis. Nagpunta sa bukid," sabi nito sa amin.

Nagkatinginan kami ni Aiden. Pagkatapos ay tumingin kami sa babae.

"Ganoon po ba? Anong oras po kaya siya makakabalik?" tanong ni Aiden.

"Kadalasan ay gabi na siya umuuwi. Sino ba kayo? Kamag-anak ba niya kayo?"

"Hindi po. May itatanong lang po sana kami sa kanya."

Napatango ang babae. "Ah. Kung nagmamadali kayo, pwede niyo namang puntahan siya sa bukid. Kaya lang, sa itsura niyo, baka hindi niyo gugustuhing pumunta doon."

Finding The Right OneWhere stories live. Discover now