Chapter 1

13.3K 264 4
                                    

Lyza's POV

"Yes, Dad. I'll go now. Take care, alright?" I said as I hugged him.

"You, too. Say 'hi' to your Mom for me," he said.

"I will. Bye," I said and bid goodbye.

Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa eroplanong sasakyan ko. Nang makapasok ako sa eroplano ay hinanap ko agad ang upuan ko. Nang mahanap ko na ay agad akong umayos ng upo.

Six months na ang nakakalipas simula nang pumunta ako dito sa Canada at ngayon nga ay pabalik na ulit ako sa Pilipinas. And I'll stay there for another six months.

Limang taon na akong pabalik-balik sa Canada sa kadahilanang divorced ang parents ko. My Dad is staying in Canada for his business while my Mom is staying in Philippines also for her business. Sa Pilipinas ako ipinanganak pero noong three years old ako, nag-migrate kami sa Canada because of my father's business. Pero noong eleven years old ako, bumalik kami ni Mommy sa Pilipinas nang malaman niyang may ibang babae si Daddy. Galit na galit ako kay Daddy noon dahil ipinagpalit niya kami sa ibang babae. Mas lalo pa akong nagalit nang malaman kong tuluyan na silang nag-divorce ni Mommy noong thirteen years old ako.

Nang mismong araw na sabihin sa'kin ni Mommy na divorced na sila ni Daddy, nagalit ako ng husto. Pero ipinaliwanag sa'kin ni Mommy na wala dapat akong ikagalit dahil nagsisisi na si Daddy sa nagawa niya. Sinabi rin niya na nag-iisa na si Daddy ngayon dahil matagal na niyang hiniwalayan ang babae niya.

Tinanong ko si Mommy kung bakit hindi na lang niya balikan si Daddy kung ganoon. Ang tanging sinabi lang niya ay hindi na niya ito kayang pagkatiwalaan ulit. Hindi ko pa iyon naiintindihan noon pero kalaunan ay naintindihan ko na rin.

Ang hindi ko maintindihan, isang beses lang naman iyong nagawa ni Daddy. Nagsisi na ito at hindi na iyon inulit. Pero hindi pa rin siya binalikan ni Mommy. Naisip ko na lang baka hindi sapat ang pagmamahal nila sa isa't isa para magkabalikan.

Noong mga panahong iyon, gusto kong magalit kay Daddy. Pero naisip kong wala na rin naman akong magagawa. Nagdesisyon na silang dalawa ng hindi iniisip ang nararamdaman ko kaya hinayaan ko na lang. Isa pa, maaaring nagsisisi na si Daddy sa ginawa niya noon kaya naman pinatawad ko na rin siya. At nang araw ding iyon, ipinaliwanag sa'kin ni Mommy ang naging agreement nila ni Daddy.

Kinailangan kong bumalik sa Canada para doon ipagpatuloy ang pag-aaral hanggang sa matapos ako ng high school. Sinabi niyang sa Canada ako magha-high school at sa Pilipinas ako magco-college. Ayoko sana dahil ayokong iwan ang taong mahalaga sa'kin nang mga panahong iyon pero sinabi ni Mommy na para rin ito sa kinabukasan ko kaya napapayag niya ako. Wala akong ibang nagawa kundi ang umalis.

Nang matapos ako ng high school ay nag-college naman ako sa Pilipinas. At nang matapos ako ng college, napagkasunduan nina Mommy at Daddy na salitan sila sa'kin. Kaya nga heto, every six months ay nagpapabalik-balik ako sa Pilipinas at Canada para tulungan sila sa business nila.

Masyadong magulo ang buhay ko, alam ko. Pero gusto kong mapasaya ang parents ko kaya sinusunod ko sila.

Nang makalapag ang eroplanong sinasakyan ko sa NAIA, nakahinga ako ng maluwag. I'm back again.

Pagkatapos ng mga kung anu-anong ginawa ko sa loob ay nakalabas na rin ako sa airport. Nakita ko agad si Mommy na kumakaway sa'kin kaya ngumiti ako at nilapitan siya. She hugged me right away.

"I missed you."

"I missed you, too, Mom."

Tinulungan niya ako sa pagdala sa mga gamit ko at inilagay ito sa kotse niya. I've always wanted a car, too. But I can't. Dahil sa sitwasyong ito, hindi ko alam kung makakabili pa ba ako ng sasakyan ko in the future.

Finding The Right OneWhere stories live. Discover now