Chapter 2

9.6K 235 0
                                    

Ano bang sinasabi ng lalaking 'to? Hindi ko nga siya kilala tapos girlfriend daw niya 'ko? What the hell!

"Uhh… excuse me. Sa tingin ko, nagkaka—"

"Girlfriend? Sa tingin mo maniniwala ako sa sinasabi mo? I know you're just saying that to get rid of me. Sorry but I don't believe you," sabi ng babae.

Bastos na babae, pinutol ang sinasabi ko. Pero infairness, matalino siya, ha? Alam niyang hindi totoo ang sinasabi ng lalaking 'to.

Magsasalita na sana ako pero bigla namang nagsalita ang lalaki. "Then, what do you want me to do to prove that she is my girlfriend? Do I need to kiss her in front of you?" sabi nito na siyang ikinagulat ko.

Kiss? Nahihibang na ba siya?

"What?! No—" Pero bigla ulit naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan.

Sinubukan kong kumawala sa hawak niya pero masyado itong mahigpit kaya hindi ako makagalaw. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang panlalambot ko. Nakakapanghina ang halik niya. Unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko, pero bago ko pa man magawa iyon ay bigla siyang bumitaw sa halik at hinihingal na tumingin sa babae.

"Ngayon, naniniwala ka na ba?"

Inis na umalis ang babae pero bago iyon ay tumingin muna siya sa'kin ng masama.

"Mabuti naman at umalis na siya," dinig kong sabi ng lalaki. Napalingon naman ako sa kanya at tiningnan siya ng masama. Tumingin din siya sa'kin. "What?"

Sa inis ko ay nasampal ko siya.

"Ouch! Para saan naman 'yon?" tanong niya habang nakahawak sa pisngi niyang sinampal ko.

Sa sobrang galit ko, sinigawan ko siya kahit na maraming nakatingin sa amin.

"Para saan? Pagkatapos mo 'kong hilahin, sabihing girlfriend mo kahit hindi naman, pagkatapos mo 'kong halikan ng walang pahintuloy, itatanong mo kung para saan 'yon? Gago ka pala, eh!"

Bigla naman siyang napalingon-lingon sa paligid. "Teka, Miss. Baka naman pwede nating pag-usapan ‘to—"

"Pag-usapan? Anong dapat pag-usapan dito, ha?!"

"Miss, huminahon ka muna, please," sabi niya habang tumitingin sa paligid.

"Huminahon? Paano ako hihinahon? Sabihin mo, paano?!"

"Aish! For Pete's sake, stop shouting! Hindi ako bingi, okay?!"

Natahimik ako nang sumigaw siya. At doon ko lang napansin na tahimik ang paligid at lahat ay nakatingin sa amin. Ngumiti ako ng alanganin at humingi ng paumanhin.

Nagulat na lang ako nang bigla akong hilahin ulit ng lalaking 'to. Nang makarating kami sa labas ay binitiwan na niya ako at tumingin sa'kin.

"Look, Miss. Sorry dahil sa ginawa ko kanina. Desperado lang talaga akong mapaalis ang babaeng 'yon kanina at wala na akong ibang maisip na paraan kaya ko nagawa 'yon," sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip. "Ah, ganoon? Kaya mo ako hinila at hinalikan? Bakit? Sino ba 'yong babaeng 'yon?"

"I'm also sorry for kissing you without permission. Kinailangan ko lang talagang gawin 'yon para mapaalis siya. Masyadong obsessed ang babaeng 'yon sa'kin. Ilang beses ko ng sinabing wala akong gusto sa kanya pero patuloy pa rin siyang sumusunod sa'kin. Sorry sa mga ginawa ko kanina."

Infairness, mukha namang sincere siya sa sinasabi niya. Sige na nga. Papatawarin ko na.

"If you want, I can compensate for what I did. Pwede kang humingi sa'kin ng kapalit dahil sa ginawa ko," sabi niya.

Finding The Right OneWhere stories live. Discover now