Chapter 27

8.5K 175 0
                                    

Featured song: One – Ed Sheeran

**

Nang matapos ang pag-uusap ni Daddy at Aiden ay pinatawag din ako ni Daddy sa office niya. Nang naroon na kami ay tinanong niya ako.

"So, Lyza, ano ang balak mo ngayon?" tanong niya. "What are your plans for your future?"

Napatingin ako kay Aiden pagkatapos ay kay Daddy. "Okay lang naman po sa'kin kung patuloy ko pa ring gawin ang dati kong ginagawa. Okay lang naman sa'kin na magpabalik-balik pa rin dito at sa Pilipinas."

Umiling si Daddy. "No, Lyza. Ang tinatanong ko ay ang gusto mo, hindi ang gusto namin ng Mommy mo."

Hindi agad ako nakasagot. Tumingin ako saglit kay Aiden. Tinanguan lang niya ako.

Napangiti ako. "Well, Dad. Gusto ko po sanang sa Pilipinas na lang mag-stay. Hindi naman po sa ayaw ko dito pero gusto ko po sanang magkaroon ng permanent residence. Doon ko rin po kasi balak bumuo ng pamilya. Hindi naman sa sinasabi kong magpapakasal na 'ko. Sinasabi ko lang po ang pangarap ko."

Napatango-tango si Daddy. "Okay. You can do what you want. Pinapayagan kita sa kung anong gusto mong mangyari."

Nanlaki ang mata ko nang sabihin iyon ni Daddy. Nagbibiro ba siya?

"Dad?"

Ngumiti siya. It's like he's assuring me that everything's alright.

"It's fine, anak. Gusto ko rin namang kahit papaano ay matupad mo ang mga pangarap mo. We've been so unfair to you. We're always giving you a hard time. I think it's time for you to be free."

Umiling ako. "Dad, you're not giving me a hard time. Kahit papaano, gusto ko rin po ang ginagawa ko. Gusto ko na natutulungan ko kayo."

"I know, anak. Alam ko. Pero hanggang dito na lang. Tama na lahat ng nagawa at naitulong mo sa amin," sabi ni Daddy.

Namuo ang luha sa mga mata ko. My Dad's finally setting me free. I can't believe it!

Napailing ako. "But Dad, paano ka? Sino ang magiging katulong mo dito? Paano kapag nagdesisyon kang tumigil na sa pagtatrabaho? Paano ang hotel?"

He smiled. "Don't worry about that, my dear. May naisip na 'kong tao kung kanino ko ipapamahala ang hotel pagdating ng panahon."

Napakunot-noo ako. "Kanino po?"

"Let me tell you a secret, my dear. I'm planning to let your Kuya Ben be the next CEO of our hotel."

Nanlaki ang mata ko. Si Kuya Ben! Of course! Itinuring na ni Daddy na parang tunay na anak si Kuya Ben dahil sa tagal na niyang nagtatrabaho kay Daddy. Nararapat lang na sa kanya na ibigay ni Daddy ang hotel.

Napangiti ako. Hinawakan ko ang kamay ni Daddy. "I'll keep that a secret for now, Dad. But I'm happy. Thank you, Dad. I'm sure magiging successful pa rin ang hotel kahit si Kuya Ben na ang next CEO. Siguradong matutuwa siya."

Tumango siya. "I hope so. Now, you two, don't worry about anything else. Just be happy and be free."

Napangiti ako at napatingin kay Aiden. Hinawakan niya ang kamay ko at napangiti.

Mga ilang sandali lang ay naisipan na namin ni Aiden na umalis para mamasyal. Nang makalabas kami sa hotel ay tinanong ko siya.

"Anong pinag-usapan niyo ni Daddy?" I asked. Ngumiti lang siya at tumingin sa'kin. Napakunot-noo ako. "Bakit?"

Umiling siya. "Nothing. Just... some random things. Man to man talk 'yon kaya hindi mo na kailangang malaman," sabi niya habang nakangiti.

Napasimangot ako. Parehas sila ng sinabi ni Kuya Ben. Ano ba 'yang man to man talk na 'yan?

Finding The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon