Chapter 4

8.1K 149 1
                                    

Makalipas ang isang araw, maaga akong nagising para mag-ayos. Ngayon kami pupunta sa lugar kung saan nakatira si Tristan Cruz, ang unang Tristan na nasa listahan.

Matapos kong mag-breakfast ay nagpaalam na ako agad kay Mommy para umalis. Nagpahatid ako sa driver namin papuntang SG Hotel.

Sa SG Hotel kami magkikita dahil ayon kay Aiden ay may idadaan daw muna siyang papers doon. Sabi rin niya ay  kakausapin daw muna niya ang pinsan niya na pansamantalang mamamahala sa company nila habang wala siya.

Nang makarating ako sa hotel ay pinauwi ko na agad ang driver namin dahil sasabay na ako kay Aiden pauwi. Pagkaalis niya ay pumasok na ako agad at naghintay sa lobby. Inaliw ko muna ang sarili ko sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga magazines na naroon.

After thirty minutes, bumukas na ang elevator at nakita kong lumabas na mula doon si Aiden kasama ang isang lalaki. Lumapit sila sa'kin kaya tumayo ako.

Tumikhim muna si Aiden bago nagsalita.

"Akala ko wala ka pa, eh. By the way, this is Andy, my cousin. Andy, this is Allyza," pagpapakilala niya sa'kin sa lalaking kasama niya.

Naglahad ito ng kamay kaya tinanggap ko iyon. "It's Lyza. Nice to meet you," sabi ko.

"Nice to meet you, too. So, you're his girlfriend?" tanong nito sa'kin.

Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam kung ano ang alam niya tungkol sa'min ni Aiden. Tumingin na lamang ako kay Aiden at siya na ang sumagot.

"I told you, Bro. It's not what you think," sabi niya.

"I know. I'm just joking. Tinitingnan ko lang kung ano ang sasabihin ni Ms. Lyza," sabi ni Andy habang nakangisi.

"Just call me 'Lyza'," sabi ko.

Tumango na lang siya sa sinabi ko. Pagkatapos ay bumaling siya sa pinsan niya at nagpaalam na para umalis.

"Sige, Bro. Enjoy na lang sa bakasyon niyo. Baka sakaling... alam mo na," sabi nito ng nakangisi.

Hindi ko na-gets kung ano ang pinag-uusapan nila kaya napakunot-noo ako. Napatingin naman sa'kin si Aiden pero agad ring umiwas ng tingin. Bakit kaya?

"Stop it, Andy. Sige na, aalis na kami," sabi nito at tinapik ang balikat ni Andy.

Nagpaalam na rin ako at agad na kaming umalis sa hotel. Paglabas namin ay naroon na agad ang kotse ni Aiden kaya agad na kaming sumakay at umalis.

Habang nasa daan, hindi ko mapigilang isipin ang pinag-usapan nila kanina. Feeling ko kasi ay related iyon sa'kin lalo na nang biglang napatingin sa'kin si Aiden kanina at agad ring umiwas ng tingin.

"May problema ba?" Nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Aiden. Lumingon ako sa kanya at umiling.

"Nothing. Don't mind me."

"Pero sa itsura mo mukhang meron. You can tell me if you want. Baka may maitulong ako?" sabi niya.

"Actually, meron nga. Tungkol kasi sa sinabi ni Andy kanina. Na-curious kasi ako sa idudugtong sana niya sa sinabi niya bago tayo umalis," sabi ko.

Sumulyap muna siya sa'kin bago nagsalita. "Iyon ba? Wala lang 'yon. Naikwento ko kasi sa kanya 'yong about sa pagkakakilala natin hanggang sa umabot tayo sa agreement na 'to. Gusto kasi niyang magka-girlfriend na 'ko kaya naisip niya na baka makahanap ako through this vacation."

"Ah. Kung ganoon, bakit bigla kang napatingin sa'kin kanina nang sinabi niya 'yon?"

"Naisip ko kasi na baka may iba kang maisip about sa sinasabi niya. Sorry nga pala kung nasabi ko sa kanya 'yong tungkol sa agreement natin. Sa lahat kasi ng pinsan ko, si Andy ang pinaka-close ko. At sa kanya ko lang talaga nasasabi ang lahat."

Finding The Right OneWhere stories live. Discover now